Chapter V.

53 3 2
                                    

Carla's POV

"Amerie Sawada." natutuwa talaga ako sa bes bes ko kapag ina-unlock nya yung cellphone nya. Para kasi syang nakikipag usap sa kung sino. Cute eh? (^_^)

"Oh bakit ka nangingiti dyan bes bes? Wag mong sabihin na may boyfriend ka na?" si bes bes. Grabe talaga to mag isip sakin. Wagas. (-_-)

"Hoy wala noh. Natutuwa kasi ako sayo. Para kang ewan kapag ina-unlock mo yung cellphone mo eh." I giggled. Sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Tse! Wag kang mantrip ah, busy ako." Naku. Busy daw. For sure si Edmon yan. Oh sino pupusta? :D

Dahil sa kagustuhan kong tignan kung sino yang pinagkakaabalahan ni Bes bes (kahit alam ko na kung sino. ^_^v) ay dumungaw ako sa cellphone nya. At boomshakalaka! Bingo ako. Hahaha! Si Edmon nga.

Mga stolen pic ni Edmon na sya mismo ang kumuha.Sa loob pa ng jeep. Haha! Imba talaga si Bes bes ko. Inlove kung inlove ang peg ng lola nyo. :D

Mukha talagang deads na deads sya kay Edmon. Sana naman ganun din si Edmon sa kanya. Ayoko kasing masaktan ang bestfriend ko.

Alam mo yung mamahaling vase na iniiwasang mabasag, parang ganun si Amerie. Fragile kumbaga. Kaya minsan pinapaalalahanan ko sya na bawasan ng very very light lang naman ang pagpapantasya nya kay Edmon pero wala eh, makulit. Sarap batukan para maalog ang utak. (-3-)v

Kesyo hindi ko daw sya naiintindihan, kesyo wala daw kasi akong crush, kesyo wala daw kasi akong inspirasyon kaya bitter ako. Na bantay sarado ko sya sa kaligayahan nya. Hindi naman ganun yung point ko eh, baka lang kasi masaktan na sya sa ginagawa nya kapag wala syang nakuhang atensyon kay Edmon.

Diba masakit madedma ng taong mahalaga sayo?

Bigla namang pumasok sa isip ko si Mr.PF. PF as in poker face. Eh? Bakit ko naman sya naalala? Ano kayang ibig sabihin nun? Ahh, siguro kasi ganun yung first meeting namin.

No response. No emotion. No greets. No feelings. No smile. No good aura.

Ay teka? Ba't ganun? Puro NO. :3

Haha! Natawa nalang ako sa isipan ko. Eh sya naman kasi, ganun yung pinakita sakin. Nakwento ko tuloy. Sareeh okey, sareeh. (_ _)v

Nabalik lang ako sa katinuan ng kalabitin ako ni Amerie para isenyas na may padating ng jeep.

Nagready naman ako para makipagbalyahan. Yeah, you heard me right, makipagbalyahan talaga ang term kasi kapag hindi mo ginawa yun, hindi ka makakasakay.

Kaya patakbo kaming sumalubong sa jeep and thank god nakasakay kami ni bes bes.

Busy ako sa paghalungkat ng bag ko ng biglang maniksik yung katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. And hindi kayo maniniwala na katabi ko si Mr.PF guy.

Ang gwapo pala nya. Seryoso tumitig talaga ako sa kanya for about 1 minute? Ang hot nya kasi sa suot nyang plain black shirt tapos naka jeans and rubber shoes. Ohh don't forget the earphone at ang mukha nyang seryosong-seryoso.

Nabalik lang ako sa huwisyo ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Nagtext si bes bes sakin, hindi kasi kami magkatabi at hindi ko inexpect ang text nya.

Wag kang magdrool. Halata ka eh. Peace. (^_^v)

Napatingin naman ako ng seryoso sa kanya sabay taas ng kilay. Ano daw? Ako? Nagdo-drool? No way!

Nagulat lang ako kasi katabi ko sya. Yun lang.

hmm.. yun lang ba talaga?

Ay peste yung isip ko. (-_-) Oo yun nga lang.

Biyahe (A Jeepney Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon