TBPW-22

19.3K 320 14
                                    

"Count the garden by the flowers, not by the leaves that fall. Count your life with smiles, not with the tears that roll."

#UNEDITED!

22.

Nicole's POV

MASAKIT at nahihilong bumangon ako ng higaan. At ng makaupo ay nilibot ko ang tingin ko sa buong silid.

Hindi pamilyar na kwarto. I sighed. Naalala kong sa guestroom nga pala ako natulog.

Yes nasa bahay pa rin ako. Di ko kasi kayang umalis kagabi dahil dui ako matigil sa pag iyak at hindi rin ako makapag isip kung saan ako pupunta kaya napag desisyonan kong ngayon nalang ng umaga umalis.

Again, pain crossed my being. Masakit talaga.

My tears fell. Hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak ng umiyak. Dahil pagkatapos nito. Ibabalik ko na yung dating matapang, matatag at palabang Nicole na kayang mag isa. Yung hindi na iiyak dahil kakayanin na lahat.

I wiped my tears out. Tumayo na ako at pumasok sa cr.

Naligo ako at ng matapos ay inayos ko na yung sarili ko. Nakita ko pa sa salamin yung sarili ko. Mugtong mga mata, halos walang buhay, nasasaktan at malungkot. Yun ang Nicole na nakikita ko.

I breathe hard. Ayoko ng umiyak. Tama na.

Inayos ko na yung mga gamit ko. Yung mga damit kong ako lang ang bumili ang dinala ko.

Matapos mag impake ay inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Nalibot ko na ang buong bahay kahapon at iniyakan ko na lahat ng magagandang ala ala na ngayon ay nagpapaiyak lang sakin.

Again, I wiped my tears off.

Lumabas na ako ng silid at nagderetso pababa ng hagdan.

Doon nakita ko sila Manang at ang mga katulong namin na maiyak iyak na.

Nilapitan ko sila at niyakap.

"Maam bakit kayo aalis?" Tanong nila habang niyayakap ako.

Muli akong napaiyak at niyakap sila ng mahigpit.

"I need too. Mamimiss ko kayo." I heard them sobbed pati si Manang.

Humiwalay na ako sakanila at nginitian sila at si Manang.

Hinawakan ko si Manang sa mga kamay.

"Nay, paki-alagaan ang  Sir niyo ha? Kayo na ho ang bahala. Mamimiss ko ho kayo." At muling pumatak ang mga luha ko.

Pinahid naman ni Manang iyon at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Alam ba ito ng Mommy Bella at Daddy Edward mo?" Masuyong tanong nito na tinanguan ko na lamang.

Yes. Pinuntahan ko sila kahapon at kinausap. Naintindihan naman nila ang sitwasyon at sinabi kong deal lang ang lahat. Hindi sila nagalit bagkus sinabi nilang mag iingat ako at bumalik pag handa na ulit.

"Napakabait mong bata. Hihintayin namin ang pagbabalik mo ha?" Mas napaiyak ako at muli siyang niyakap.

Pagbabalik? May babalikan pa ba ako? I cried even harder.

Ilang minuto kaming ganoon ng kumalas na ko at pinahid ang mga luha ko.

Nagpaalam na ako at tinalikuran sila.

Naglakad na ko palabas ng makasalubong ko siya sa may living room.

Nagtama ang mga mata namin at nakita kong may eye bags siya. Parang hindi siya natulog.

The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon