Chapter One

54 2 0
                                    

Dedicated to InvisibleShadow_XII

I : Ellyxian Academy

Malaki ang Ellyxian. Kumpleto ang mga kagamitan, at mala-palasyo ang dating nito sa mga panibagong estudyante.

Kasama dito si Ryn.

Hindi niya inaakala na magiging ganito kalaki ang eskwelahan. Sa kanyang pananaw noon, magiging malaki ang Ellyxian, pero hindi kasing laki ng isang malaking palasyo - maaaring mas malaki pa.

Dala-dala niya ang kanyang mga gamit: dalawang malaking maleta, ilang mga kahon, at ang kanyang hand bag.

Pagpasok na pagpasok niya sa loob ng gate ng paaralan ay agad na bumungad sa kanya ang mga estudyanteng nagkakagulo, estudyanteng nagamit ng mahika, estudyanteng naglalaro, at mga estudyanteng nag-aaway.

Naging madali lang sa kanyang mahanap ang front desk.

Nang nasa harap na sya ng isang malaking puting pintuan, napabuntong hininga sya, at nagpatuloy sa paglalakad. Nagdalawang isip pa sya kung papasok pero sa huli ay napagdesisyonan nyang pumasok na.

Habang nakangiti, binuksan niya ang mga pintuan.

"Miss!" Ani niya ng malakas sa babaeng abalang-abala sa paggawa sa front desk, na napatingin naman sa kanya.

Nagkaroon agad ng ngiti ang kanyang mukha, "Miss Ryn Levaria?" Tanong nya sa estudyante.

"Ah-... Ahm... Ako nga po iyon..." Medyo nagaalinlangan nyang sagot. Hindi nya malaman kung dahil ba ito sa kaba  o kung ano.

Medyo naguluhan si Ryn. Ano ba ang tatanungin niya: saan po ang kwarto ko, o ano po ang class schedule ko?

"Ahm, pwede po ba malaman kung saan yung kwarto ko? Bagong estudyante lang po kasi. Student number 159 po. Pati na rin po yung class schedule... kung pwede." Sagot niya.

May kinalkal ang babae sa kanyang maimis na gamit, at may inilabas na clipboard. Iniabot nya iyon kay Ryn.

"Ayan nga pala ang magiging class schedule. Andyan na din ang class number mo. Ipapaalala ko lang na bukas na magsisimula ang klase. Ipapahatid ko na lang sa magiging dorm mo ang magiging uniporme mo."

Tumungo si Ryn habang may inabot sa kanya ang babae na laminated na index card. Malaki ito.

Tinignan niya ang kanyang class schedule. Bago lahat ng periods ay Homeroom muna.

First period ay Gymnastics. Second period, Chemistry. Third period, Magic Class. Fourth period ay lunch break. Fifth period, History. Sixth period, Archery. Yun ay tuwing monday.

Ahhhh, sa Monday and Wednesday yung ganitong schedule... okay, okay.

Pumilantik sya sa ere at nagulat na lang si Ryn nang bigla na lang sumulpot ang isang babaeng nakapurong puti.

"Sya nga pala si Reza. Ihahatid ka nya sa dorm since hindi ka pa pamilyar sa eskwelahang ito. Sige na Reza, ihatid mo na sya." Pagpapakilala nya sa babaeng di alam ni Ryn kung saan ba nanggaling.

"Thank you po! Ano nga po yung pangalan nyo, ate?" Walang takot na tanong ni Ryn sa babaeng kulay blonde ang buhok.

"Leah. Leah Crish. Ikaw iha, anong pangalan mo?" Tanong naman ng babae, na ikinangiti ni Ryn.

"Ryn po! Maraming salamat! Aalis na din po ako! Babye!" Kinawayan ni Ryn si Leah, na kumaway din naman pabalik sa kanya.

Lumabas na sya sa kwartong iyon kasama ang babae na nagngangalang Reza. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Behind The Shadows of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon