Lesson 11

146 5 1
                                    

(sorry for the very turtle update ^_^v)

***

Should I give up? Or should I just keep chasing pavements?

 

_________________

And they had a happy…

Happy lang… wala pang ending.

Hindi pa natin alam kung anong magiging ending ng kwentong to.

Oo, kinasal na sila. Nag honeymoon at… augh!

Kailangan ko na bang tanggapin na wala na talaga?

Incoming call…

“Yes? KC, speaking.” Sagot ko.

“Keeeeeeeeyyyyyysssssssss!!!!” sigaw ng nasa kabilang line.

“Sino ba to? Bakit kailangan sumisigaw?”

“Sorry, Keys... si Tiff to.”

 

Ah siya pala.

“Yes? May problema ba?”

“Wala naman. Ang ganda pala dito sa London noh? Grabe! Salamat sa regalo mo samen ah.”

 

Hindi naman talaga para sa honeymoon niyo yung flight ticket na yan eh. Para sana sateng dalawa yan.

“Ah? Oo maganda talaga dyan.” Sagot ko.

 

Para sana yun sa pagpopropose ko sayo.

 

“Sayang lang at hindi mo nadala yung babaeng papoproposan mo dito. Sino ba kasi yun?” tanong niya.

Ikaw.

“Wala eh, masaya na siya sa iba.”

 

“Sira talaga yun. Pag nakilala ko yun, uuntog ko yun sa pader eh para matauhan na.”

 

Kaya mo bang iuntog ang sarili mo? Kung kaya mo… sige iuntog mo na ngayon para matauhan ka na.

“Sige magenjoy kayo dyan. Mahal ang long distance call.” Dagdag ko.

 

“Sige sige, tatawag ulit ako. Salamat Keys! I love you!!!! The best ka talaga! Byeeee.” Paalam niya then in-end na niya yung call.

What If I Am in Love with that Teacher, Too? (A Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon