[2] Fated Mistake

198 10 0
                                    


Three to five times a day ang updates ko. Gusto ko talaga kasing matapos 'to within a month para makasimula na naman ako ng bago. Hahaha!

Btw, marami akong binago. Walang BigHit at JYP entertainment na umeexist dito. Ibig sabihin, isa lang ng entertainment ang BTS at Twice, which is Twilight Ent. na nabanggit ni Tzuyu sa last chapter. Sina PD-nim at JYP naman ay managers lang ng dalawang groups. At ang owner? You'll know soon. Haha, lels.

- BinibiningChewy

♔♕♔♕♔

ⓦⓔ ⓖⓞⓣ ⓜⓐⓡⓡⓘⓔⓓ ⓣⓩⓤⓚⓞⓞⓚ






Chapter 2

Tzuyu's POV



We both danced along the rhythm of the music. Ngayon ay nasa likod ko siya, para siyang nakabackhug sa akin ngayon kasi nakapulupot sa bewang ko ang isa niyang braso. Habang ang isa naman ay ipinapasada niya sa braso ko na nakataas nang pasideward.

Then inikot niya ako at pinaharap sa kanya at saka ako binend. Kaya ngayon ay para niya akong sinasalo habang ang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa.


At that moment, parang nawala ang ingay sa paligid. Tila kaming dalawa nalang ang natirang tao dito habang nakatingin sa mga mata ng isa't-isa.




Time flew so fast. The next thing we knew...

Pareho na kaming wala sa huwisyo.





"Ilong..." tawag ko sa kanya. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya kaya 'yun nalang ang ginamit ko.

Kasalukuyan kong sinusundot-sundot ang ilong niya. Kanina ko pa ginagawa 'to. Ang laki kasi, eh. Nakakagigil.

Nakaupo kami ngayon sa couch, nag-iinuman, kasama ang buong barkada niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin matapos niya akong tawagan. Kahit amoy-alak na siya, naamoy ko parin 'yung napakabango niyang pabango. Nakakaadik.

"Hmm?"

"May tanong ako," sabi ko malapit sa tenga niya. Ang ingay kasi dito.

"Oh?"

"Alam mo ba?" panimula ko. "Walang forever," sabay hagikhik.

Tumawa lang siya habang patango-tango.

Maya-maya lang ay kinalabit ko siya ulit. "May tanong ulit ako."

"Ano 'yun?"

"Alam mo ba? *hik* Walang forever," this time ay mas lumakas ang hagikhik ko.

"Hmm..." Bigla niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko kaya ipinasada ko ang kamay ko sa buhok niya para pakalmahin siya. Mukhang lasing na lasing na talaga kasi siya. Napapikit naman siya dahil sa ginawa kong 'yun.

"Ilong... May tanong na naman ako."

Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. "Alam ko na 'yan. Paulit-ulit *hik* ka eh," nakanguso niyang sabi kaya napangiti ako. Ang cute. Dahil sa panggigil ay pinisil ko ang ilong niya.

"Hihi. Pramis *hik* hindi 'yun... Iba 'to..."

Pumikit siya ulit.

"Alam mo ba? Walang forever. Hihihi!"

Inalis niya ang ulo niya mula sa pagkakasandal sa balikat ko saka ako tinignan diretso sa mga mata habang nakangiti.

"Alam mo, mali ka eh. May forever," malambing niyang sambit saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko at inipit ang mga 'yun sa likod ng tenga ko. "Masyado lang kasing atat ang mga tao. Kaya bihira lang ang nakakaranas no'n... Kasi bihira nalang ang mga taong marunong maghintay kahit gaano katagal..."

We Got Married (TzuKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon