UNANG DADA NG MAY AKDA

483 24 9
                                    

"Fool's Gold"
© Copyright shainamey
All rights reserved 2015

Prologue

"Wow, Babe this is so sweet," masayang sabi sa akin nitong lalaki sa harapan ko. Nginitian ko siya at sinabing,

"Natutuwa naman ako at nagustuhan mo," sabi ko at ngumiti ng napaka-sweet na ngiti.

Dinala ko lang naman siya sa lugar na paborito ko. Sa isang garden na may isang lamesang naka-disenyo ng pang Valentines day at may mga kandila pa sa gitna nito at sa paligid na lalong nagpa-romantic dito.

Hindi naman kalayuan sa mesang ito ay may malaking puno na may tree house at nakasabit na swing na gawa sa kahoy. Kung titignan ang buong paligid, sobrang sweet... sobrang romantic ng dating.

"Well..." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at nakangiti, "I guess this means I can uhm.. kiss you, right?"

Nakangiti lang ako sa kaniya hanggang tumayo siya ng kaunti sa kinauupuan niya at nag lean forward sa akin. Lumapit siya hanggang halos isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. Ako naman ay nakangiti lang.

Lapit...

Lapit...

Lapit pa...

Pumikit na siya at handa nang gawin ang balak niya ng bigla akong magsalita.

"I'm breaking up with you,"

Parang tumigil ang oras, yung romantic na kantang kanina'y napakagandang pakinggan ngayon ay nawala na. Biglang naging mga insektong nag *k-kroo kroo* na lang ang maririnig sa paligid.

He smirked, pero halatang peke, before saying, "Why?"

Yung smirk niya biglang nawala. Halos magsalubong ang dalawang kilay niya. Naka lean forward pa din siya pero yung kaninang isang pulgadang layo eh apat na.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Inayos ko ang damit ko.

"Trip ko lang," tipid na sagot ko sa kaniya at iniwan siyang nakatanga doon.

[A/N: Play the music here while you read para may thrill! Just play the video.]

Sumakay na ako sa kotse ko at minaneho ito. Habang nagmamaneho, may tumawag sa phone ko. Good thing naka headset ako kapag nagmamaneho.

"Aww, kanina ka pa? Sooorry. Okay I'm on my way. Yes," malanding sabi ko at lumabas na naman ang ngiti kong hinding hindi gustong makita ng mga lalaki.

Dumiretso ako sa isang restaurant.

Naghihintay na ang date ko.

Bumaba na ako sa kotse at dumiretso sa loob. Tumingin ako sa phone ko at tinignan ang letrato ng lalaking kikitain ko. Agad namang lumabas ang kurbata sa gilid ng labi ko nang makita ko siya.

Naglalakad ako papalapit nang bigla siyang mapalingon sa direksyon ko, agad naman siyang tumayo.

"Hey, what took you so long?"

"May nadaanan kasi akong unggoy sa daan eh," malambing na sabi ko naman. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Nginitian ko lang siya. Tumango siya at nagsimula na kaming mag-usap.

Ako...

Ang nag-iisang girl almighty na wawasak sa puso ng mga manlolokong lalaki.

Fool's Gold [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon