CHAPTER 3

25 0 0
                                    

Binuksan ko ulit ang folder na binigay sakin ni Mr. Chua. Napapaisip ako.

Maganda naman ang misyon na binigay nya sakin kaso nga lang ang boring. Wala manlang ka-thrill thrill bukod sa pwede akong tumanggap ng misyon kahit on duty ako sa taong to.

Magbabantay lang naman ako ng isang lalaking di kayang panindigan ang ginawa nyang pagnanakaw sa ibang bansa. Tsk.

Nakalagay sa folder ang tungkol sa lalaking ito na ang pangalan ay Monzur Quen Monragon. May ninakaw sya sa Japan na sobrang mahalaga sa bansang ito na hindi naman binanggit dito sa files nya.

Kailangan kong mag apply bilang katulong sa kanila para mabantayan sya. Ang ama na nya ang bahala sa iba para pakapasok at makasama ko ang lalaking ito.

Buti nalang matalino ang Ama nito na syang nag hire sakin para sa misyong ito.

---

I'm on my way to their mansion to apply as a maid. Di ko ineexpect na ganito lang ang mangyayari sa buhay ko dito. Sa higit isang taon kong nakatira dito ay di ako nangatulong kahit kanino. And I don't have any idea how to become one f*cking maid.

I press the botton. I assume that's a doorbell.

May biglang lumabas na armadong lalaki sa gate at tinanong kung anong kailangan ko.

"Mag aapply po akong katulong sir." Pagpapakumbaba ko. Ang angas nito porke may hawak na baril. Tsk.

Nakita kong nagradyo sya para ipaalam na nandito ako. Narinig ko nalang na papasukin daw ako. Kaya pumasok na ko.

Sa laki nitong mansyon ay sinong di maliligaw dito? Buti nalang ay sinamahan ako ng lalaking ito na nasa gate kanina.

"Maupo ka jan. Hintayin mo nalang ang mag iinterview sayo." Bilin nito at umalis na.

Prente akong nakaupo dito nang may maramdaman akong bagay na papalapit sakin. Hindi na ko nag atubiling lumingon pa at iniwasan nalang ang bagay na ito.

Nang lumagpas ito sa akin ay saka ko lang nakita na isa pala itong dagger. Napalingon na ko sa pinanggaling nito at nagulat sa nakita ko.

"Impressive. You haven't change. Still the CROW I know for the past years." Nakangiti nyang sabi.

"Mr. Mon?!" Gulat sa sabi ko. Agad naman akong napatayo at yumuko upang magbigay galang sa kanya.

"Don't do that Ei. We're not on the field. You're here for my son."

Tila nagtataka ako kung bakit di ko napagkonekta ang apelyido nya sa apelyido ng anak nya. Kaya laking gulat ko nalang ng makita sya dito.

"Sorry Mr. Mon. But how did you know I'm here?" Usisa ko sa kanya.

"Simple. I saw you last week on a masquerade party. My eyes can't blink a second when I saw you. I can't believe you are here. After a year you were missing in action."

Napayuko ako. Naalala ko nanaman kung bakit ako nandito ngayon sa Pilipinas nananahimik at ginagawang normal ang buhay ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Nawala ang galit ko ng magsalita si Mr. Mike.

"Anyways, you are here for my son. Just in case you don't know. My son just steal a very important thing from japan. His life was in really big trouble. I want you to guard my son secretly. I don't want him to know that you are his butler. So you will disguise as a maid. His personal maid. My son is a pain in the ass but I can't do anything. He is my successor."

"I don't get it Mr. Mon. You have a lot of men. Men that are well trained. Why hiring someone just to protect your son?"

"I've known you for so long Ei. I know you can easily protect my son. You are much more well trained than my people. And you are the last person I trust."

"But Mr. Mon how sure are you that I will be the one to be assigned on this mission?"

"Simple because I requested you. I did a lot of research since I saw you there at the party my mind can't even take a rest. All I want is to talk to you personally and tell you my problem. I know you won't take this down. But I don't have any information about you so I do a lot of research just to find you. And finally here you are. I found you in my friend's secret association."

"Okay I get it. So what's the plan?" Tanong ko sa kanya.

Si Mr. Mon ang matalik na kaibigan ng akin ama. Ngunit simula ng mawala ang mommy ko ay hindi na rin sila nagkita at nagkausap pa. Marahil ay pinagbintangan din ni daddy si Mr. Mon na sya ang kumuha kay mommy but what's his proof? Everyone in his circle he suspected as his enemy.

"Ipasusundo nalang kita kay Aron bukas. Starting tomorrow you will be living here. To make your job easily. You can go home now. I will talk to you again tomorrow. Thanks for your help Ei. I owe you one." Yun lang ang sinabi nya at umalis na.

***

"Eirra talaga bang lilipat ka na? San ka na titira? Hindi mo manlang nahintay yung graduation natin." Nandito nanaman si daldal. Naiirita nanaman ako.

"Kailangan ko lang lumipat. Mas malapit dun yung nakuha kong work."

"Ah ganun ba?" Halata ang lungkot sa boses ni Jenica.

"Wag ka ngang madrama jan. Di naman ako mamamatay. Lilipat lang." Naiinis kong tugon sa kanya.

Napataas sya ng mukha at napangiti ng malapad.

"Pwede ba kitang bisitahin---"

"No." Putol ko sa sasabihin nya.

Lumungkot ulit ang mukha nya. Naalala ko si haaays. Wala pala.

Pinagpatuloy ko na ang pag impake. Dahil wala namang magandang naitutulong sakin si Jenica at hinayaan ko nalang syang magdrama at gumawa ng movie nya jan sa tabi.

KINABUKASAN, paggising na paggising ko. Naligo agad ako at nag ayos. Ready na ko para sa paglipat ko.

Palabas na sana ako ng bahay ng may biglang dumating na sasakyan. Napalabas din tuloy sila Jenica at Ivy.

"Wow. Ang gandang kotse naman nyan." Sambit ni Jenica.

Biglang lumabas si Aron sa kotse at lumapit sakin para dalhin ang mga gamit ko.

"Wow. Ang pogi nya." Sabi ni Ivy habang simpleng nag aayos ng itsura. At tila nagpapacute sa dumating.

"Ms. Eirra the car is ready and Master is waiting for you."

"Tara na." Ayokong magsalita pa sya. Dahil baka marinig nila Jenica at magtaka sila. Ayokong may malaman sila tungkol sakin.

Sumakay na kami sa kotse leaving the two ladies dumbfounded.

YUU: The Assassin MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon