"Bakit ako nasasaktan kahit hindi naman dapat?"
TBPW-9
Pretty Author's Note:
Okay, I seriously don't know what happened.. pero hindi naman talaga ganitong PLOT ng story meron dapat si Blithe my labs! Haha. Di ko alam pero habang nagta-type ako at naiisip ko yung mga Hugot ng mga sawi ngayon eh iba ang pumapasok sa utak ko. Bigla ang gusto ko mainggit kayo kay Nicole dahil may Blithe siya! Haha. Sa halip na Masungit si Blithe ay naging Sweet, Malambing at Pa fall ang loko! 😂 at mananatili siyang ganoon till end. Hihi.
Anyways, kahit may pagbabago sana ay magustuhan niyo pa rin. 😊 Siguro mag papaiyak nalang ulit ako sa it's either story ni Blaine or Blaire. Pero I think kay Blaine kayo iiyak. Haha. Isa lang kasi talagang Plot mayroon ang istorya niya at wala ng makapag papabago pa. K. Mahaba na! Here's the UD! Enjoy reading! GodBless! :*
#UNEDITED!
9.
Nicole's POV
"I'm asking you Big Boy. Who's this young beautiful lady in front of me? And why is she here? It's just 6am in the morning, too early for you to have a visitor." Malumanay pero halatang curious na tanong ng magandang babae sa harap namin ni Blithe.
I heard how Blithe heaved a sighed. Then kinuha niya yung kamay ko na talaga namang ikinagulat ko.
"Mom." Nanlaki ang mga mata ko at dagling napatingin sa taong nasa harap namin na ngayon ay nakatingin ka sa magkahawak naming kamay ng anak pala niya.
Nag init bigla yung magkabilang pisngi ko. Mommy siya ni Blithe?
Doon parang gusto ko ng lumubog. Shit! Halatang hindi nito alam na nagpakasal kami ng anak niya!
Well sino nga ba ang makakaalam gayong civil lang ang kasal niyo at ang naging witness niyo pa ay yung nagtatrabaho lang sa munisipyo kung saan kayo ikinasal? Bulong ng isip ko.
"What? It's just straightforward question Blithe Ezekiel. I'm asking you and I'm still waiting for your answer." Malumanay pa ring wika nito na ngayon ay umayos ng pagkaka-upo at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ng anak niya.
Nagtama ang mga mata naming dalawa at doon ko nakita ang malaking pagkaka-hawig nila ni Maam Blaire.
Bigla ay napalunok ako at napayuko. Pasimple ko ding kinukuha yung kamay ko mula sa pagkakahawak ni Blithe pero mas lalo lang humigpit yung hawak niya sa kamay ko.
Mas nahiya ako. Paano na to? Paano kung malaman niyang asawa ako ng anak niya? Paano kung magalit siya? Lalo pa at ang pinakasalan ng anak niya ay ang isang kagaya ko lang. Hindi mayaman, kailangang magtrabaho para mabuhay at makakain, kailangang maging matatag para mabuhay. Walang wala ako pagdating sa mga babaing nakakasalamuha nila sa mundong ginagalawan nila. Walang wala ako dahil kahit sarili ngang pamilya wala ako. Anong maipagmamalaki ko?
Bigla ay nanliit na naman ako. Bigla na naman pumasok sa isip ko na bakit ba ako pumayag sa deal na to? Ngayon puro takot at pagiging maliit lang tuloy ang naiisip ko.
"I'm waiting Big Boy." Napaharap ako bigla kay Blithe at nakita kong napakamot ito sa sariling noo.
"Mom--" he was cut off.
"Are are going to answer me or I will going to repeat my question para sa magandang dalagang to para siya ang sumagot?" Inip ng wika nito at sandali akong binalingan ng tingin.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)
RomanceSYNOPSIS He has everything. She had nothing. He has the perfect family. She had no one but herself. He needs a wife. She needs a job. And that's the start of her Pretending as the Billionaire's Wife. -- Ang kwentong nagsimula sa pagpa-panggap na...