Crystal's POV"Ay hayup ka!" sa sobrang kakamadali ko nabangga ko sina teh Jess at Yohanne at obviously natapon sa kanila.
"Tengene! Aray! Angsakit sa mata boi!" Yohanne habang kinukusot ang mata nya.
By the way lalake po si Yohanne napagkakamalan kasi syang bakla kasi babae ang barkada nya,pero excuse me may nililigawan nga yan eh.
"Hoy bata ka! Kelan kapa nagmumura ha?!" sigaw ni teh Jess.
Si teh Jess or Jessie Yasmin ay 4th year college sya so bale 4 years ang tanda nya sakin,ang course nya ay engineering diba matalino? Kaso maldita.
"Diba sabi ni mama pwede ka lang magmura pag senior high kana?!" Tanong ko sa kanya.
"Sorry na,mga ate. Eh kasi naman eh 🎶 elementary palang napapansin ko sakanila,napapadalas ang pagmumura nila🎶" kanta ni Yohanne. Jusme! Alam nadin pala nya ang titibo tibo?
"Puro ka kalokohan. Ano ayos naba ang mata mo?" tanong ko sa kanya.
"Baka. Oh sige na kumain muna tayo" saad ni Yohanne.
(FaSt FoRwArD)
Haystt natapos nadin ang shopping namin. Kumain kami sa medyo mamahaling resto pero ang ginamit naming pangbayad is yung binigay samin na pera ni mama so no prob naman. Nagtingin naman kami sa Bench/,si ate binili scarf abay ewan koba dun eh ang init init sa pinas. Si Yohanne naman pabango,ako wallet lang syempre tipid tipid din pag may time tsaka sira na yung wallet ko dati. Ayun kung ano ano pa pinuntahan namin at bili sila ng bili,naku baka maubos yung allowance nila pwes problema na nila yun.
Nakabihis nako ng pangbahay at nakaupo ako sa duyan ko habang nagcecellphone.
Naalala ko yung lalake kanina,sheytt ang gwapo kaya nya pero naiinis lang ako ng konti kasi iniistalk ako nun..dapat ako ang magstalk sa kanya! Hehe.Paano ko naman sya maiistalk diko alam pangalan nya sa FB. Hayss siguro hanggang dun lang kami itatagpo ng tadhana. Gwapo pa naman dapat di ako umiwas sa kanya. Ang kinakatakot kolang kasi is pag nagkaron sya ng gusto sakin ayun mgakakatuluyan kami pero ilang months maghihiwalay na kami, natatakot akong masaktan...eh?! Anong sinasabi ko?! Susme napaka-feelingera mo naman Crystal!
"Eshh! Manahimik kanga dyan LEFT! Basta Crystal sundin mo ang puso mo!" sabi ng right mind ko.
"Hoy RIGHT! Walang forever! Crystal unahin mo munang makapagtapos,iiral mo ang utak bago puso!" sabi naman ng left mind ko.
"Hmmp! Palibhasa bitter! Crystal kung susundin mo ang puso mo di ka mahihirapan,kasi pagkinimkim mo lang ang pagmamahal mo sa kanya pag may kasama nasyang babae masasaktan ka ng mag-isa." sabi naman ng right mind ko.
"Hoy RIGHT ka! Kung susundin nyan ang puso nya bababa ng bababa ang grado nyan kakaisip sa mga walang kwentang lalake! Na patuloy kalang paaasahin hanggang sa masaktan kalang! Ang love hinihintay yan hindi hinahanap!" sabi naman ng left mind ko.
Oo nga naman..dapat mas manalig ako sa left mind ko,dapat focus lang ako sa pag-aaral ko. At ang love hinihintay yan hindi hinahanap. Pero pano kung tapos na ang paghihintay mo at nandyan nasya? Paghahanap paba ang tawag dun? Ayshh! Naku ayokong isipin yang love love nayan!
