[1] One Hot Night

278 11 1
                                    

This is exclusively for TzuKook shippers, BangTwice fans, Armys, and Once. Sa mga naligaw, I suggest you leave this story kasi hindi po talaga para sa inyo 'to. Please don't read this just to start a war. So yeah, I hope I made myself clear.

- BinibiningChewy


♔♕♔♕♔

ⓦⓔ ⓖⓞⓣ ⓜⓐⓡⓡⓘⓔⓓ ⓣⓩⓤⓚⓞⓞⓚ










Chapter 1

Tzuyu's POV





"Will you marry me?"




Nagpantig ang mga tenga ko nang marinig ang mga salitang 'yun. As if on cue ay napalingon ako sa direksyon kung nasaan 'yung taong nagtanong no'n.

Maraming taong nagkukumpulan doon. Kanya-kanyang hawak sa mga camera at cellphones nila habang kinikilig na nanunuod sa proposal na nagaganap doon.


"Y-yes... Yes, yes, babe!"


And as expected, nagkiss sila sa harap ng napakaraming tao. Edi sila na may happily ever after. Sus. Walang poreber uy! Magbebreak din kayo! Bwahahaha!


"Tsk. Makaalis na nga," inis kong bulong sa sarili. Dumaan na nga lang ako dito sa isang fastfood chain kasi nakakabitter 'yung lampungan ng mga magjowa sa labas, tapos magiging witness pa pala ako sa so called 'road to forever' ng dalawang 'to. Imbyerna.


Binitbit ko nalang ang fries at float bago lumabas ng fastfood chain. Buti pa ang foods, may forever.

Lol, Tzuyu. Kailan ka pa naniwala sa forever?





Well, noon. Back when I was a kid.




"Mama, why do two people marry each other?" tanong ko nang makasampa ako sa kama. Kasalukuyan akong sinusuklayan ni Mama.

"It's because they love each other, at handa na silang magsama habambuhay." Nang matapos na siya sa pagsuklay sa buhok ko ay humiga na ako. Kinumotan niya naman ako saka ako hinalikan sa noo. "Katulad namin ng Papa mo," malambing niyang bulong sa akin.

There were sparks in her eyes. Marahil ay naalala na naman niya ang araw kung kailan sila kinasal ni Papa.

"Then how does it feel when you get married?"

Mas lalong lumaki ang ngiti ni Mama. "It feels surreal," ang tanging sagot niya. Napatango nalang ako. And then tumingin ako sa kanya nang nakangiti.

"How about me, Mama? When will I get married?" nasasabik kong tanong.

"Someday, sweetheart. Kapag nahanap mo na ang taong mahal mo at magmamahal sa 'yo ng totoo. Someone who's willing to spend forever with you."

Nang marinig ko ang salitang forever ay mas lalo akong nasabik. "Forever?"

"Yes. Forever..." 'Yun ang huling sinabi ni Mama bago niya ako binati ng 'Good night' at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.

Napatingin ako sa bintana ng kwarto, kung saan kitang-kita ang stars sa labas.

Hanggang sa makatulog ako, ay hindi na naalis sa isipan ko ang salitang 'yun.

Forever...






Napabuntong-hininga na lamang ako nang bumalik 'yun sa isipan ko.

Simula nang pag-uusap naming 'yun ni Mama, nasabik ako nang sobra sa concept na 'marriage'. 'Yung tipong ang saya saya ko kapag naririnig kong may ikakasal. At kahit bata pa ako, palagi talaga akong nagdedaydream. Iniimagine ko 'yung araw na ikakasal na ako.

We Got Married (TzuKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon