Nakatanggap ako ng text galing kay Mr. Chua at pinapapunta nya ko sa kumpanya. Isa nanaman sigurong target.
Nagmadali na kong magpunta doon dahil wala rin naman akong ginagawa ngayon. Walang pasok, araw ng linggo. At limang araw na ang nakakalipas ng matapos ko ang huling misyon ko.
Nang makarating ako sa kumpanya ay diretso na kong pumasok sa opisina ni Mr. Chua.
"May misyon nanaman ba ko?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.
"Obviously Eirralyn. Since when did I contact you for nothing? Oh here!" Sabay abot sakin ng isang folder.
Binuksan ko na ito at binasa ang nakasaad sa folder. May picture nanaman.
Kailangan kong mapatay ang kapwa ko hired killer dahil target nito ang anak ng isang Bilyunaryo negosyante sa bansa. Napaka-rare ng gantong misyon. Dahil kapwa hired killer ang target. Pero di na ito bago sa amin dahil bago kami mkapasok dito ay kasama sa training ang pagpatay sa kapwa namin hired killer. Kaya kung isa man sa amin ang target malas nalang. Pero hindi kami tumatanggap ng target na under ng kumpanya namin.
Mayroon kaming kakumpitensyang kumpanya. Sila naman ay tumatanggap ng kahit na anong trabaho, mapa-mabuti o mapa-masama. Wala silang sinisino. Na kahit sarili nilang empleyado ay pwedeng targetin. Samantalang sa amin ay pag empleyado ng Higher Ground Tower hindi namin tinatanggap, mas lalo na si Mr. Chua. Mahalaga sa kanya ang mga empleyado nya. But rules are rules. Once you fail you will face death.
Bihasa at praktisado ang mga empleyado ni Mr. Chua kaya wala syang alinlangan sa rules na yun. Walang pumapalpak sa mga tao nya.
"1million once you accomplished but death once you fail." Nakangising sabi ni Mr. Chua.
Di ko na hinintay na talikuran nya ko. Kaagad na kong lumabas ng opisina nya. Himala yata at wala ang mga asungot na madadaldal.
Pagdating ko sa parking lot ay nandun sila Drei, Max, Chad at Yael na nagkukumpulan sa harap ng isang Ferrari.
Hinayaan ko nalang sila at sumakay na ko sa motor ko saka pinaharurot ito.
---
Nandito ako ngayon sa isang building ng condominium. Naghihintay lang ako na dumating yung target ko.
Bago ako magpunta dito ay nagsagawa muna ako ng research tungkol sa target ko. At pinag aralan kong mabuti ang estilo nya pagdating sa ganitong trabaho.
Hindi na masama. Dahil isa sya sa pinakamagaling na hired killer ng kabilang kumpanya. Si Trevor Bustamante a.k.a Thunder. Magaling sya sa short range firing at bihasa sa Martial arts.
Hindi ako makikipaglaban sa kanya. Dahil ayoko magpagod at may pasok pa ko bukas sa eskuwela. Kaya hinanda ko na ang mga gagamitin ko.
Nilabas ko na ang poisonous pins at nagsoot na ko ng gloves. Hindi halata na isa rin akong hired killer. Pang construction worker ang get up ko ngayon, tamang tama sa ginagawang rooftop ng building na ito.
Maya maya lang ay nanjan na ang target ko. Ang tema nya ay isang guy next door. Dahil babae ang target nya at mukhang balak nyang gumawa ng lovestory bago pumatay. Tsk nakakairita.
Nagbell na sya sa unit ng target nya at wala pang isang minuto ay pinagbuksan na sya nito.
Lumabas ang isang magandang babae. Maputi ito at slim ang katawan. Matangos ang ilong at singkit ang mata. Manipis at mapula ang mga labi. Kulot ang mahaba nitong buhok.
Ngumiti ang babae kay Thunder.
"Yes mister?" Sweet na sabi nito. Mukha syang inosente.
Hindi sumagot si Thunder pero narinig ko ang pagkasa ng baril na hawak nya sa bulsa nya. Ito na ang pag kakataon ko para ihagis ang pin sa leeg nya.
Habang naghihintay ng sagot yung babae ay nagpanggap akong dadaan lang pero mabilisan kong hinagis sa leeg ni Thunder ang pin. Sad to say, magaling syang hired killer pero wala syang ligtas sakin.
Maya maya lang ay bumagsak na sya sa sahig. Ako naman ay nilagpasan lang sila habang tili ng tili yung babae na humihingi ng tulong.
Agad na kong nagpunta sa fire exit at hinubad ko na ang nakakairitang damit ng construction worker. Sobrang init. Tsk.
Paglabas ko ng fire exit ay sa parking lot na ang tuloy ko. Hinanap ko ang motor ko at dali daling sumakay dito. Pinaharurot ko na ito papunta sa kumpanya.
---
"Accomplished." Maiksi kong bungad kay Mr. Chua.
"I know. 1million pesos will automatically be transfer to your account."
Aalis na sana ako kaso pinigilan nya ko.
"Wait Eirralyn. I'm not done yet. Here, take a look." May inabot nanaman sya saking folder. Kinuha ko ito at tinignan ang nilalaman.
"WHAT?!"
"Every month you will received 1million pesos. That contract will last a year. Pag isipan mong mabuti. I'll give you 3 consecutive days para magdesisyon. Magreport ka agad sa akin pag nakapagpasya ka. You can still accept missions kahit committed ka sa misyon na yan. Basta make sure na safe ang alaga mo. Your 3-day starts tomorrow at 12nn. Ganyang oras ka rin magrereport sakin. Clear?" Mahabang litanya nya.
Hindi ko nalang sya pinansin at lumabas na dala ang folder. Hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko pero sa tingin ko maganda tong misyon na to na hindi. Tsk. Argh!
---
BINABASA MO ANG
YUU: The Assassin MAID
ActionSOMEINA REIKKO YUU: The Assassin MAID. --- "Being Eirralyn Mendoza is not my choice but somehow, it feels good being someone." - Someinna Reikko Yuu. -------------- THE ASSASSIN MAID All rights reserved © (2018)