"Basta Crystal,kapag balang araw dumating nasya...sundin mona ang puso mo" muling sabi ng right mind ko.
Oo nga naman right,pero wala pasya eh. Nilapag kona ang cp ko at napagdesisyonan konang kumain.
"Ay hayup!" nagulat ako kasi si Yohanne nasa harap ng pinto ng kwarto ko at mukhang kakatok palang.
"Oo alam ko kakain na" nilagpasan ko nalang sya at bumaba na para kumain.
"Mga anak..gayahin nyo si Crystal wala pang jowa oh" sabi ni mama habang kumakain kami.
Di kami kumpleto kasi si daddy isa syang crew sa barko,kaya minsan two weeks lang ang bakasyon nya dito.
"Hoy ma! Nililigawan kopa lang po si Marie pero hindi nya pa ako sinasagot" sabi ni Yohanne at tumawa kami.
"Seryoso kabang bata ka?! Sabi mo si Joy ang nililigawan mo!" sabay turo ni teh Jess sa kanya.
"Hindi teh Jess... Si Marie Joy ay iisa lang,pareho nyang pangalan yon" sabi naman ni Yohanne.
"Kung maka-asta ka Jessie ha,eh meron kana ngang jowa eh..si Derek bayun?" saad ni mama at lahat kami nagtawanan.
"Kaya nga pinaka paborito ko yang si Crystal eh,kasi mas inuuna panya ang pag aaral kesa sa jowa" may nagsalita sa likod namin at nagulat kami kasi si daddy yon.
Ayun tawanan,kasiyahan..yun ang ginawa namin at 10:30pm na natapos. Nakapalit nako ng pajamas at bago ako humiga chineck ko muna ang mga binili kong school supplies.
Syet! Nasaan na yung tumbler na binili ko?! Hindi kaya kanina may narinig akong tumatawag sakin kasi naiwan ko yung tumbler na binili ko? Syet naman Crystal yan sa kakamadali mo naiwan mo yun! Paano nayan! Sayang yung 199 pesos ko! Pabayaan mona nga,bibili nalang ako pag nagsimba kami bukas.
Liam's POV
(Flashback)
"Miss! Miss!" magbabayad nako sa counter ng marinig kong sumisigaw yung cashier woman.
"Sino po tinatawag nyo?" tanong ko sa babae.
"Hi kuya pogi. Eh kasi nalimutan ng babae yung tumbler na binili nya" saad ng babae.
"Sinong babae po? Yung may black na jacket?" tanong ko ulit.
"Oo kuya pogi,eh pano yan? Nagmamadali kasi sya kaya baka hindi nya narinig" problemadong sabi ng babae.
"Ah sige po ako nalang ang magsosoli sa kanya,eto po ang binili ko" sabi ko sabay lagay ng basket.
"Nako salamat kuya pogi ha,pogi kana nga mabait pa. Swerte yung babaeng yun sayo" tumawa sya ng konti.
"Ay hindi konga po kilala yun,pero gusto ko syang makilala" ngumiti ako at mas lalong syang tumawa.
"Ayos yan kuya pogi. Oh eto na ang pinamili mo,245 pesos lahat" sabay abot sakin ng paper bag.
"Salamat ho" saad ko bago umalis at kinuha nadin ang tumbler.
(End of flashback)
Gabi na ngayon at nakaupo ako sa kama ko habang hawak hawak ang tumbler.
Paano ko kaya mababalik sa kanya toh? Magkaklase kaya kami sa school ko? Sana nga eh,para mabalik kona toh sa kanya at makilala sya.
Sana aupport support my story po!
YOU ARE READING
Wrong Love
RomanceSya si Crystal Yasmin Mendez,may kaibigang si Scarlet Serrine na obsess na obsess kay Liam James Cruz. Pero paano kung iba ang akala ni Liam na si Crystal ang may gusto sa kanya? Ano na ang mangyayari sa friendship nina Crystal at Scarlet? Matatangg...