"Eirra!"
Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Jenica pala. Ka-blockmate ko. 4th year college na ko at ilang buwan nalang ay graduation na kaya busy na ang lahat.
"Galing kang OJT? Tara sabay na tayo sa pag uwi."
Hindi ko na sya kinibo at tinuloy ko na ang paglalakad ko. Pagod ako galing ojt kaya wala ako sa mood makipag usap sa kanya.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ang cold mo pa rin. Kahit isang taon na tayong magkakilala." Pagdadrama nya.
Ayan ang ayaw ko sa kanya eh. Sobrang daldal. Di sya marunong makiramdam kung gusto ba sya kausap ng tao o hindi.
Ilang minuto rin kaming naglakad papunta sa boarding house na inuupahan namin. Tatlo kaming babae na nangungupahan dito. Yung isa si Ivy. Di ko rin sya kinikibo dahil ang pangit ng ugali nya. Maldita at inggitera.
Nang makapasok na ko sa loob ay dumiretso na ko sa kwarto ko sabay higa sa kama at pinikit ko ang mata ko.
May naalala nanaman ako....
"You are no longer on this field! I remove all your rights! Live your own life! From now on don't use my name! You are just a poor lady without a family! I will send you to the Philippines and punished you for what you have done! You are a disgrace to this family!"
After he shouted all over my face, he left me dumbfounded. It really hurts. But I don't care. I won't stop until I'm done with my revenge.
"Ei, I told you to come back home. But you didn't listen." Said Oneechan
"It's okay. I can live alone. I'm a grown up woman now." I told him smiling then leave.
Kinabukasan may natanggap akong text message galing sa agency na pinapasukan ko.
"CONGRATULATIONS! You passed the On the Job Training. I'm sending your school about your performance. I will recommend you to our biggest company as a secretary. Reply your full name as soon as you received this message. Good day!"
Di ko nalang pinansin yung text message. Para saan pa? Eh di ko naman kailangan yun. At isa pa may part time job naman ako na kayang bumuhay sakin. Tsk.
Naligo na ko at nagbihis dahil papasok na ko sa part time job ko.
***
"Hi Miss Eirra. Ang ganda mo talaga." Bati sakin ni Yael. Di ko sya pinansin at dire-diretsong naglakad papasok ng building.
"Isnabera!" At umalis nalang sya.
"Oh? Eirra? Kanina ka pa hinihintay ni boss sa office nya. Di mo ba nareceived yung message nya? Galit na galit eh." Bungad sakin ni Drei. Umiling lang ako bilang tugon at pumasok na ko sa opisina ng boss namin.
"Eirralyn Mendoza! You were late! I texted you to go here exactly at 7am! It's already nine!" Sigaw nya sakin.
"Pasensya na. Di ko nabasa ang message mo." Maiksing sagot ko.
"Haaay! Goodness! Here!" Sabay balibag nya ng mahina sa lamesa ng hawak nyang folder. Kinuha ko ito at tinignan. Binasa ko ang mga nakasulat sa papel.
"Eh bakit di nyo nalang pinagawa sa iba?"
"Obviously, he wants you to do the task! That hoodlum is paying biggest amount just for his opponent!"
Di ko nalang sya kinibo at binasa na ulit ang laman ng folder na inabot nya sakin. Isang target. Kalaban ng isang malaking politician. Nais nya itong mawala sa landas nya dahil hindi lang sa pagtakbo nya ito sagabal maging sa mga businesses nya.
Isang masquerade ball ang gaganapin bukas ng gabi. At nandoon ang target. May picture dito ang target ko para bukas. Tinignan ko lang ito at binalik na kay Mr. Chua ang folder.
"Everything you need is already settled at the basement. From clothes to weapons. I will send Drei and Max as your back up."
"No need. Kaya ko to mag isa."
"Yeah I already expected it. That's what I like from you. 1million peso will automatically be transfer to your account once you accomplish the mission. You are the highest paid employee here. But once you failed, your life will be at risk."
Naiirita ako sa mga sinasabi nya. Kaya naman lumabas na ko ng opisina nya. At dire-diretso akong naglakad palabas ng kumpanya.
"Napagalitan siguro sya ni boss. Feeling nya sya na pinakamagaling dito. Huh! Yabang!" Narinig ko pang sabi ni Chad pero di ko nalang pinansin. Nagtuloy tuloy nalang ako sa paglabas haggang sa nakarating na ko sa parking lot kung saan nakapark ang motor ko. Isa lang tong pipitsuging motor. Sumakay na ko rito at pinaharurot ko na ito pauwi sa apartment.
---
BINABASA MO ANG
YUU: The Assassin MAID
ActionSOMEINA REIKKO YUU: The Assassin MAID. --- "Being Eirralyn Mendoza is not my choice but somehow, it feels good being someone." - Someinna Reikko Yuu. -------------- THE ASSASSIN MAID All rights reserved © (2018)