Chapter 2

202 16 0
                                    

Chapter 2

Napalunok ako at nagbabalak na humakbang papalapit sa kaniya.

At sa kabutihang palad, nagawa ko namang humakbang ng isa.

“Tao ka! Wala naman akong third eye eh!” sigaw ko sa utak ko. Kinakabahan talaga ako.

Nang hahakbang ako ng isa pa...

“AAHHHH!--”

Huh?

Napatingin ako sa kaniya...

Niyakap niya ako.

Akala ko noong una, susunggaban niya ako. Pero hindi, umiiyak siya at niyakap niya ako. Wala sa katinuan ko siyang tinignan, at naramdaman ko na lang na may pumatak na luha mula sa mga mata ko.

Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

*1 ½ years earlier*

“Sige na kasi! Ilibre mo na ako sa Starbucks! Hindi pa ako nakakain doon eh!” Pagmamakaawa ko kay Zoey — pinsan kong sosyal, kakauwi lang galing sa Guam. Oo, Guam lang. Amerika na din yun.

“Hays sige na nga!” Nayakap ko tuloy siya ng wala sa oras. Wala akong best friend, siya lang ang pinagkukwentuhan ko sa mga nangyayari sa akin. Siguro siya na din yung best friend ko. Best friend na, pinsan pa!

Habang naglalakad kami papunta sa Starbucks Coffee shop, nagdadaldalan kami.

“Gusto kong ma-meet yung pinagmamalaki mong boyfriend sa akin ah,” nakangiting sabi nya sakin. Napangiti naman ako lalo.

“Oo naman no! Basta promise mong hindi ka maiinlove sa kanya dahil ang gwapo gwapo talaga niya!”

“Ano ka ba, ikaw pa ba ang tatalunin ko?” Oo nga naman.

Nang makarating na kami sa shop, umupo muna kami. Tinanong niya ako kung ano’ng gusto ko...

“May fries ba dito? Iyon na lang atsaka cheese burger,” pero pagkasabi ko noon, hindi naman siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakatakip ang bibig niya gamit ang kamay niya.

“B-bakit?” tanong ko.

Pinipigilan niya ang tawa niya. Nag sign siya sa kamay niya na lumapit ako, habang yung isang kamay niya eh nakatakip pa din sa bibig niya.

Nag lean forward naman ako.

“Walang ganun dito, coffee shop ‘to,” bulong niya sa akin.

Dahan-dahan naman akong lumingon sa paligid kung may nakarinig sakin..

Napahinga ako ng malalim nang mapansin kong wala naman.

“Alam mo namang first time ko dito eh,” pag depensa ko naman sa sarili ko.

“Chocolate chip frappe na lang,” sabi niya sa akin at tumango na lang ako.

Nakalipas ang ilang minutong pagtatambay namin sa Starbucks...

“Bakit ba, babe?!”

Napataas ang isa kong kilay nang marinig ko yung babae sa likod ng table namin.

“Basta umalis na tayo dito!” pabulong pero naiinis na sabi ng lalaki.

“Ayoko, tinatamad pa akong tumayo eh!”

Napalingon na ako sa pagkairita ko sa kanila. Ang lalandi naman ng mga ‘to!

“Ayokoooooo” maarteng sabi nung babae kaya tumayo na ako.

Fool's Gold [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon