Chapter 1: The Date

82 3 0
                                    


"The subscriber cannot be reached. Please try again later."

*toot toot*


"Ano ba yan? Cannot be reached!" Nakailang tawag na ako sa boyfriend ko pero ni isa walang nagring.


Nandito na ako sa restaurant kung saan kami magdedate ni Lucas. Nakakadisappoint naman. Akala ko kasi, pag dumating na ako dito, nasa isang table siya na naghihintay sakin tapos, sasalubungin nya ako ng ngiti at bouquet ng bulaklak. Mali pala ang akala ko. Assuming lang talaga ako.


Ako si Paola Felipe. May mga kapatid ako, sila Zendee at Zabdiel Felipe. Simple lang kaming pamilya. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami sobrang mahirap.


Chineck ko ulit yung wristwatch ko at ang oras sa aking cellphone. "Tama naman yung oras ah? Bat wala pa yun?"


5 minutes late... 10 minutes... 30 minutes... 1 hour...

2 hours...


Dalawang oras na akong naghihintay.

"Ano ba Lucas? wag ka naman ulit mang indian!" Naiinip na sabi ko habang tinatawagan siya.

"The subscriber canno--"

"Ah kainis!" Pwersahan kong pinindot yung End Call."Paulit ulit? Unli ka? Unli? aaargh!" Pinapagalitan ko na yung cellphone ko nang may umepal.


"Ma'am, may hinihintay ho ba kayo?" Napalingon ako sa nagtanong sa akin na isang waiter.


"Obvious ba? May kadate ako. D-A-T-E. Gusto mo ikaw nalang kadate ko?"


Tinaasan niya ako ng kilay. "Sorry po ma'am. Di po tayo talo." Ay takte, kegwapong waiter becky pala. Nauubos na ang mga gwapo sa mundo.


"Ano bang kelangan mo? Umalis ka na nga!" Yun na lang yung nasabi ko. Mainit na po yung ulo ko. Pasensiya na.


"Ma'am, dalawang oras na po kayong nandito. Tapos wala po kayong inoorder kundi tubig. Marami na pong customers ang dumadating kaya kelangan na ng vacant tables. Bawal po ang tambay at makiWifi lang dito. Pasensiya na po, kailangan niyo nang umalis. Yun ang patakaran dito."


Napatayo naman ako sa sinabi niya, "Excuse me? Hindi ako tambay! Nagtitipid ako okay? Bawal bang magtipid?!" Napatingin na yung ibang mga customers sa amin. Kainis naman to. Tama bang palayasin yung customer? Customer din naman ako ah?


"Binge ka ba sabi ko na nga sa'yo na may kadate ako? May LBM daw. Dalawang oras na siya sa cr." Sabi ko habang umuupo ulit. Pasintabi sa mga kumakain.


"Eh sino po yung kadate m--"


"I'm her date."

Napatingin kami ng waiter sa nagsalita.


Napa'who-you' look ako sa lalaking yun. Hindi siya si Lucas. Ano to? May isa pa ba akong boyfriend nang di ko alam?! O.o

Cannot Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon