Lesson 12

103 4 2
                                    


When you have to choose between love and career.

_________________

Naging masaya naman ang unang taon ng pagsasama ni Tiffany at Luigi pero after two years, nagkaproblema sila dahil hindi pa din nila masundan si Nathan. Naging sobrang stressed kasi nila sa trabaho lalo na si Luigi kaya pinayuhan sila ng doctor na magpahinga muna para masundan na nila si Nathan pero ayaw pumayag ni Luigi sa ideya ng doctor.

"Anong balita?" tanong ko habang nakaupo si Tiffany sa couch ko.

Bakit siya nasa bahay ko? Iniwan muna siya ni Luigi dito dahil hindi daw siya makakauwi ngayong gabi. Nasa States na kasi ang mommy at kuya Anthony ni Tiffany mula nung kinasal sila ni Luigi kaya kapag walang kasama si Tiff, nandito siya saken.

"Wala pa din eh. We've tried a lot pero wala pa din. Stressed daw kami masyado sa work."

"Oh? Edi magpahinga kayo para masundan niyo na si Nathan."

"Nagresign na nga na ako sa work di ba? Ayaw naman ni Luigi na magstop muna sa work dahil yun daw yung biggest project na nahandle niya at ayaw niyang mapahiya sa client nila. Para din naman daw sa future namin yun eh." sagot niya habang naglilipat ng channel sa TV.

"Eh pano naman ang pamilyang gusto niyong buoin? Given na that you need to provide for your family pero iba pa din kapag may-anak at alam mo yan."

"Yeah. I really missed Nathan. Nakakamiss mag-alaga ng anak. Alam mo yun... kahit pagod ka, once na makita mo yung anak mo tas sobrang sweet pa nito? Nako talagang mawawala ang pagod mo."

I can see the struggle in her eyes. Yung kagustuhan niyang magka-anak ulit at yung kagustuhan niyang maramdaman ulit yung completeness sa buhay niya lalo na't kasal na sila ni Luigi.

"Try to talk to him. Pag-usapan ninyo ng maayos."

"I don't know, Keys but I do have this feeling na wala siyang pakialam sa pamilya namin. I can't even call us a family. Palagi siyang wala at madalas nagagalit pa siya pag-uwi niya galing sa trabaho. Hindi ko na alam. Parang mas mabuti pa dati. Sana hindi nalang talaga namatay si Nathan or sana hindi nalang kami kinasal ni Luigi." She rants.

Okay? Is she regretting their marriage? tama ba yung naririnig ko?

"Okay? Why are you ranting on me?" natatawa kong sabi para makalma siya ng konti.

"Because it's unfair. Life is so unfair to me." She cried.

Hala ka. Umiiyak na siya.

I ran to her and comforted her quickly.

"Wala naman akong nararamdamang ganito dati eh. Nung ako lang mag-isa yung nagpalaki kay Nate o kahit nung ipinaglalaban ko pa yung pagmamahal ko kay Luigi. Ibang iba kapag bumuo ka na ng pamilya. Masaya ako kasi finally, we have shared our vows together at nagsasama na kami sa iisang bubong pero am I still happy? Kahit ako, Keys di ko na alam kung masaya pa ba ako. It's been two years since we got married pero bakit hindi pa din ako masaya? Bakit may kulang pa din? Napakasalan ko nga yung taong pinakamamahal ko pero nasan siya? Wala." she cried again.

I can't find the right words to say to her. Nasasaktan siya ng sobra.

Kakaiyak niya, nakatulog na din siya sa couch. Hinayaan ko muna dahil baka umiyak na naman siya pag nagising siya.

Buti nalang din kasi I can do my work at home kaya kahit pumunta si Tiffany dito eh okay lang.

Maya maya, may tumawag sa akin.

What If I Am in Love with that Teacher, Too? (A Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon