Chapter 1

293 17 13
                                    

Hello! Noel is a girl po. Just so you know mwa

Chapter 1

Noel's POV

"Miss Ortega! Ngumunguya ka na naman ba ng bubble gum?!"

Napatigil ako sa pagnguya at napatingin sa student teacher namin. January ngayon kaya may ST kami. Problema na naman niya?

Tinitigan ko lang sya at ngumuya ulit. Makikita mong umuusok na naman ang ilong niya sa galit na lihim kong ikinatuwa.

"Itapon mo yan, ngayon na!"

Lagi namang sumisigaw 'to. Hindi ako bingi.

"Okay," tipid na sagot ko at idinura iyong bubble gum sa tapat ko at ngumiti sa kaniya.

Lalong bumilis ang paglabas ng usok sa ilong niya. Oo, nakikita namin iyon dahil magaling kami.

Halos nagpipigil ng tawa lahat ng mga kaklase ko. Goal namin? Ang mapaalis na siya dito dahil nakakabwisit ang ugali niya. Sinasadya kong ngumuya ng bubble gum kapag siya na ang nagtuturo.

Lumakad siya ng mabilis papunta sa direksyon ko at akmang sasakmalin ako. Sobrang galit na siya. Hah!

"Argh! Anong klaseng babae ka!!!" Sigaw niya sakin at akmang sasampalin na niya ako pero nagsalita agad ako.

"Subukan mong saktan ako at hindi ka na makakapagturo kahit saang school man yan dahil siguradong hindi ka gagraduate kapag nagkataon," sinabi ko iyon nang hindi siya tinitignan.

Napatingin siya sa kamay niya at kaagad na binawi iyon.

"Punyet--"

"Huwag mo rin akong mumurahin dahil hindi mo ako pinapalamon,"

Halos lahat ng 4th year students sa buong CH (Cowell High) ay takot sa kaniya eh student teacher pa lang naman siya.

Tumayo ako dahil ayokong nakatingala sa isang tao. Ano ako, fan? Nang makatayo ako, lalo akong natatawa pero pinipigilan ko nang makita ko ang mukha niya Mapapansin mong namumuo na ang luha sa mga mata niya.

"Aww, naiiyak ka na oh," pang-aasar ko sa kaniya at nag pout pa ako ng kaunti. Ngumiti ako at tumawa ng mahina, "Ano na?"

Pumatak na ang kanina pa niya pinipigilang luha. Napa 'Woooaaah' naman yung mga kaklase ko na naging dahilan para tumakbo siya sa table niya at kinuha ang bag niya pagkatapos ay mabilis na naglakad palabas ng classroom namin habang pinupunasan ang luha niya.

Sabay sabay naman na pumalakpak ang mga kaklase ko at sumigaw.

"Noel! Noel! Noel!"

Umupo naman na ako pagkalabas niya. Biglang nagsalita ang class president namin at sinabing, "Oh, paano, vacant!"

Edi masaya sila.

"N-Noel, a-ang galing m-mo kanina," nangangatog na boses ang narining ko mula sa likod ko. Awtomatikong nagsitaasan ang mga balahibo ko sa leeg.

Ramdam ko ang hininga niya. Ang lapit! Sobrang lapit niya sa leeg ko.

"Umurong ka o papatayin kita," nakapikit na bulong ko naman na saktong maririnig naman niya. Narinig ko ang upuan niyang gumalaw, umurong na siya.

Ganun siya kalikot umupo.

At kung iniisip niyong nerd siya, tama kayo. Tignan niyo naman ang mukha niya! (If you're on web it's on the right side if you're on mobile it's on the top)

Humarap ako sa kaniya na magkasalubong ang kilay, siya naman eh nakangiti lang kagaya ng ngiti niya sa picture.

"A-Ako nga pala si--"

Fool's Gold [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon