Nandito na ko ngayon sa masquerade ball. At minamanmanan ko ang target ko. Tsk. Masyado syang maligalid at palinga linga sa paligid.
Sya si Mr. Anthony Perez, 31 years old. Isang business tycoon at balak tumakbo bilang Gobernador sa darating na halalan. Kaya gusto syang ipatumba ni Gov. Sino ba naman ang agency namin para tanggihan ang trabahong ito.
Ang kumpanya na pinapasukan ko ay isang sikretong organisasyon ng mga Hired killer. Higher Ground Empire ang pangalan ng kumpanya. Ang front nilang business ay machineries and technologies. Puro lalaki ang empleyado rito at ako lang ang nag iisang babae.
"Hi. You alone?" Biglang lapit sakin ng lalaking ito at nagtanggal ng mask. Nakakairita man pero kailangan kong ientertain sya. Dahil sya ang target ko ngayon. Si Mr. Perez.
May itsura sya kaso di ko sya type. Masyadong malayo ang edad nya sakin. Tsk. Ano bang pinagsasabi ko?!
"Obviously." Nakangiti kong sagot sa kanya. Kadiri ang plastik ko.
"Can I join you? You look gorgeous tonight. I like your long evening gown with your hair braided. You're sexy. I like it."
"Ah sure. My pleasure." Seductive kong sabi. Nandidiri na rin ako sa ginagawa ko pero kailangan ko tong gawin.
"Come with me. Let's talk somewhere comfortable." Inalalayan nya kong maglakad.
Wala pa sa kalagitnaan ang nilalakad namin ng may magpaputok ng baril. Kaya nagpanik ang mga bisita. Tsk. Sinong gag* yun?! Istorbo sa misyon ko!
Napalingon ako sa katabi ko at open guard sya. Hinahanap nya ang mga bodyguards nya pero wala ni isa sa mga ito ang nandoon kaya kinuha ko na ang pagkakataong ito para gawin ang misyon ko.
Inilabas ko na ang baril ko mula sa hita ko at nilagyan ng silencer. Habang busy sya sa paghahanap ng mga bodyguards nya at busy rin ang madla sa pagpapanik ay itinutok ko na ang baril sa ulo nya sabay kalabit ng gatilyo. Tapos ang misyon ko!
Aalis na sana ako nang may humarang sakin at inambahan ako ng kunai. Huh? Assassin? Nakakapagtaka bakit may assassing dito? At bakit ako ang inaatake nya?
Bawat atake nya ay iniilagan ko lang. Pinipilit nyang tanggalin ang maskara ko pero ilag pa rin ako ng ilag. Mas mabilis ang reflexes ko kesa sa kanya.
Nag counter attack sya papunta sa likod ko pero nabasa ko agad ang galaw nya kaya nasanggi ko ang atake nya. Ako naman ngayon. Bumunot din ako ng maliit na dagger sa binti ko at umikot ako papunta sa kalaban ko saka ko ito tinurok sa puso nya. Tumba!
Dali dali akong lumabas sa hallway. Kailangan kong makaalis dito. Sa tingin ko Maraming assassin ang narito at baka may makakilala sakin.
Kaso sa kasamaang palad may bumangga saking isang lalaki. Parang may tinatakasan sya. Tsk. Ano naman pakialam ko sa kanya? Ang tanga tanga nya. Di tumitingin sa dinadaanan.
"Sorry miss. Nagmamadali ako. May gustong pumatay sakin eh."
Napalingon naman ako sa pinanggalingan nya. Mga assassin ang humahabol sa kanya. Tsk. Ano naman ang ginawa ng isang ito?
Balak ko na sanang umalis kaso hinawakan nya ang braso ko and he lean on me. He pinned me on the wall.
Aba't bastos tong hayop na to ah! Gusto ko syang saksakin kaso di ako makagalaw sa sobrang sikip ng pwesto namin dito sa gilid.
Maya maya ay kumalas na sya sa pagkakahalik sakin at tumakbo na paalis habang lumilingon lingon sa paligid.
I just can't moved on. This is the first time that someone I just met did that to me.
Umalis na ko sa pwesto ko at dali daling hinanap ang kotse ko. Magrereport pa ko kay Mr. Chua bago ako makauwi.
--
"Accomplished." Maikling sabi ko kay Mr. Chua pagkapasok ko sa office nya.
"Good. Very good! Now the 1million peso will be transfer to your account. Take a rest. You may leave now." Yun lang ang sinabi nya at tinalikuran na nya ko.
Lumabas na ko ng opisina nya at dumiretso sa parking lot. Gagamitin ko ulit ang pipitsugin kong motor. Para hindi mahalata ng mga kasama ko sa apartment at ibang kapitbahay namin. Ayokong pag usapan nila ako.
Pagkasakay ko sa motor ay pinaharurot ko na ito. Ilang minuto lang ay nasa apartment na ko. Dali dali akong pumasok at nagpalit ng damit. Buti nalang at wala pang tao. Magtatanong nanaman si daldal pag nakita nyang nakagown ako.
Pagtapos ko magpalit ng damit ay nahiga na ko sa kama. Naalala ko nanaman yung lalaki kanina at yung ginawa nya. Tsk! I will surely kill him when we meet again. I have a feeling na magkikita pa kami ulit.
---
BINABASA MO ANG
YUU: The Assassin MAID
ActionSOMEINA REIKKO YUU: The Assassin MAID. --- "Being Eirralyn Mendoza is not my choice but somehow, it feels good being someone." - Someinna Reikko Yuu. -------------- THE ASSASSIN MAID All rights reserved © (2018)