Naglakad na kami ni Uno papuntang baranggay hall nang hindi nagkikibuan.
Well I know naman na nag-aalala lang siya sakin. Pero my pride this time took over. Masakit palang ma real talk. Hayyy... Tama naman si Uno madalas wala naman talaga akong dapat antayin, but I keep on waiting. Siguro dahil I am used to it.
Pagdating namin sa hall bigla akong natakot. It's the first time na makita kong galit ang expression ng mukha ni Uno and he's starring kay Tony. I look at his eyes na para bang kinakausap siya na 'ok lang ako, wag ka nang magalit'.
"Doon ka na sumama kila Elly, wag kang lalayo sa grupo nila."
Si Elly or Elsie ay kaklase nming bakla. Well I guess ayaw na muna akong pasamahin ni Uno kay Tony kahit kay Irah.
"Ok"
Good thing may kaklase kaming taga dito kaya meron na kaming mapag iiwanan ng gamit. Hindi na namin kailangang mag bitbit ng mabigat pa akyat sa mga bundok bundok na naman. Matatapos naman na daw kami before lunch kaya okay lng na iwan namin mga baon namin. Tubig nalang saka payong ang kailangan kong dalhin.
"Elsie, sama ako sainyo huh? Nga pala bie you know naman na hindi pa ako nakakapag hike ever. Hihi wag mo akong iwan huh?"
"Don't cha worry girl I'll got your back. Saka baka pag iniwan kita, hindi na din ako makauwing buhay."
Si Elly kasi yung baklang hindi maarte, hindi rin siya yung closet gay. Sabi nia kasi hindi naman daw siya bagay mag inarte dahil sa financial status nila, Elly grew up sa bundok kaya nga sanay na sanay siyang umakyat. Kahit parang impossible na na madaanan dahil sobrang tarik na, parang sisiw lang sa kanya. And yeah never niya akong pinabayaan.
Noong nakarating na kami sa tuktok madami ng students ang nauna samin yung iba tapos na magplant. Tapos na sila agad, grabe naman tapos kami mag uumpisa palang lima pa naman yung kailangan naming itanim bawat isa. And speaking of itatanim, men!!!
"Hala!!! Elsie naiwan ko yung seedlings ko soon sa truck. Shunga shunga ko talaga, paano na yan?, eh diba titingnan mamaya ng principal kung saan saan natin itinanim? Bakit kasi di mo ako sinabihang wala akong dala?"
"Aba, Malay ko sayo. Ang pabebe mo masyado. Kasalanan ko pa? Tanong mo dun sa jowa mo."
"Eiiiiii... Wala ako nun, so you mean wag na akong magtatanong?"
"Ewan ko sayo!!! Bahala ka dyan"
"Elsie naman kasi eiii.. Ano ngang gagawin ko?"
"Antayin mong may tumawag sayo."
Aba, tamang iwan ako?? Minsan kasi talaga shunga din ako. Ayan tuloy. Malaking problema to.
"Kisses!!"
Nagulat pa ako nung nalaman ko kung sino tumawag sakin.
"Ahhhh, Bakit?"
"Itong limang to, ito yung sayo."
Tinuro niya sakin yung mga plants na nakatanim na..
"Huh?"
"Sabi ko, kapag tinanong ka kung saan yung mga tinanim mo, into yung ituro mo."
"Ehhhh, hindi naman ako nagtanim niya ah."
"Ako nagtanim niyan, para sayo."
"You don't have to do that Uno."
"But I WANT to do it."
"Ok then, salamat."
"Magpahinga ka nalang muna dun sa lilim ng puno."
Hayyy, yung nag hike ako dito para magpahinga? Yun lang talaga ipinunta ko dito?? Sana pala di na ako sumama?
Galit padin si Uno sakin, pero hindi niya talaga ako magawang pabayaan. Si Tony? Ayun busy na naman well, andami naman kasi niyang responsibilities.
"Ohhh, problem solved ka na ba huh? Sabi ko naman sayo diba, antayin mo lang na may tumawag sayo."
"Tapos ka na bang magtanim huh?"
"Oo naman, ako pa ba? Ikaw nga dyan ang tapos na, kahit hindi ka naman nagtanim."
"Sympre, wala naman akong itatanim."
"Kasi nga may nagtanim na para sayo."
"So?? What's your point?"
"Well, I'm just saying you're special"
"Ano ako halo-halo?"
"Alam mo, minsan try mo ding maging sensitive, kasi mahirap kapag manhid ka."
" tsss, baliw ka ba?? Pinagsasabi mo??"
"Wala!! Bahala ka na dyan."
After macheck ng principal kasama ng mga teachers at mga SSG officers ang mga natanim na mga plants pinayagan na din kaming bumaba para makapag lunch na.
Pagdating namin sa baranggay hall isang truck nalang yung nandun. Ito yung truck na gamit ng mga teachers at ng principal.
Sabi samin na kailangan na daw namin maglakad pauwi dahil wala na kami masasakyan pababa, pero pagdating naman daw namin sa patag pwede na kaming sumakay sa mga sasakyan na bumabyahe.
Naglunch lang kami saka magpahinga kunti bago naglakad.
BINABASA MO ANG
It started with a Dare
FanfictionI dare you not to fall inlove with me.. But There is someone who loves someone honestly but is afraid to admit. And I'm that someone.