Nandito na ko sa arena ngayon. All I can say is this place is so cool. Maraming gangsters at mga fighters. Mayroon grupo at mayroon ding solo fighter.
Naupo na ko sa panglimang row ng upuan. Malaki rin itong arena. Nasa pinakagitna ang ring kung saan maglalaban ang mga fighters. Ang set up naman ng mga upuan ay malaking pabilog na benches. Nakapalibot ito sa malaking ring at pataas ito. Parang bilog na hagdanan.
"Ah pre pwesto namin yan." Biglang may nagsalita sa gilid ko. Kaya napatingala naman ako sa kanya.
Buti nalang soot ko ang mask ko. Dahil kung hindi makikilala ako nitong kumag na kaibigan ni Monzur. Tsk. Basag trip. Sarap na ng upo ko eh.
Tumayo nalang ako at lumipat ng ibang upuan. Malayo sa kanila para mas mabantayan ko si Monzur.
Mas gusto ko pang bantayan sya sa malayo kesa makasama sya at maging maid nya. Dapat pala sinuggest ko yun kay Mr. Mon. Bakit ba kasi ngayon ko lang yun naisip?
"And now, we are all gathered here to witness the battle between a newbie gangsters and the group of our very own almighty leader Quen Monragon, The Shallow Gang! Let us all give them a round of applause!" Panimula ng Emcee.
Goodness. Isa palang leader ng gang itong amo ko eh. Let's see what they can do. A smirk form on my lips.
Lumapit ako sa Emcee at may ibinulong.
"Well, well, well. A sudden change of plan. Bago lumaban ang Shallow gang ay magkakaroon muna tayo ng commercial. The Newbie gang named Fearless gang will be fighting with this little guy here." Sabay turo ng Emcee sakin. Akala siguro nila lalaki ako. Mukha ba kong lalaki?
Sinuggest ko lang naman na ako muna ang kalabanin ng pipitsuging gang na to. Then pag natalo sila, ako ang lalaban sa Shallow gang.
"And let the battle begins in three, two, one." Then the bell ring.
Nagsiakyatan na rin sa ring ang mga makakalaban ko. Lima silang malalaking lalaki. Psh. Iiyak sila mamaya sakin.
Napangisi ako sa naiisip ko.
"Sigurado ka bang kaya mo kami?" Sinugod na agad ako ng nagtanong sakin.
Suntok sya ng suntok pero ilag lang ako ng ilag. Papagurin ko lang sya. Di sya makaka-score sakin.
Ilag pa rin ako ng ilag nang maramdaman kong may aatake sa likod ko. Nagkunwari lang akong di ko ito napapansin. Nang malapit ng tumama sakin yung hawak nyang baseball bat ay nilingon ko sya sabay salo ng bat. Diretso naman ang kamao ko sa mukha nya kaya tumba sya agad.
One down. Four to go. Sumugod na ulit sakin yung isang pinapagod ko kanina. Sinabayan na rin sya ng isa pa.
Psh. Ang lalaki ng katawan di manlang makatama sakin.
Medyo naiinip na ko kaya ako na ang umatake. Masyado silang mababagal. Una kong inatake ay yung pinapagod ko kanina.
Magpahinga ka na boy. Sumusugod pa rin sya sakin at sinusuntok ako. Sinalo ko yung isang kamao nya. Saka ko sya tinira sa pressure point nya. Natumba sya at nawalan ng malay.
Sunod sunod na silang tatlo na sumugod sakin. Yung isa inangat ko yung baba. Ititwist ko sana leeg nya but I change my mind. Sinuntok ko nalang sya sa diaphragm. Ayun tumba.
Dalawa nalang at mukhang nag aalanganin na yung isa. Hindi ko alam kung sino ang lider nila. Pare parehas naman silang mahihina.
Tinapos ko na ang laban sa pamamagitan ng pag hampas ko sa leeg ng dalawa. Sabay silang sumugod kaya sabay ko rin silang pinatulog.
Narinig ko ang hiyawan ng mga nanonood. Napangiti ako sa likod ng face mask ko.
"Woah. I can't believe you just knocked those five down. What a great fight." Biglang announce ng Emcee.
