Chapter VI.

25 2 1
                                    

Marjorie's POV

"I remember when we broke up the first time saying this is it I had enough.

  Cause like we haven't seen each other in a month.

  When you said you needed space. What?" ~~„

Ang sarap talagang kumanta kapag naliligo. Dahil una sa lahat walang nakakarinig sakin. Hahaha! Pagtatawanan kasi ako ni Carla kapag narinig nya akong kumanta eh. Ewan ko ba dun sa bruhang yun kung bakit sya natatawa. Kaya hindi ako nagpaparinig  sa kanya eh.

Alas sais palang ng umaga pero naliligo na ako. Kailangan kasing maaga ako. Alam mo na para matuwa sakin yung manager at mapromote na ako. Tagal ko na kaya sa restau. Pero syempre joke lang yun. Haha! Joke yung magpapa impress ako. Hindi ko gagawin yun kahit kailan.

Paglabas ko ng banyo nabungaran ko na agad si Carla na nakabusangot. Alam ko na kung bakit. Dahil, sapagkat, datapwa't mga madlang people ako po ay mabagal maligo. Proud ako dun kasi alam ko na naliligo akong mabuti.

Ganun lang talaga ako o kami maligo ni Carla. Kahit din naman sya mabagal maligo eh, kunwari pa syang naiinis sakin kapag matagal akong maligo pero ang totoo parehas lang kami. Nakakatuwa nga minsan nalate sya sa unang klase nya sa umaga kasi napasarap sya sa paliligo. Haha! Naalala ko pa yun kasi tarantang-taranta sya eh.

At pagkatapos nga ng seremonyas namin ni Carla ay sabay na kaming nag-abang ng jeep. Ang tagal ng jeep samin, parang nasa desyerto ang peg. Ang  tahimik ng daan. Kulang nalang yung dayami na gumugulong, perfect ang drama.

Mga isang oras din kaming naghintay at buti naman may nagdaan na. Swerte ngang maituturing kasi dalawa ang bumaba samin at sakto din na kami lang dalawa ni Carla yung nag-aabang. Buti nalang din kamo hindi umupo yung dalawang nakasabit kasi panigurado another one hour na naman ang aaksayahin namin ni pinsan.

Sa loob ng jeep di ako mapakali. Parang may gusto akong makita na hindi ko alam. Panay ang tingin ko sa lahat ng nakasakay sa jeep. Weirdo na nga akong maituturing sa inaasal ko pero wala eh, ganun talaga. May hinahanap ako.

Eh? Ako? May hinahanap? Sino naman?

Ayokong aminin kahit halata na ako. Pag tingin ko naman kay Carla tulog sya. Puyat na naman siguro to kagabi. Sino kayang naging textmate nito? Ibang klase talaga. Alam naman na may pasok kami kinabukasan nagpupuyat pa. Hinayaan ko nalang sya. Mahaba naman biyahe namin kaya ok lang.

Mabilis lang biyahe namin at pagdating sa unang bayan, as usual madaming bumababa pero hindi nangangahulugan na luluwag na jeep namin. Madami din kasing nag aabang sa unang bayan. Mga luluwas pamaynila at papasok sa trabaho sa pinaka bayan namin.

May nag abot ng bayad, inabot ko naman at ako parin yung nag abot ng sukli nya. Tapos diba mapapatingin ka sa kanya, di ko inaasahan na si Alex yun. Di ko nabosesan eh. Parang malat pero gwapo pa rin. Ay teka ba't may ganung factor? Erase, erase! *with matching iling ng ulo*

Nababaliw na ata ako. Nahahawa na ako kay Carla. Aish!

Pagdating sa simbahan may mag asawang bumaba. Kaharap ko kaya ang Alex kaharap ko na ngayon.

Diba dapat maging masaya na ako kasi una sa lahat nakita ko na sya. Sya yung hinahanap ko. Pero bakit ganun? Sa iba sya nakatingin. Parang kay pinsan?

Bigla tuloy akong napatingin sa pinsan ko na hanggang ngayon tulog parin. Kinabahan ako. Bakit? Naiiyak ako. Bakit na naman? Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganito? Nasasaktan ba ako? Pero bakit?

At ng mapag isip-isip ko ang nga bagay-bagay. Reality hit me, dalawang sampal pa para gising lalo. Naku po naman. Bakit ngayon pa? Bakit? Bakit? Bakit?

Bakit ang isang Marjorie Aguilar ay nagkagusto sa isang Alex Villamor?

____________________

Alex's POV

Hay! Mabuti naman at talaga namang madaming bumababa sa unang bayan kahit alam kong sabit lang din ang mangyayari sakin, ok lang. Ang hirap tsaka matagal kasing mag-abang ng jeep, nakakaasar. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako sa unang bayan nag-aabang, kasi nakisabay ako sa tito ko na maghahatid ng estudyante sa eskwelahan. Sakto naman na absent yung isang service nya at sakto din na kanina pa ako nag aabang kaya sumabay na ako. Pero di ko akalain na hanggang dito sa unang bayan mahirap ding sumakay.

Malapit na nga akong mawalan ng pag asa pero buti nalang may jeep na akong natanaw.

Pagsabit ko sa jeep ay hindi ko alam kung totoo o namamalikmata lang ako pero nakita ko si Carla. Tulog nga lang pero atleast nakikita ko sya ngayon. At dahil nauntog ako sa bubong ng jeep eh napagtanto ko na hindi ako nananaginip.

Ang ganda talaga nya kahit tulog. Eh kahit naman saang anggulo maganda sya eh. Iba na talaga to.

Nung mapatingin ako sa bandang kaliwa nya ay dun ko lang napansin si Jorie. Magkasabay pala talaga silang dalawa. Matagal akong nakatingin kay Jorie, hindi ko alam kung bakit. Parang mas matagal pa ata ng pagtitig ko kay Carla kanina. Parang nahihipnotismo nya akong tumingin sa kanya lalo. Weird!

Pero ang babae hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Ang sungit. Di bale na nga, mamaya to sakin pagdating sa restau.

Nagpapasalamat ako sa dalawang bumaba sa simbahan dahil nakaupo ako. Nakakapagod din pong sumabit.

Panay ang tingin ko kay Jorie kasi ewan ko. Wala lang, gusto ko lang syang tignan at baka sakaling mapansin nya ako pero sa buong biyahe namin, ni sulyap, wala. Parang feeling ko tuloy di ako nage-exist sa paligid.

Buti pa si Carla napansin at binati pa ako. Masaya ako, oo, pero kapag napapatingin ako kay Jorie naaasar ako. Badtrip ako sa kanya.

Kasi hindi ka nya pinansin?

No comment.

Sus! Aminin mo na kasi. May gusto ka kay Jorie.

Kalokohan yan! Kay Carla ako may gusto hindi kay Jorie. Itong utak ko talaga, ang gulo.

Pero posible kayang.. hayy naku.. Kay Carla ako may gusto. Kay Carla lang. Period.

_____________________________

Uyy, nangangamoy JorLex ah. Hahaha!

Eyhang.. 

Para sayo ito baby Darie. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Biyahe (A Jeepney Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon