Hindi ko alam kung among nangyaring himala at Hindi ako kinukulit ng best friend ko ngayon hindi na rin siya nakisama saamin kanina kahit maaga naman siyang dumating, iniwan lang niya yung bag niya sa upuan which is sa tabi ko (halos sa lahat ng subject namin kami ang magkatabi- boy-girl-boy-girl kasi ang seating arrangement namin at usually kami ang nagdecide kung kanino kami tatabi, at yun nga automatic na kaming dalawa agad ang pinagtatabi kahit naman mga teachers nmin nagdedecide ganun pati ang nangyayari) so yun nga paglapag na paglapag palang niya ng bag niya lumabas din kaagad siya at pumunta ata sa office nila oo office nila President kasi siya ng SSG ng school at may sarili silang office.
Hindi manlang ako nabati o baka Hindi niya lang ako nakita? Pero hindi eh kasi kahit na magkatabi na kami sa upuan hindi parin niya ako kinakausap nakikinig lang siya tapos nagrerecite sabagay ano pa bang iniexpect mo sa top1 ng klase diba?
Makikinig na nga lang din ako nakakahiya naman sa katabi ko na sobrang focus.
Brrrrrrz
Brrrrrrz (tunog po ng buzzer)
Ayun recess na...
Me: Tara cant...
Hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko tumayo na agad tong katabi ko.
Uno: Tara Sess, canteen tayo libre kita ng cloud9 yung malaki😊
Me: hehehe sige salamat😊 pero kahit di mo naman na ako ilibre ok lang naman sakin. Si dad nagbigay ng baon ko ngayon *wink
Alam kasi ng barkada ko na mas galante magbigay ng baon si Dad compare kay Mom.
Saka alam ko naman na yung kaibigan ko medyo tight din sa budget, after all sa public school ako nag aaral kaya ayaw ko talaga nagpapalibre sa kanila.
Uno: ano ka ba minsan na nga lang ako mag aya tinaranggihan mo naman agad
Me: eh, kasi naman baka allowance mo pa yang pera mo sa buong week?
Uno: Tara nalang kasi.
Inakbayan pa ako habang patulak papuntang canteen.
Me: Bakit dito? Eh mas malapit naman dun sa kabilang canteen?
Uno: ano kasi, ahhhh walang cloud9 dun.
Me: huh?, eh kakabili ko lang dun kahapon ahhh, meron pa naman dun?
Uno: naubos na kanina, oo naubos na kanina binili ata lahat nung mga 3rd year..
Yung homeroom kasi namin nasa gitna ng campus tapos sa right side ng room namin nandun yung SSG office mga few walks away lang, tapos katabi naman ng SSG office ay yung H.E room ng mga girls tapos canteen na, unfortunately hindi kami dun bibili ng snack, dahil sa kabilang canteen naman ako dinala ng isang to. At ang nakakasad lang eh sobrang layo pa ng lalakarin namin... Ano kayang meron sa lalaking to. Siguro may ina eye na naman to sa ibang section.
Me: naku Uno ha, wag mong sabihin may crush ka na naman sa ibang section? Hayyy naku talaga. Alam ko na yang mga galawan mo. Kunwari ka pang good boy ahhh, tsk tsk tsk.
Uno: *kotong sa noo Grabe ka mag isip ahhh, wala akong crush sa ibang section ok?
Me: OMGeeeeee, you mean wala kang crush sa ibang section dahil classmate natin ang crush mo? Yieeeeee sino? Sino? Tell me please..
Uno: wala nga!!! Kulit
Me: eiiiiii totoo nga?
Uno: hayyyyy the ever kulit Kisses.
After naman naming bumili, nagdecide nalang kami na sa canteen nalang din kami kumain. Tapos 5mins. before ng next subject saka palang kami bumalik ng room. Sakto namang pag upo na pag upo namin saka dumating yung subject teacher namin.
Ganun padin yung katabi ko sobrang tahimik, hindi ko na din naman siya kinausap. Bahala siya diyan!!
Pero ngayon lang talaga siya naging ganito ka focus. Dati naman kapag hindi nakatingin yung teacher namin kung anu anong pangungulit ang ginagawa ng isang to, merong hihingin niya yung kamay ko hahawakan tapos mararamdaman ko nalang na sinusulatan niya ng kung anu ano o kaya magddrawing siya sa palad ko. Kaya lagi akong may dalang alcohol. Pambura sa ink ng ballpen sa kamay ko.
O kaya magrereklamo siyang inaantok kaya ipapapisil niya yung kamay niya para dw magising siya.
Pero ngayon sobrang iba, hindi man lang niya ako nagawang pansinin. Hindi nga din na nagawang tumingin man lang.
That feeling na 'You are so near' dahil literal na magkatabi kami 'yet so far' dahil it seems that I no longer exist in his world.
BINABASA MO ANG
It started with a Dare
FanfictionI dare you not to fall inlove with me.. But There is someone who loves someone honestly but is afraid to admit. And I'm that someone.