Chapter 3.1

148 11 0
                                    

Chapter 3.1

“Shampoo nga po, Ate Tessa pati isang conditioner,” alam na ni Ate Tessa kung anong brand yun.

Nakasakbit ang tuwalya sa balikat ko at ang gulo gulo pa ng buhok ko, sanay na din si Ate Tessa na makita akong ganito, bagong gising. Suki ako nyan eh.

Iniabot niya ang binili ko at nagbayad na rin ako. Maayos na sana ang lahat pero paglingon ko para umuwi..

“Anong ginagawa mo dito?!”

Itinakip ko ang tuwalya sa dibdib ko. Aba, nakasandong puti lang ako at shorts! Di nako nagpapalit ito yung mga pandoble ko kapag naka-uniform ako.

Naka-under garments ako ‘wag kayong ano huy.

“Hindi ka man lang nagsusuklay bago lumabas ng bahay?”

Nanlaki ang mata ko, napahawak ako sa counter ng tindahan ni Ate Tessa.

“Psh,” sabay irap.

Napataas ako ng kilay sa ginawa niya. Bakla ba ‘to?

Lumapit siya ng paunti-unti..

Nanlaki lalo ang mata ko at napadiin sa pagkakatakip ko ng tuwalya sa dibdib ko.

‘Wag kang lalapit, magsisisi ka!

Sigaw ko sa isip ko.

Hinubad nya ang jacket nya at..

“Aray ko!!!!”

Sinipa ko siya dun sa tiny bubbles niya sabay takbo.

Nice one, nice one!

Naka-smirk na sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo. Mabilis din akong nakarating sa bahay at nilock ang mga pintuan.

Bwisit na Eric! Feeling Kaizer talaga!

ITUTULOY BUKAS CHILL LANG

Fool's Gold [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon