Lesson 8

168 5 0
                                    

Regret doesn’t come before. It always comes after.

_________________

Simula ng gabing yun, nagtetext na siya sa akin. Palagi niya din akong kinakamusta pero nung mga nakaraan, nabalitaan kong nagkasakit siya. Hindi ko lang siya madalaw dahil sa school work ko.

Dahil din sa sinabi ni Mark saken, I decided to do what is right. I have to tell her everything at hindi ko na dapat pang patagalin pa lalo ito.

Pero bakit sa tuwing may lakas na ko ng loob para umamin… saka naman ako palaging nasasaktan?

Nang lumuwag ang schedule ko, tinawagan niya ko para samahan siya. Hindi ko alam kung bakit pero pinuntahan ko nalang para malaman ko na din. Nagkita kami sa labas ng school na pinagtatrabahuhan niya.

Lumapit ako sa kanya tas niyaya niya ko na pumunta muna sa isang kainan malapit lang din doon sa school.

“Ano bang problema?” Tanong ko pero nakatitig lang siya saken. “Sabi ko anong problema?” Tanong nko ulit tas napansin siguro niya na nakatitig lang siya saken.

“Ano… kasi… may problema ako.” Sabi niya.

“Ano ngang problema…” tanong ko ulit kasi hindi naman niya sinagot yung tanong ko.

“Okay, I have this one student who happened to be so close to me. We compliment each other. We care for each other…” she said and paused for a while. “We became that close… and I…”

Okay, I get it. I lose again. She’s in love with someone else.

“You fall in love with him? So what’s the problem? JB passed away a long time ago. You should’ve looked for someone who will replace him in your heart.” Sabi ko na parang hindi ako naaapektuhan.

“The problem is… he is my STUDENT and it’s against the law. No teacher should have had any relationship with her student! I will get fired if I fight for him.” She continued.

Her words are like double-edged sword. It kills me.

“Then choose… work or love. You can have a good job even if you choose him but you can never had another JB or who’s-that-guy that you love if you choose your work. I mean, it’s either you resign or he will dropout. So choose then.” I suggested.

I did that not to let her choose but to make her confused. She didn’t speak for a moment. Nag-iisip siguro siya. Sana wag na niyang maisip yung tama dahil walang tama sa sinabi ko. Ayoko siyang bigyan ng eksaktong sagot.

“If he droppedout, hindi na naman siya makakapag fourth year. Pang limang taon na niya sa 3rd year to pag nagkataon. Baka maging valedictorian na siya dahil master na niya ang 3rd year… On the other hand, if I resigned, he can still finish his high school years and I can find a better job place outside Adamson at may chance na kami. Tama ba naiisip ko?” she said.

Jusko in love nga to.

“You got my point. If you really love him, resign. If he means nothing to you and you really love your job, don’t resign and don’t mind him.” Sabi ko para lalo siyang mailto.

“Thanks ha? You helped!” she said sarcastically. “You helped me confuse more!”

Yeah! You’re very welcome! Tss. Bad ass.

“Well, it’s not my problem anymore. Lumapit ka saken eh… you should’ve at least assent my advices.” Sabi ko.

Kahit naiinis na ko, wala akong magawa. Para akong pinaglalaruan ng tadhana.

Tumahimik muna siya saglit para makapag-isip.

“I’ve made my decision.” She said.

“So what is it?” I asked.

“I love him. I really love him. So I will sacrifice my job for now but I don’t want to interfere with him anymore. If I resign today, I will sacrifice both my work and him.”

Bigti. Olats. Tama talaga si Mark. Sana noon palang nakinig na ko sa kanya.

“Sigurado ka ba? Baka masaktan siya lalo pag ginawa mo yun.” Sabi ko.

“I already made my decision.” She said convincingly.

She wrote her resignation letter and went to the school on the spur of the moment. Decided na talaga siya na gawin ang sa tingin niyang tama.

Gusto ko siyang iwan pero dahil alam kong mas kailangan niya ko ngayon… tiniis ko nalang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

We went to Starbucks at Robinson’s Manila. We are talking about her plans when her phone beeped. I didn’t know who texted her but the way she reacted nung binasa niya yung text… gets ko na kung sino yung nagtext sa kanya.

“Go, see him.” I said tas tila gulat na gulat siya saken. “Hindi ko nakita kung sinong nagtext. Masyado lang pahalata yang mga expressions mo.” Dagdag ko tas parang naconvince na siya kaya nagtext na siya.

Nag-usap sila ni… ano nga bang pangalan nun? Basta siya na yun. Hindi pa sila nakakalayo pero nagtataasan na sila ng boses.

And there I realized…

Siguro kung pinaglaban ko siya noon… may chance na masaya kami hanggang ngayon. Napakaswerte ng lalaking to. Inamin niya ang totoo kaya alam niya din na mahal na siya ni Tiffany. Pareho kami ng sitwasyon pero magkaiba kami ng paninindigan. Kung bakit ba kasi ako nagpatalo sa takot ko? Eh di sana… hindi ako nasasaktan ng ganito.

After nilang mag-usap, sobra yung pagbuhos ng mga luha ni Tiffany sa akin.

“You better stop crying, Tiff. Hindi yan makakabuti sayo.” Sabi ko while comforting her.

“Ang sakit pala. Ang sakit sakit.”

“Alam ko. Nagmahal ka lang naman eh. Kung ako nasa sitwasyon mo, ganun din siguro ang gagawin ko.”

“Nagmahal ka na din ba?” biglang tanong niya saken. Hindi ako agad nakasagot kasi parang ang awkward na sa kanya pa mismo nanggaling yung tanong na yun.

“Tara umuwi na tayo.” Sabi ko sabay tayo pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

“Siguro hindi mo din siya naipaglaban noh? Siguro hanggang ngayon nasasaktan ka dahil sa kanya? Siguro—“ pinutol ko na yung sinasabi niya.

“May mga bagay na kung para sayo… para sayo talaga. Umuwi na tayo. Pagod ka lang.” sabi ko tas tumayo na din siya.

Hinatid ko na siya sa sakyan ng bus para hindi na siya gabihin.

Oo, hindi din kita naipaglaban at hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako dahil sayo.

What If I Am in Love with that Teacher, Too? (A Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon