[5] An Inch Apart

217 10 4
                                    



Medyo kulang ako sa inspiration ngayon, kaya kung ano mang magiging kalalabasan ng chapter na 'to, sana pagpasensyahan niyo nalang. Please don't forget to vote and comment. Lovelots~

9 reads, 8 votes

- BinibiningChewy

♔♕♔♕♔

ⓦⓔ ⓖⓞⓣ ⓜⓐⓡⓡⓘⓔⓓ
ⓣⓩⓤⓚⓞⓞⓚ

Chapter 5

Jungkook's POV

I've been staring at her for what seemed an hour.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero hindi ko maialis ang tingin ko mula sa kanya. Minsan natatawa nalang ako kapag pagtataasan niya ako ng kilay at tatarayan na naman ako.

Ang cute ng asawa ko.

Kahit papaano pala, may magandang dulot na nasali ako sa show na 'to.

Actually, madalas ko na siyang makita noon lalo na kapag nagsasama ang BTS at Twice. Pero ni minsan ay hindi pa kami nakakapag-usap. I've only known her by face and name. Nothing more, nothing less.

Kaya nagulat talaga ako nang makita ko siya nang gabing 'yun sa club. Hindi ko akalaing ang babaeng katulad niya ay mapapadpad doon. Hindi ko din maiwasang mapangiti nang makita ko ang naiinis niyang itsura matapos ko siyang hamunin.

Magaling siyang sumayaw. Though hindi talaga bagay sa kanya ang mga sexy dance. Ewan ko. Ayaw kong nakikita siyang sumasayaw ng ganun. Lalo na't ang daming lalakeng nanunuod sa kanya ng mga oras na 'yun.

Hindi ko inaasahang madali lang din kaming nagkasundo. Inaya kasi siya nina hyung noon na makipag-inuman kasama namin at hindi naman siya tumanggi. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin, ewan ko nga lang kung nagkakaintindihan ba talaga kami no'n given na pareho kaming lasing.

The moment I asked her if ever she will marry me, I don't know but I can't explain how I was feeling back then. Biro-biro lang naman 'yun, but I know that I really somewhat meant it.

Nang mag-"I do" siya ay hindi ko pa maipaliwanag ang saya ko no'n. It's just too ridiculous that I became happy over a nonsense thing.

Saktong nahalikan ko siya sa noo ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. Knockout.

And the next things that happened after that... 'yun ang hindi ko na matandaan. Kaya laking gulat ko nalang talaga kinabukasan nang bigla siyang tumili. Pinagbintangan pa akong rapist! Anak ng! Ni wala nga akong matandaan na may nangyari sa aming dalawa.

Tsaka oo, maganda siya. Pero hindi ko type 'yung katawan niya. Flat, hahaha! Syempre 'no. Kung mananamantala nalang din ako, dapat do'n talaga sa may magandang katawan. Eh wala namang kapanaman-panamantala sa kanya eh. Pfft.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

I snapped back from my reverie when I heard others cheering. Pinatunog na naman 'yung baso kaya nagrerequest na naman silang kiss. Honestly, it's really fine with me. Ewan ko lang dito sa katabi ko na kanina pa magkasalubong ang kilay. Taas naman ng blood pressure nito. Sa mismong sariling kasal, hinahighblood.

"Kiss daw, love..." bulong ko kaya napaigtad siya saka ako inirapan.

"Kiss mo mukha mo. Nakakarami ka na," inis niyang asik kaya mas lalo akong napangiti.

"Eh hindi pa nga ako nakakaisa, eh. Remember, 'yung thumb ko lang naman ang hinahalikan ko."

"Anong hindi pa nakakaisa?! Eh 'di ba nirape mo na ko?!" nanlilisik ang mga matang banat niya pabalik kaya napahalakhak nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Got Married (TzuKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon