Paola's POV
"Chase!" Sige Lucas, ikaw na ang nice.
"Haha. Dude! Akala ko nakalimutan mo na ako eh!" Hinde, ako ang nakalimutan.
Nag apiran pa! Sige, push nyo pa yan.
"HOOOY LUCAS!! MAY KASALANAN KA PA SAKIN TAPOS KAKALIMUTAN MO NG GANUN GANUN NALANG DAHIL DIYAN SA KAIBIGAN MONG TSISMOSONG EPAL!!? SIGE!! IKAW NA ANG PINAKANICE NA LALAKI SA BUONG MUNDO! SA'YO NA ANG TRONO!! PANSININ MO KO KUNG AYAW MONG MAKAIN NI WAKO WAKO!!" 3:/ Caps lock para ramdam.
Di ko yan sinabi sa kanya. Sa isip ko lang yan. Todo kembot na ako sa gilid nila pero di parin ako napapansin
May galang naman ako eh kaya nga aalis nalang ako para makapag usap ang magkaibigan na tila isang libong taon di nagkita. Talo pa nila ang mga nawalay na magkapamilya at nagkita sa 'Wish Ko Lang'.
Habang palayo na ako nang palayo sa kinaroroonan nila ay narinig ko pang nagsalita si Lucas. "Haha! Eh pano naman kase! Nakadisguise ka na naman?!" Sige! Magsaya kayong dalawa. Enjoy lang kayo. -_-++
Medyo malayo layo na ako sa kanila. Napaupo nalang ako sa may waiting shed.
Anebeyen, ang bigat sa kalooban. (Mag eemote na yan. xD)
Epal tong author. Pero totoo, Ang hirap pala ng ganito. Mismong magulang ng taong mahal mo, hindi ka gusto. Kung nasa kalagayan ko rin kayo, maiintindihan niyo rin.
Yung kapag nakatalikod yung anak niya, pagsasabihan ka ng mga masasakit na salita. Kesyo 'hampas lupa' ka daw, 'social climber', 'gold digger', 'ibang babae daw ang pinangarap niyang maging nobya ng anak niya' ano pa?
Oo, tatanggapin ko lahat ng masasakit na salitang ibabato niya sa akin. Pero minsan, nakakapagod din ang magtiis ng ganito. Minsan nga, naiisip ko na kung alam ko lang na mangyayari sakin ang ganito, pinigilan ko nalang ang sarili ko na mahalin si Lucas.
Tapos eto namang si Lucas, akala mo walang kasalanan sakin eh noh? Nakalimutan pa niya yung kasalanan niya dahil lang sa pesteng kaibigan niyang Cheese este Chase Santiago na yun.
Nagtatampo ako sa kanya. Di ko talaga siya papansinin.
"Pao Pao!!" Napalingon ako sa tumawag sakin.
Kasama niya yung Cheese na papunta sa aking kinaroroonan.
Tumayo ako sa kinauupuan ko sa waiting shed at naglakad ng mabilis palayo.
"Pao pao!" Tawag siya ng tawag sakin. Heh! Ayoko sa' yo! Di tayo bati!
"Uy Pao Pao!"
Lakad parin. Nararamdaman ko, medyo malapit na siya sakin.
"Uy Pao! Sorry naa." Ilang beses ka na ba nagsorry? Ewan ko sa'yo.
Lakad parin.
BINABASA MO ANG
Cannot Be Reached
FanficCannot Be Reached By: TheEverGirl Paano kung isang araw, umibig ka sa isang taong hindi mo kapantay? Maraming manghuhusga, at maraming kokontra. Kakayanin mo ba? Paano kung umabot na sa 'Kasikatan Vs. Ikaw' ang sitwasyon? Makakaya mo ba ang ma...