[3] Second Encounter

147 7 0
                                    

May mga nakita akong authors na nagseset ng goals every chapter. So I've thought na why don't I try it, right? Malay niyo, mas lalo akong mainspired na mag-update. Haha.

Okay, so...

7 reads, 4 votes

- BinibiningChewy

♔♕♔♕♔

ⓦⓔ ⓖⓞⓣ ⓜⓐⓡⓡⓘⓔⓓ ⓣⓩⓤⓚⓞⓞⓚ



Chapter 3

Tzuyu's POV

I grunted when a loud noise interrupted my slumber. Inis kong kinapa ang alarm clock na nakapatong sa bedside cabinet para patayin ito. Pero nagtaka ako nang mapansing hindi parin tumitigil ang tunog. At ang mas nakakapagtaka, kanta 'yung tunog. Kailan ko pa pinalitan ang tunog no'n?

Nakamulat na 'yung isa kong mata habang nakapikit pa ang isa, habang kinakapa ang kung ano mang hinayupak na nag-iingay. Buti nalang ang ganda ng boses ng kumakanta ngayon.

~"What d'you think 'bout that?
What d'you think 'bout that?
I bet it got my haters hella sick!"~

Tumigil na din ang tunog kaya nakahinga na ako nang malalim. Matutulog na sana ako ulit nang bumalik ito.

"Urgh!" Gumulong ako pakanan saka itinakip sa magkabila kong tenga ang unan. Pero ayaw niya talagang tumigil. Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Bumangon ako at saka tinignan ang phone ko na nasa tabi ng ulo ko. Siya pala ang istorbo. Bugnot ko itong kinuha at saka sinagot kaagad ang tawag kahit na hindi ko pa tinitignan ang caller's ID.

"Oh? Kainis, istorbo naman, eh! Ang aga-aga pa! Kita nang natutulog pa ako!" bungad ko. Eh sa naiinis talaga ako. Leche.

"Tzuyu..."

I froze. As in halos lumuwa na ang dalawang mga mata ko dahil sa matinding gulat nang marinig ko ang boses na 'yun. Kaagad akong nagpagulong-gulong sa kama. Tapos hindi pa ako nakuntento't sinabunutan ko ang sariling buhok. Paulit-ulit ko pang sinampal ang pisngi ko habang tumitili nang walang boses. Nang matauhan ako ay umayos ako ng upo bago tumikhim.

"J... JYP-nim... Hehe... He... A-April Fools---I-I mean, February Fools! Hehe!" saka ako napakagat sa ibaba kong labi.

Huhu, what have you done, Chou Tzuyu?!

Sandaling natahimik ang kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan. Hala! Katakot pa naman kapag magalit si JYP-nim. Palagi kasi iyong seryoso, eh. Minsan lang ngumiti. Pero mabait naman siya. Creepy lang talaga siya minsan. Haha, secret lang natin 'yun.

"Be here in the studio right away." 'Yun ang huli niyang sinabi bago hinung-up ang tawag.

Napakagat-labi nalang ako saka isinubsob sa unan ang mukha ko.

Kaagad na din akong naligo saka nag-ayos ng sarili. Simpleng lavender crop top at lavender skirt lang ang sinuot ko. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok ko. Hindi naman kasi ako mahilig magtali ng buhok.

Naglagay lang din ako ng kaunting powder tapos lip tint. Ayoko kasing magmake up masyado. Sabi sa akin ni Mama noon, mas maganda kung makikita ng iba ang natural beauty mo, hindi 'yung sasabihan ka nilang maganda dahil sa make up mo.

I grabbed my sling bag and went out of the room. Maagang nakaalis sina Mama at Papa kaya kay Manang Lucy nalang ako nagpaalam.

"Mag-iingat ka, anak," aniya matapos akong ihatid sa labas ng bahay.

We Got Married (TzuKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon