"I didn't stop loving him. I just stopped caring."
#UNEDITED! May WRONG GRAMMARS at TYPOS.
TBPW-3
Nicole's POV
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay. Ingay na kumakalampag sa pintuan ng apartment na inuupahan ko.
Naiinis na tinalikuran ko yung pintuan. Then I abruptly closed my eyes to sleep again.
Pero anak nga naman kasi ng tinapa oo! Mas lalong lumakas yung katok!
Inis na nilagyan ko ng unan yung mukha ko. Darn! Ilang minutes palang akong nakakatulog at inaantok pa ang beauty ko!
Pero bwisit na tinapang parang hindi mapakali naman! Kung may ilalakas pa yung pagkatok eh talaga namang namemerhiwisyo na ang sino mang nasa labas ng pintuan ng apartment ko!
Nakasimangot na bumangon ako at mabilis na tinungo yung pintuan. Hindi ko na inalintana kung ano yung hitsura ko. Basta naiinis ako. Inistirbo ng kung sino man siya ang pagtulog ko.
Pinihit ko yung doorknob ng pintuan at-
"Ano bang problema mo ha!? May balak ka bang manira ng pintuan ng may pintuan!? Shaka hindi mo ba alam na nagpapahinga yung tao tapos gu-"
"Can you just please shut your mouth?"
Nanlaki ang mga mata ko sa pamilyar na boses. Agad akong nagtaas ng tingin at napasinghap ng makita ko siya! Si Blithe shemay!!
Sa pagkabigla ay sinaraduhan ko siya ng pintuan.
"Fvck woman!" Rinig kong pagmumura niya mula sa labas.
Napakurap kurap ako. Sino na nga ako? Ano na nga ulit yung pangalan ko? Si-sino na nga ulit yung nasa labas?
"Darn Woman! Open this door or I'll break it!" Napaigtad pa ako sa lakas ng sigaw niya kasabay ng pagkalampag niya sa pintuan.
Agad naman akong natauhan at inayos yung sarili ko.
Ng maayos niya ay ipinaskil ko ang maganda kong ngiti at binuksan yung pintuan.
Nakita ko agad ang naka-tiim bagang niyang gwapong mukha.
"Ah-eh. Haha. Ahm ano-?"
Naputol ang sasabihin ko kasabay ng impit na pagtili ng bigla niya akong itinulak papasok sa loob ng apartment ko at isinandal sa naisara niyang pinto.
Magkaharap na magkaharap ang mukha naming dalawa..
"Ahm-"
"Why did you slammed that door on my face woman!?" Nangangalit na wika niya.
Napakurap naman ako sa sakanya. Ang gwapo niya talaga. Shemay!
"Darn it Woman! I'm talking to you!" Muli ay wika niya.
I cleared my throat. Ang landi mo kasi Nicole. Nagagalit na nga yung tao, gwapong gwapo ka pa.
"Ah.. ahm. Kasi, tignan mo yung hitsura ko oh?" Tapos baba ng tingin sa katawan ko. "Tapos kakagising ko lang. Malay ko ba kasing ikaw yung ingit na ingit sa pintuan ng apartment ko at sa sobrang ingit ay gusto mo na yatang sirain?" Sarcastic na wika ko.
Nakita ko ang muling pag tiim ng bagang niya.
"And why the hell in earth na maiinggit ako sa ordinaryong pi-"
I lift my hand in front of his face.
"Shut up." Medyo inis ng wika ko. Lumalabas na naman yung katarayan ko. Nabitin kasi ako ng tulog.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)
Storie d'amoreSYNOPSIS He has everything. She had nothing. He has the perfect family. She had no one but herself. He needs a wife. She needs a job. And that's the start of her Pretending as the Billionaire's Wife. -- Ang kwentong nagsimula sa pagpa-panggap na...