" Forbidden LOVE " ep.1

95 1 0
                                    

Masarap magkaroon ng minamahal.. Lalo na't yung taong minamahal mo, e minamahal ka din. Ngunit paano kung ang pag-ibig na matagal mo ng hinihintay.. sa iba mo pa matatagpuan . . .

* * *

              Ako si Aliyah... Dati ng umasa, nagmahal at nasaktan. Simple lang naman ang gusto ko, ang ipakilala ako sa pamilya ng taong gusto ko. Mahirap ba yun? Hindi kasi naging ganun ang ex-boyfriend ko.

            Hanggang sa nakilala ko sya.. Ang tao na halos ginawa na ang lahat , maksama lang ako.. 

kahit mali, kahit hindi tama . . .

           Lunes noon, ng makilala ko si Alex. Nasa isang coffee shop ako , umiinom ng kape na paborito namin ng ex-boyfriend ko. Halos araw-araw nandun ako, binabalikan ang ala-ala na nabuo sa lugar na yun.

          Habang umiiyak ako, may narinig akong nagsalita sa likod ko...

" mis okay ka lang? "

         Lumingon ako sa likod ko, at napa-isip sa nakita ko. Nakatayo sya at may hawak na panyo. Kinuha ko ang panyo na inabot nya. At sya naman ay umupo sa harap ko, nakatingin lang sya sakin at wari may gustong sabihin. Agad akong tumayo at nagmadaling umalis, dala ang panyo na inabot nya sakin. . .

* * *

          Ako si Alex , may-ari ng isang coffee shop. Sa coffee shop ko din nakilala ang babae'ng minahal ko ng sobra. Siya kasi ang taong nagparamdam sa akin na 'di ako iba, na mahalaga ako sa kanya.. kaya naman minahal ko sya ng sobra. Maraming may ayaw sa relasyon naming dalawa, at Kahit simbahan tutol sa'min. Pero hangga't kaya ko, ipaglalaban ko sya. Hangga't mahal pa nya ako, di ko sya bibitawan.

         Sa coffee shop ko sya unang nakita, madalas kasi sya doon. May kasamang isang lalake.

Unang kita ko palang sa kanya, humanga na ako. Ang ganda nya kasi, lalo na kapag makikita mo syang naka ngiti.

         Lumipas ang anim na buwan , madalas ko na syang makitang mag-isa. Hindi ko na din nakikita yung lalake na madalas nyang kasama sa aking coffee shop. Madalas ko na din syang nakikitang malungkot, at laging umiiyak..

       Lunes ng araw na yun at malapit na ako mag-sara. Nakita ko nanaman sya.. Sa upuan kung saan dun ko sya unang nakita. Malungkot .. at tanging luha ang makikita mo sa kanyang mga mata. Nung araw na yun nilapitan ko na sya. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at inabot sa kanya. Sinubukan ko syang tanungin...

" mis, okay ka lang? "

          Ngunit hindi sya nagsalita . Maya-maya kinuha nya ang panyo na inabot ko at pinunas nya agad sa mga mata nya. Natuwa naman ako... Agad syang tumayo at nagmadaling umalis. . .

* * *

" Aliyah ! "

Paggising sa akin ni Mama.

" Aliyah, mag e-eleven na! at hindi ka kumain ka-gabi. Bumangon ka na at kumain.."

" Opo.. "

      At agad naman akong bumangon. Halos naka-tulog pala ako kakaiyak ng di ko man lang namamalayan ang oras. 

     Naalala ko ang panyo, Kaya naman binuksan ko ang bag ko at kinuha ko sa loob . Bigla ko naalala yung may-ari ng panyo na hawak ko. Para kasing may mali sa kanya..

      Nagmadali akong naligo at nag bihis, nagbabaka-sakali  na makikita ko sya.. Para maisauli ko na rin yung panyo sa kanya. Pero ewan ko ba kung bakit gusto ko syang makita.. Siguro dahil, nahihiwagaan ako sa kanya. . 

* * *

( 12:15pm - Coffee shop )

          Habang nasa labas ako, hindi komalaman ang gagawin ko. Nakita ko na kasi sya sa loob. Medyo nahihiya ako humarap sa kanya at makita ako. Nakita na nya kasi akong na umiiyak, kaya medyo nahihiya ako humarap sa kanya...

" Bahala na nga! "

          Agad na akong pumasok sa loob, at tumungo sa kinaroroonan nya. Tulad ng unang kita ko sa kanya, naka-ngiti sya sakin... Agad kong kinuha sa bag ang panyo at inabot sa kanya. . .

" Ahmm.. salamat . . "

      Nahihiya kong sabi sa kanya.

" Ayos lang, wala yun. " 

     Tugon naman nya.

" Okay ka na ba? Sana Oo.. " 

      At sabay ngumiti. Ewan pero, napangiti ako ng sabihin nyang "sana Oo"..

" Medyo, pero.. mas okay na ako ngayon, kesa nung una mo akong nakita. "

     Hindi sya boring kausap. Habang nagkukuwento sya, nakikinig lang ako at naka-tingin sa kanya. Hanggang sa. . . 

" Teka, ano nga pala pangalan mo?  Hindi ko kasi alam itatawag sayo. "

" Aliyah.. "

    Sagot ko sa kanya..

" e, ikaw ? "

" Alexandra.. "

          Bigla akong natahimik at napa-isip . . .

" Hmm,... Bakit? natahimik ka ata.."

" Wala naman. Medyo naguluhan lang ako.. Hehe .. "

" Ay, sorry.. Akala ko kasi alam mo na. Kung tignan mo kasi ako akala ko alam mo na.. "

" Dont tell me. . "

     Hindi pa tapos ang sasabihin ko, agad na syang nagsalita..

" Oo, lesbian ako Aliyah.."

        Agad nyang sabi sakin. Salitang nagbigay linaw sa isip ko. Kaya pala sa tuwing titignan ko sya sa mata, wari may iba sa kanya. . .  

( ITUTULOY . . . . )

" Forbidden LOVE "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon