• • •Aekho's POV
"ATE! WAKE UP!"
..
.
.
.
"ATEEEE!"
"Baby, Im still sleepy. Give ate five more minutes." sabay talukbong ng kumot ulit.
"Ok, sasabihin ko na lang kay kuya na ayaw mo pang gumising. Para mabuhusan ka ulit ng malamig na tubig. Want that ate?"
Napabangon ako ng di oras sa sinabi nya. Hayss! Kainis naman kasi si kuya eh.
"Ok, gising na si Ate. Sabihin mo na sa kuya mong panget!"
"Ate! Kung panget si Kuya, edi panget ka din. You're siblings right? Haha."
Lakas din mang-asar ng batang 'to eh.
"Sige mang-asar ka lang little bro. Wala kang matatanggap na poster ni Curry galing sakin. Nakabili pa naman na ako, mga limang posters yun." ngumiti ako. Favorite player nya kasi si Stephen Curry.
"Ate, bakit kahit kagigising mo lang ang astig mo pa din? Nakuha mo na si Mackey diba? Buti naman ate, si kuya panget kasi eh." sabay yakap sakin. Hahaha.
"Bibigay ko sayo yung posters mamaya." sabay tungo ng banyo ng kwarto ko.
"Really!? Cool! Thanks Ate! Labyuu!" sabay yakap ulit sakin.
***
After kong maligo, bumaba na agad ako para kumain. Si kuya, aba malay ko sa panget na yun.
"Ate, where's my posters?" sabi ni Louie.
"Kunin mo na lang sa kwarto ko baby ok. Ate is going to be late." hinalikan ko sya sa cheeks nya. 3 years old plng sya pero nag-aaral na sya ng daycare. Mapilit eh.
"Ok ate, take care." sabay takbo sa taas. Excited basta tungkol sa mga merch ni Curry.
***
Pagpasok ko ng room namin, nakatingin na naman silang lahat sakin. Psh! The hell I care. Dapat pala masanay na ako na lagi nila akong tinitignan.
Pumwesto naman ako sa pinakadulong upuan para kung sakaling makatulog ako hindi ako makikita. Ayos! ^__-
Lecture...
.
Lecture...
Hanggang sa...
*Bell Rings*
Yes! Break time na! Mahfeborritsabjek! Hahaha! Shhh! Salita yan ng mga astig kagaya ko.
Nagtungo agad ako ng canteen, habang naglalakad ako papuntang pila as usual nakatingin na naman sila sakin, kelan ba sila magsasawa?
Ng makuha yung order ko, naghanap na agad ako ng vacant table pero hindi na ko pumunta sa table DAW nila panda kunno. Baka masapak ko na naman sy~~
Di ko alam ang nangyari, basta ang alam ko lang nabuhos sakin yung coke na nakabaso na order ko tapos yung spaghetti naman nasa ulo ko na. Tapos yung chocolate cake naman napahid sa tshirt ko tsaka sa mukha ko.
"Serves you right bitch!"
Napatingin ako sa kanya, maganda sya, maputi, mahaba ang buhok, sexy. Chicks na chicks mga tsong, maamo ang mukha pero pag nagsalita na . .PWE! Dahil nako-control ko palang ang pagka-inis ko sa babaeng 'to, nagawa ko pa ring magsalita.
"Sagutin mo ako ng maayos habang nakakapagtimpi pa ako sayo." sinamaan ko sya ng tingin. Napaatras naman ang bruha. Napangisi ako.
"Unang tanong, anong pangalan mo." natawa naman sya sa tanong ko. Yung parang di makapaniwala sa tanong ko.