Lesson 9

141 4 1
                                    

Seeing the one you love happy makes you happier. But seeing them hurt, is a different story.

 

_________________

 

After that heartbreaking incident, nagpresinta ako na ihatid siya sa resthouse nila sa Tagaytay. Kailangan niya munang magpahinga doon para makapag-isip ng tama.

 

Nirecommend ko din siya sa St. Paul Parañaque kaya nag-apply siya doon.

 

She really needs to start from the beginning. Matagal na simula ng iwan siya ni kuya… siguro naman time na din para sumaya siya ulit. Hindi man sa piling ko pero sa piling ng taong mahal niya at nagmamahal sa kanya.

 

Nabalitaan ko yung pagpunta ni Luigi—okay alam ko na yung pangalan niya—sa Tagaytay. Halos mawalan na din siya ng pag-asa kakahanap kay Tiff pero talagang mahal niya eh.

 

Ano pa nga bang aasahan ko?

 

As expected, pagpasok ng 2011, naging sila na. Sa wakas… nabigyan nan g tuldok ang mga katanungan nila.

 

Siguro nagtataka kayo kung anong nararamdaman ko? Well, kung saan siya sasaya… masaya na din ako para sa kanya.

 

Pag dating ng February, umattend si Tiffany sa JS Prom nila Luigi. After nun, nagcelebrate sila ng birthday nila dahil pareho silang leap year pinanganak. Sinama pa nila ako dahil naging parte din naman daw ako ng buhay ni Tiff.

 

Kung alam lang nila.

 

Matapos yun, naging busy na ulit ako dahil sa graduation. Di rin nagtagal, nakapagtapos na ako sa pag-aaral. Ganun pa din… ako pa din ang nirecognize as the most outstanding student sa batch namin. Summa cum laude naman ako sa college namin. Proud na proud si mommy sa aken at alam kong ganun din si kuya kung nabubuhay pa siya.

 

Sanay na ako sa ganung recognition at kung dati, mga universities ang nag-aagawan sa akin… ngayon, different huge companies naman pero hindi ko naman hangad ang malaking sahod at maraming papuri.

 

Nag-apply ako sa isang company na kilala na din sa industriya pero hindi ganun ka-ingay ang pangalan. Natuwa sila dahil sa dinami dami ng magaganda at malalaking kompanya eh sa kanila ko napiling mag-apply.

 

After one year, nakita ko kung gano kasaya si Tiffany kay Luigi. Nagtagal din sila kaya tiwala akong masaya na talaga sila.

 

Earlier in April, tumawag si Tiffany sa akin. Medyo excited siya.

 

“Yes Tiff? Napatawag ka?”

 

“Busy ka ba? Magpapasama sana ako sayo.”

 

“Nasa Cebu ako ngayon eh. Urgent ba? Dapat sinabi mo agad.”

 

“Ay ganun ba? Sige ako nalang.”

 

What If I Am in Love with that Teacher, Too? (A Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon