• • •Aekho's POV
Maganda!
Yan lang ang masasabi ko sa school na 'to. Ok lang naman pala pero taena lang, wala dito besfriends ko eh. Marami naman siguro akong makikilalang bagong kaibigan dito pero puro ata maarte tao dito eh. Pasosyal! Psh!
Buti na lang at nakita ko na ang room ko kasi kanina pa ako naghahanap eh. . Pagpasok ko sa loob lahat ng mata nakatingin sakin, alam mo na. Kapag talaga malakas ang dating mo mapapatingin sayo ang tao. Hahaha!
"So, since you're already here.." sabi nung teacher. May teacher na pala, buti nalang transferee ako kaya hindi pa ako papagalitan. Yeah! Transferee!
"Please introduce yourself na." dagdag pa nito.
"Louise Aekho Vaughn at your service." syempre in a cool way ko yan sinabi. Wala naman na akong sasabihin kaya umupo na agad ako, bale sa pinakahuling upuan ako umupo. Ok na din, para kahit matulog ako hindi ako makikita. Hahaha! Ganon lang yun, porket estudyante ka aral lang. Dapat maloko ka din minsan, pero ewan ko lang sa inyo. Ganon ako eh. HAHAHA!!
Puro pagpakilala ang ginawa namin hanggang mag break time, akala mo first day of classes pero hindi. Para daw makilala ko yung mga ka-klase ko. O.A eh no?! As if naman makikilala ko na agad sila eh ang dami nila.
Sinundan ko lang ang mga ibang students na papuntang canteen kasi nga you know transferee nga diba!?? Malay ko ba kung saan ang canteen dito eh ang laki-laki ng school na 'to!
Ng makakuha ako ng kakainin, naghanap agad ako ng mape-pwestuhan. At swerte ko naman at nakakita agad ako, binilisan ko ang lakad kasi meron ng papunta sa pwestong yun. Pero ang nakakapagtaka lang eh nilagpasan nila ito. Ehh??
Pagka-upo ko, all eyes are on me! The hell! Anong problema nila!?
Di ko nalang pinansin at nagsimula na akong kumain, mamaya pang 10 am ang next class ko eh base sa schedule ko.
Napatigil ako sa pagkain kasi bigla na lang nagtiliian ang mga tao dito. Seriously?? Ano 'to, katulad sa wattpad na pag may dumating na hearthrob magtitilian!?? Ganon!?
"Hi miss!"
Ako ba? Tsk! Assumera! Ako?? MISS?? Upakan ko pa sila eh.
Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ang pagkain.
"Ay! Suplada bro!"
Nagulat ako kasi umupo sila sa pwesto kung saan ako nakaupo, tinignan ko ang paligid wala na palang vacant table kaya sila umupo dito. Ok lang naman eh, pero ang nakakapagtaka ULIT, nakitingin na naman lahat ng estudyante sa pwesto namin. Ano ba talaga problema ng mga 'to? Sarap dukutin ng mga mata nila eh!
"Newbie??" tanong nung lalaking nasa tabi ko. Oo sa tabi ko!
Tumango lang ako sa kanya.
"Alam mo ba kung kanino 'tong table na inuupuan mo?" tanong nya ulit.
"Hindi, newbie nga diba? Seryoso, asan ang utak mo?" bigla syang naiinis. Totoo naman kasi eh parang tanga lang diba??
"Hindi mo ba ako kilala??" tanong nya ulit. Tinignan ko lang sya habang nakataas ang kilay ko, saying na sobrang stupid nya. Hindi lang sobra, SOBRA-SOBRA.
"Hindi, newbie nga diba? Seryoso, asan ang utak mo?" ginaya ng iba nyang kasamahan yung sinabi ko kanina tapos tumawa sila ng malakas. 'Tong isa naman sobrang inis na inis na. Napangisi na lang ako.
Susubo na sana ako pero laking gulat ko kasi biglang may umagaw sa kutsara ko, kinuha nya din yung pinggan ko tska deretsong tinapon sa basurahan. Biglang nagdilim ang paningin ko, ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay binabastos ako habang kumakain.