Last subject na namin ng afternoon nang may nag announce na teacher na mag ttree planting dw kami sa Friday at Saturday.
Teacher: so, kailangan niyong magdala ng mga seedlings at least 5 each. This is your responsible since graduating na kayo. Isipin nalang natin na it's your way of giving back to mother nature.
Thank you, have a nice day.After lumabas ng teacher namin dismissal na din namin.
Andami ko namang ganap ngayong weekend iniisip ko palang exhausted na ako.
Friday Saturday- tree planting
Sunday- trip na din ni kuya.
Wednesday na din ngayon at hindi ko alam saan ako kukuha ng seedlings na dadalhin ko sa Friday.
Sumabay pa tong best friend kong snobber.
Uno: alam ko kung para saan yang paghaba ng nguso mo.
Me: Hmmmmmmmmm, ok lang ako.
Uno: don't worry, ipagdadala kita ng seedlings... Madami sa likod bahay. Alam ko namang wala kang mahahanapan at kung meron man malamang wala ka na ding time kumuha.
Me: :) salamat, dami ko nang utang sayo tuloy.
Babawi ako sayo for sure.Uno: Hindi na ako kokontra. Alam ko namang hindi na kita mapipigilan diyan.
Uuwi ka na ba?Me: ahmm. Hindi pa. Babalik pa ako sa room para ayusin yung mga gamit ko dun mahirap na baka magkawalaan pa..
Uno: Gusto mo samahan na kita? Wala ka nang kasama.
Me: Naku naku Uno huh, alam mo naman na ayaw na ayaw kong nang iistorbo ng iba.
Uno: aray ko naman (hawak dibdib) iba ba ako sayo? Tandaan mo Ses magkaklase na tayo simula preschoolers palang tayo.
Oo simula 6 years old palang kami magkaklase na kami hindi nga kami naging close nung elementary dahil lagi ko pang kasama yung best friend ko na si Leah. At iba pa naming girl friends.
kaso netong High school sa ibang school nag enroll yung mga girls na ka klase namin.
Nagtataka nga din sila kung bakit dito ako nag enroll eh afford naman daw ng family ko na sa private o kaya sa laboratory High mag aral.
Isa pa top 4 ako nag graduate ng elementary. Kaya ko naman daw makapasa dun.
Pero bakit nga ba ako nandito?
Ito kasi ang pinakamalapit sa bahay pwedeng pwedeng lakarin. Saka dito ako masaya, nandito kasi ang happiness ko.
Yung crush ko simula elementary, yung top 1 lagi sa class namin. Top 1 din sa puso ko.
Naalala ko na naman tuloy yung exam day namin. 2nd batch kasi kami noon. Sila Uno, Toni, Dos at iba pa naming classmates na lalaki nung elementary.
Maaga kami dumating nun sa school, para daw hindi kami stress at mapressure.
Kasabay ko naman ang ibang mga kaklase naming babae.
Pagdating namin sa school nakasalubong naman namin yung mga boys na kakatapos lang may exam. Wala pa atang 30 minutes nag exam yung mga yun. Yung iba namang kasabayan nila nag eexam pa..
So inisip ko naman, baka madali lang yung exam.
Pero oh my gosh... Sobrang naging active ng braincells ko that time.Tapos nung first day of school check muna namin kung anung section namin, kasama ko padin mga kaklase naming girls noon. Inuna namin ang section C dalawa sa mga kasama ko nandun ang pangalan. Sunod naman section B wala padin pangalan ko, pero lahat na silang tatlong kasama ko nandun ang pangalan.
That time sure naman akong hindi ako mapapabilang sa section D. Kaya pumunta na ako mag isa sa section A. Ang order kasi ay base sa result ng exam kay from bottom yung magccheck ko ng mga names. Number 3 yung pangalan ko that time.At automatic na hinanap ko agad yung pangalan ni Toni sa line up ng mga boys kaso wala.. Agad akong pumunta aq section B para icheck kung nandun pangalan niya.. Kaso wala padin.
Nawalan na ako nagpag-asa nun at naisip ko na baka nag enroll siya sa ibang school.
Bad trip pa kasi wala akong kakilala sa mga kaklase ko ngayon.
Tapos nalaman laman ko na tong mga pasaway na mga lalaki na to. Naghula hula lang sa exam nila. Kaya bumagsak sila sa lower sections.
Pero since valedictorian nag graduate si Labrusca kaya pinag usapan pa sa principal's office ang status niya.
Kaya nagulat nalang ako nung pumasok siya after 30 minutes sa homeroom namin.
Si Uno yung top2 namin nung elementary, kaso wala na talagang nagawa yung adviser namin ng first year dahil sobrang baba ng score nila sa entrance exam namin.
Pero since matalino naman talaga tong si Uno pati na din si Dos naging maganda naman yung grades kaya naging section A na din sila simula nung second year.
Kaya din kami naging mag best friend ni Toni dahil wala kami parehong choice kundi ang isa't isa.
Kahit na nakikipag kaibigan naman na kami sa iba. Nagkaroon kami ng inseparable bond. Dahil sa isa't isa lang kami nagbigay ng full trust.
Uno: Hulaan ko, iniisip mo best friend ko?
Me: ahahahahha best friend mo lang? Best friend ko din yun.
Uno: Siya nga.
Me: paano mo nahulaan?
Uno: ngiti ngiti ka kasi dyan ei.. Kala mo naman kayo, kung kiligin ka dyan ei.
Me: loko!! Hindi ako kinikilig noh, naalala ko lang yung entrance exam saka yung first day of school. Mga kalokohan niyo kasi.
Uno: kaya nga eh, sana inayos ko nalang yung pag take ko ng exam. Baka ngayon tayo na ang mag best friend. Hindi ka na sana na hihirapan ngayon. I was too late.
Me: huh?
Uno: wala, Tara na nga...
BINABASA MO ANG
It started with a Dare
FanficI dare you not to fall inlove with me.. But There is someone who loves someone honestly but is afraid to admit. And I'm that someone.