6

38 5 0
                                    


Crystal's POV

Pumunta nako ng parking lot at pumasok na sa kotse ko. Hayss,ang gwapo kase nya kaya madaming naharang sa love story namin. Naku madalas nakong sapian ng pagka-feelingera,feeling may love story kami eh alam ko namang hindi ako nakatadhana sa kanya. Nakatadhana kaming magkita,pero hindi kami ang nakatadhana sa isa't isa.

Ang saklap! Bullshet na lalaking yun! Nasipa ko tuloy yung Gas sa paanan ko,buti nalang dipa nakabukas ang engine kundi nabangga kona yung harapan ko. Napa buntong hininga muna ako bago ko i-start yung kotse. Pero bago pa man ako umabante ay nakita ko si LJ na naglalakad sa parking lot! Omg! Pagod na pagod atah sya,halos maligo nasya sa sa pawis at hingal na hingal sya..mukang nauuhaw,at medyo nakadikit ang kilay na animoy galit.

Meron akong tubig,meron din akong towel gusto mo? Gusto ko sanang sabihin yun kaso nahihiya ako. Ughh Crystal pagkakataon mona toh! Kung mahal monga sya magagawa mo! Eh bumaba kaya ako para ibigay tong tubig at towel? Kapalit ng tumbler na isinauli nya sakin. Tama! Kailangan mabait din ako sa kanya.

Bababa na sana ako ng nakita ko si Alleah na sumunod sa kanya,may dala ding tubig at towel. Hayss! Badtrip! Naunahan tuloy akow! Ikaw kase Crystal mas mabagal kapa sa pagong! Naiinis ako sa sarili ko ng todo,dapat binilisan ko! Binuksan ko yung salamin ng konti,para marinig ko ang sinasabi nila.

"Hi LJ! Eto oh! Para mawala ang pagod at uhaw mo." nakangiting abot nya kay LJ. Aba! Malandi den!

"Thanks." tipid syang ngumiti pero hindi nawala ang pagkadikit ng kilay nya. Posible kayang may problema toh?

"Oo nga pala,yung sa kanina.. Pasensya kana ha ganun talaga yung mga kaibigan ko mangtrip! Sorry ulit sa uulitin." mas nilapadan nya pa ang ngiti nya na animoy nagpapacute. Pakshit! Hindi ka cute,pakyu ka!

Ang mas nakakabadtrip pa,nasa harapan ko sila! Naku sarap nilang banggain! 

"Its alright." saad ni LJ habang iniinom ang tubig.

"Gusto mo punasan kita ng pawis?" tanong ni Alleah.

Sa sobrang galit ko itinaklob ko ang fists ko at padabog na sinandal sa manubela! OMG! Nabusinahan ko sila! As in malakas ang pagdabog ko at rinig ko sa labas yung tunog ng busina! Syempre nabigla sila at tumingin..Tanga ka talaga Crystal! Yung una nabulunan ka,sunod naman nabusinahan mo sila! Isa kang napakawalang hiyang shunga Crystal!

"Hoy! Bakit mo kami binusinahan ha?! Tanga kaba?! Tarantado kaba?!" narinig kong sigaw ni Alleah na halatang galit.

Oo tanga ako,pero hindi ako tarantado! Naku sarap mong iuntog sa pader! Pareho lang kayo ni Scarlet! Hmmp!

"Calm down,Alleah!" mahinahong sigaw ni LJ.

Diko alam kung anong gagawin ko. Dahan dahan akong bumaba ng kotse at sinarado iyon. At nagulat silang dalawa dahil nakita na nila ako.

"Oh my gosh Crystal? Sorry! Diko alam na ikaw pala ang sinigawan ko! Sorry talaga" saad ni Alleah na para bang gustong bawiin ang mga sinabi nya. Si LJ nakatulala lang sakin,sa wakas alam nya na ang pangalan ko.

"Crystal?" tanong sakin ni LJ.

Dahan dahan akong tumango at ibinaling ang tingin kay Alleah.

"Ako ang dapat mag-sorry Alleah. Sorry dahil nabusinahan ko kayo. Ganito kasi yun.." napatulala ako sa kawalan,naku Crystal! Isip! Isip ka ng dahilan mo!

"I know your reason Crystal. Kilala kita noh. Isa ka sa mga bitter,kapag may nakikita kang sweet moments ng jowa ay naiirita ka. Boyfriend ko kasi si LJ eh,kaya siguro nababaduyan ka at nabusinahan mo kami" ngumiti sya at nilagay ang braso nya sa braso ni LJ.

Si LJ naman gulat na gulat sa sinabi nya. Ows! Mas malakas pa pala ang pagka-feelingera nya sakin!

"T-tama kanga dun" saad ko at tumawa ako ng konti. Pero in the name of the Lord hindi ako natatawa! Naiinis ako!

"Tapos kana bang inumin yan LJ? Painom naman din,nauuhaw din ako eh" saad ni Alleah at kinuha ang bote kay LJ.

"Sige inom lang" ngumiti sya. Bakit biglang nawala ang dikit na kilay ni LJ? Dahil pa nasisiyahan sya sa ginawa ni Alleah? Aba malandi din ha! Bigla syang tumingin sakin,nahuli nya nako so di nako nag-iwas ng tingin. Sa halip nagsmile ako sa kanya,and he did the same thing pero labas ang ngipin nya.. Ayun umiwas nako ng tingin. Ewan koba! Kinikilig ako na nandidiri! Diko ma-explain!

"Sige alis nako ha,bye." papasok na sana ako ng kotse nang tawagin ni LJ ang pangalan ko,omg! Kinikilig si neneng!

"Crystal! N-nice meeting you!" saad ni LJ at ngumiti. Syempre i did the same thing. Ano toh smiling contest?! Pero masaya naman ako hihihi.

Bumalik nako sa kotse at napabuntong hininga. Nakita kong nagpaalam na si Alleah at umalis. I followed LJ in my gaze at nagulat ako ng konti dahil pumasok nasya ng kotse nya,kaharap ng kotse ko.

"Mauna kanang umabante!" sigaw ni LJ sa salamin nya.

"Ikaw na!" sigaw ko. Ayiiee.

"Ikaw nalang ang mauna,sige na!" sigaw ulit ni LJ.

"Ikaw na! May i-checheck pako sa phone ko!" palusot ko. Diko maiwasang mapangiti.

"Ikaw nalang! Magpapahinga pako dito ng konti!" sigaw nya ulit. Hayss sana hindi na matapos toh,sige habaan pa natin!

"Sabing ikaw na ang mauna eh!" sigaw ko na nilagyan ko ng inis na tone. Haha! Syempre hindi ako magagalit sa kanya.

"Sige nanga!" tumawa sya ng malakas. At tsaka umabante na. Tiningnan ko ang kotse nya,Ford Everest sa kanya sakin kasi Subaru. Nakakapang-tunaw ang tawa nya.

Bago sya pumunta sa exit ay kumaway muna sya sa salamin nya,he waved goodbye and patuloy na syang lumayo.

Hihihihi! Isang ngiti mo palang baon kona hanggang sa pag-uwi! Akala ko wala kaming love story,pero meron pala. Sana nga...

Wrong LoveWhere stories live. Discover now