Entry 9
Czeke's POV
tae.. Bat ko ba yun nasabi?
Hindi na ako makakarelate dyan kac stick to one na lang ako..
Hindi na ako makakarelate dyan kac stick to one na lang ako..
Hindi na ako makakarelate dyan kac stick to one na lang ako..
Argggh!!! Kainis!! Siguradong usap usapan nanaman yun sa buong campus..
Umalis na ako sa Room namin at hinila na lang si Bata. Tss.. Ano ba yan.. Tinanong nya pa ako kung totoo raw yung sinabi ko.. Di syempre ako naman si Best in palusot.. Nag isip nanaman ng kung anong pwedeng dahilan dun..
=___=
Pero tae.. Sa totoo lang.. Di ko talaga alam kung bakit bigla ko na lang yun nasabi..
Hayy.. Nga pala.. Nandito nanaman kami sa tambayan ko.
Umupo na si bata pagkatapos magpasalamat.. Tss,.
May napansin ako sa Keychain nya sa bag.. Pshh.. Bear na color pink.. Yuck!!
Kadiri!!
"Cute ba?? Ahihi.. The best talaga pag mga bears no?"
Nabigla naman ako.. Tae.. Kanina pa pala ako dun nakatingin...
Ahm.. Hala.. Anong sasabihin ko.. Tae ka talaga Czeke!!! Ang cute kasi ng mukha ng Ano na nga yun? Kabayo ba yun?? O Pusa..?? Tss.. Ewan ko..
Ting!-oh ha!! Bumabright idea na rin ako...
=___=
Kakapalan ko na lang yung mukha ko para di na sya makapagsalita..
Enhale....
"Tss.. Cute raw.. Eh mas pinapakita mo lang na isip bata ka talaga.. At ano naman ang cute dyan?? Kung mukha ko dyan ang linagay mo.. Yun!.. Yun ang Cute!"
halalala.. Grabe!! Kapal ko naman..
-___-
_____________
Sa Park
"uyy!! Ice Cream oh!! Bilhan mo ko dali!!"
"Tss.. Wag nyan! Sasakit nyan lalamunan ko!"
"Sinabi ko bang Kumain ka rin? Sabi ko bilhan mo ko!!Dali!! Hoho balita ko masarap daw ice cream dyan eh! Bibilhan mo lng naman ako.. Kahit wag ka nang kumain."
hayy.. Binuka ko kamay ko na para bang nanglilimos. Iinisin ko muna tong babaeng to...Bibili naman talaga ako nun gamit yung sarili kong pera kasu parang sarap nya ngayong asarin. Maasar na nga
"Ano yan?" sabi nya
" Pera mo?"
"Hmmpf!! O heto!! Daliiii bilii ka na!! Baka maubosan pa ako noh!!"
"Ahh.. A-ano?"
pshh.. Aba aba.. Ano ng nangyayari dito? Dati rati naman nakikipagtaluhan pa to saken pagdating sa pera.. Kuripot kasi...Ganun ba sya ka-atat dyan sa Ice cream na yan?
"O! Ano na? Dali bili na!! Binigay ko n ung pera ko diba?"
binalik ko ulit ung pera nya.. Hayy.. Di nga yata to maaasar ngayon.. Maya na lng. ^^,
"Ayan! Wag na..Joke lng naman un.. Tss.. Uto uto!"
"hah?"
"hah ka ng hah.. Hininga mo ang baho!"
"hoy! Di ah!! KakasipilyO ko palang nga eh..!"
Sasabunotan nya sana ako kaso bigla na akong tumakbo. Pagkapunta ko ng pagkapunta dun sa stall tiningnan ko sya.. Napangiti ako.. Pagsamalayuan parang tinatakpan nya ung bibig nya tapos biglang ilalagay sa may ilong pero ang totoo.. Inaamoy nya yung hininga nya. Sa totoo lng.. Ngaun lng ako nakaamoy ng ganung kabangong hininga.. Tss.. Oo tama kayu ng nabasa.. Sabi ko naman kasi na ang sarap nya ngaung asarin eh..

BINABASA MO ANG
Open Secrets
Teen FictionThere's this girl na tutulungan ang ate nya sa paghihiganti sa ex-boyfriend nito.Pero panu kung yung ate nya pala ay may dati ng plano sakanya..? I mean SAKANILA..?(malabo no?) haha Tatalaban kaya si Czae ng mga plano ng ate nya?