Entry 7
Czeke's POV
haha natulog lang talaga ako kanina... ^^,
Kaso nung papauwi na kami.. Nahalata ko yatang parang ang tamlay at tahimik nya..
Kaya yun tinanong ko sya kung bat ganun sya.. Naku! Baka nagtampo pa yung bata kasi di ba nga natulog ako kanina?
Tas.. Baka gutom lang daw... Nakahinga naman ako dun ng maluwag. Parang nakakakonsensya namang gumawa ng mga kamalmalan pag to ang kasama.. Hayy.. Pero..
Tamang tama.. Parang
gutom na rin ako..
Dinala ko sya doon sa pinakamalapit na Restaurant sa kinatatayuan namin.
At pagkatapos mag order...
Ngayon ko lang narealize...
Tae..
Ngayun lang ako kumain sa labas kasama ang isang babae...
Diba date na to? Hayy... Oo date na nga to.. Hindi naman kasi ako lumalabas kasama ang mga gf ko.. Ni hindi ko nga sila kilala.. Kaso hayyy.... Oo.. Iba nga pala tong babaeng to...
Ibang iba..
"Oh! Ano na?!"
ah.. Nandito na pala yung inorder naming pagkain..
"Kain na tayo"-sabi ko
"ahihi"
Bumalik na yung energetic na Czae.. Tss.. Pagkain lang pala ang katapat neto eh.. Para talagang bata.. =____=
-----
"Uwi na ako Kirt!!"
"Ha? Eh.. Hatid na kita!"
Nabigla sya sa sinabi ko.
"Ahhm.. Ano.. Ahihi.. Wag na!! Kaya ko naman na.. ^__^"
Nga pala.. Nasa labas na kami ng Restaurant.. Tapos pauwi na kami. Nasa may tapat kami ng isang Puno.
"Gabi na!! Ihahatid na kita."
Tss.. Kung di lang to babae, kanina ko na to iniwan dito... Kaso di eh..Maraming pwedeng mangyari sakanya... Isip bata pa naman.=_=
"Halika na! Hatid na kita.. San pala bahay nyo..?"
"Hindi.. Wag na.. Kaya ko na talaga. Promise!"
May hand gestures pang nalalaman.
Kroooooo krooooo
Nanlaki yung mga mata niya.
"A-ano yun?"
haha!!
"Hala.. Tae nakalimutan ko.. May namatay daw ditong isang bata dahil sa isang ibon.. Ewan ko kung napano yun pero sabi raw kukunin nya sana yung ibon sa puno kaya inakyat nya yun.. Tapos bigla na lang syang nahulog.. Wasak daw yung ulo.."
Hahaha hindi na mapinta yung pagmumukha nya!!
"...,.Sabi raw..Nagmumulto pa raw yun hanggang ngayon.. At ang palatandaan dun ay kung nakakarinig ka ng ganung sound.."
"A-anong.....?"
Ooopps.. Naninigas na siya.. Hahaha Galingan mo pa Czeke!! Kaya mo yan.
"Hayy.. Gabi pa naman.. Oh sige ha.. Una na ako.. Parang hindi ka naman magpapapilit na ihatid kita sainyo.."
Tumalikod na ako.. Kaso.. Hindi ko talaga mapigilan ang Matuwa sa mga kalokohan ko.. Kaya medyo nakasmile ako nun... Pinipigilan ko nga eh.. Kasi minsan nagiging smirk na.. Hehe..
"U-uyy!! Sa-saan ka na Pu-punta?"
Haha..Geh lang Czeke kaya mo yan..
Tumingin ako pabalik sakanya na parang wala lang... Napakaironic..
"Oh? Uuwi na.. Tss.. Gabi na kaya.... Pagod na ako.. "
"A-ano.... Totoo ba yung sinabi mo??"
pfffft,... Haha.. Sabi na nga ba..
"Oo naman.. Aba minsan lang ako maniwala sa ganyang mga storya noh.. At ngayong narinig ko na nga yung sound na yun... Mas naniwala ako.."
"A-ah... "
Tumalikod nanaman ako.
"Te-teka.. A-ano.. Pa-pa----..."
"Hu?" Tumingin ulit ako sakanya..
Tss.. Para talagang bata.. =___= Yung dalawa nyang index fingers.. Parehas na iniinline tapos bigla nanaman edidisconnect.. Ganun ganun lang ang ginagawa nya.. Gets nyo? Basta ganun..
"A-no..."
Hindi parin sya tumitingin sakin..
"Ano??"
"Pa-pa-pahatid.. Pwe-pw-pwede?"
At yun.. Tinaas nya na yung ulo nya at tiningnan ako..
"Kala ko ba ayaw mo ha?"
"A-ano kac.."
"Tss.. O! Halika na.."
Hindi pArin siya gumagalaw sa kinatatayuan nya.
"Ehh..di ako makagalaw.."
"huh? "
Tae..
=__=
tss.. Linapitan ko na sya..At hinawakan yung kamay.. Pshh.. Sobra ng lamig... Uto uto talaga kahit kailan..
"Oh.. Halika na.."
Hinila ko na siya.. At yun.. Nakalakad na rin yung bata.. Grabe ang lamig at pawisan na yung kamay nya..
Hindi ko naman akalain na ganun sya kadali maniniwala
=____=
Di sya nagsasalita..
"San bahay nyo?"
"S-sa Tooot tooot"
(bleh,... Censored Xb)
Nagtricycle na lang kami papunta run.. Malayo layo kasi... bukod dun.. Gabi na.
"Kirt.. Sa-salamat ha..Geh una na ako.."
"Geh.. "
At tumalikod na sya.. Binuksan yung gate.. at yun.. Pumasok na..
Tss..
Makauwi na nga.. Grabe ang galing ko talaga magsinungaling.. Hehe.. Sa isang huni lang ng... Ahhm.. Kalapati ba yun? Basta yun na yun... Kung ano ano na ang dinagdag kong istorya.. May mga wasak ulo pa akong nalalaman.. Haha
Bago ako sumakay ulit sa tricy.. Tumingin ulit ako sa bahay nila.. Well ok rin pala,. Malaki ang bahay nila at mukhang mapera rin.. Pero mas malaki lang yung namin..
^^,
Hayy ano ba to..
Makuwi na nga
to be continued...
Property of Chellybeb
BINABASA MO ANG
Open Secrets
Teen FictionThere's this girl na tutulungan ang ate nya sa paghihiganti sa ex-boyfriend nito.Pero panu kung yung ate nya pala ay may dati ng plano sakanya..? I mean SAKANILA..?(malabo no?) haha Tatalaban kaya si Czae ng mga plano ng ate nya?