"As for your request. You want to fight the Shallow gang. But, they didn't accept your request."
Napa-haaaa ang mga tao sa arena. I smirk. Their legendary gang were scared dogs. Bahag ang buntot.
"Sure." Bulong ko sa Emcee.
Aalis na sana ako ng ring nang marinig ko ang sigawan ng mga tao. Excitement ang tunog ng sigaw nila.
"Looks like it turns to be a misunderstanding. Quen is on the ring." Napalingon ako sa sinabi ng Emcee.
Lumakas ang hiyawan ng mga tao.
"Pabagsakin mo yan Quen!"
"Go Babe! You can just kill that fool!"
"Go Quen! Yabang lang yan walang tapang! Kaya mong talunin yan!"
All their rants are getting into my nerves. Nakakarindi sila. How sure are they that their loving Quen can win against me? Then let's see what he can do.
"Just be gentle." Sabi ko na alam kong maririnig nya.
Nagulat sya dahil sa boses na ginamit ko. Boses babae. Di nya siguro akalain na babae ang makakalaban nya.
"Just keep it a secret." Pahabol kong sabi dahil alam kong gulo na sya.
"Quen of the Shallow gang versus a newbie. Let the fight begins! In 3,2,1.."
Tumunog na yung bell hudyat na simula na ang laban. Walang gumagalaw samin ni Monzur. Parehas kaming nakikiramdaman sa paligid.
Bigla syang naglabas ng dagger. Ow, how I love sharp things. Napangiti ako. Sya na ang unang sumugod.
Sinsalag ko lang ang bawat atake nya. Hindi n ko naglabas pa ng kahit na anong sandata. Kaya ko syang patumbahin gamit lang ang dalawang kamay ko.
Sugod pa rin sya ng sugod. At salag pa rin ako ng salag. I want my prey to feel tired before I make them suffer.
Parang inis na sya sa ginagawa ko kaya bigla syang huminto at tinignan ako ng masama.
"Ano? Iilag ka nalang ba?!" Naghiyawan ang mga tao sa sinabi nya.
"Booo! Natakot na yan sayo Quen! Tapusin mo na yan!
"Itumba mo na yan! Waste of time lang pala yan!"
Tapusin mo na Quen!"
Kanya kanya sila ng sigaw at cheer kay Quen. Kaya mas lalo akong nainis. Ang iingay nila.
Sumugod na ako kay Quen. At sya naman ang ilag ng ilag sakin. Akala ko ba magaling sya? Bat di sya mag counter attack? Open guard ako. Tss.
Naiinip na ko kaya kinorner ko na sya sa sulok ng ring. Naghiyawan nanaman ang mga tao.
Paulit ulit syang sumusugod sakin pero sinasalo ko lang lahat ng atake nya. Hanggang sa nahuli ko ang braso nya ng isang kamay ko at hinatak ko ito papalapit sakin. Ginamit ko ang paa ko at kinawit ko ang binti nya para mapaluhod nya.
Biglang tumahimik sa loob ng arena. Nang makita nilang ang kinatatakutan nilang lider ay nakaluhod sa ring.
Tumunog na ang bell sign na tapos na ang laban. Isa sa mga rules ng laro ay kung sino ang unang mapaluhod o bumagsak sa ring ay syang talo.
"B*tch!" Narinig kong sabi ni Monzur ng patayo na sya. Nilapitan na sya ng mga ka-gang nya.
"Nice fight guys." Sabi ng mga ito.
Napangiti ako. Now you learn your lesson Monzur Quen. Ngayon alam mo na ang feeling ng matalo at mapahiya. Hindi lang ikaw ang malakas dito.
Bumaba na ko ng ring at tinungo na yung exit. Naririnig ko pang tinatawag nila ko pero wala akong pake. Bahala na sila dun.
BINABASA MO ANG
YUU: The Assassin MAID
ActionSOMEINA REIKKO YUU: The Assassin MAID. --- "Being Eirralyn Mendoza is not my choice but somehow, it feels good being someone." - Someinna Reikko Yuu. -------------- THE ASSASSIN MAID All rights reserved © (2018)