" Forbidden LOVE " ep.3

27 1 0
                                    

( 3 days after.. )

" Lola, si Aliyah po, girlfriend ko.."

               Nakita ko ang ngiti sa labi ni Aliyah nang ipakilala ko sya kay Lola. At si Lola naman ay ganun din.

" Ija, kumain ka na ba? Nga pala, kapag sinaktan ka ng apo ko.. huwag kang magdadalawang isip na pukpukin sya sa ulo ha? "

               Ganun lagi ang nagyayari sa tuwing pumupunta si Aliyah sa bahay. Lagi silang nagkukulitan dalawa. Kaya naman sa tuwing pinagmamasdan ko sila, natutuwa ako...

               Ngunit , Hindi araw-araw ay masaya ang nangyayari . Andyan na yung pinag-uusapan kami. At ang mga mata nila sa amin naka-tingin. At madalas ganun ang nangyayari.

* * *

               Sa tuwing lalabas kami ni Alex para mamasyal, lagi kaming pinagtitinginan. Kaya naman, mas hinihigpitan ni Alex ang pag-hawak sa kamay ko . . .

" Huwag mo silang pansinin, inggit lang sila.."

                At sabay kindat sa akin. Hanggang sa dumating ang kinakatakutan namin . . .

" Ano?! "

             Pasigaw na sabi sakin ni Mama ng sabihin ko na kami na ni Alex..

" Nahihibang ka na ba Aliyah ?! Ano ba pinakain sayo ng Alexandra na yan, Ha Anak ?! "

" Pero Ma.. mahal ko po si Alex. "

" Aliyah ! Anak ! Alam mo ba yang sinasabi mo?! Si Alex babae ! Kahit anong bihis nya ng polo shirt o kahit anong palit nya ng maong, babae pa din sya .."

" Alam ko po.. At tanggap ko yun. Ma.. kahit ganun po si Alex, naramdaman ko sa kanya yung di ko naramdaman kay Alvin noon.. "

" Walang patutunguhan ang pag-uusap nating ito. Layuan mo si Alex, kung hindi.. ipapadala kita sa Tita mo sa L.A "

* * *

                Bihira na lang kami magkita ni Aliyah, dahil sa alam na ng Mama ni Aliyah ang tungkol sa amin, patago na kung magkita kami.. 

" Alex, mali ba ang ginawa ko? Na sinabi ko kay Mama ang tungkol sa'tin ? "

              Nakita ko ang lungkot sa mata ni Aliyah. Kaya naman humarap ako sa kanya, tumingin sa mga mata nya at hinawakan ang kamay nya.. 

" Walang mali sa ginawa mo. Nag pakatotoo ka lang sa Mama mo. "

" Kung hindi ko siguro sinabi, hindi sana tayo patago mag-kita.. At hindi ka sana nahihirapan ngayon.."

              Pinisil ko ang ilong nya, nag pre-pretend na okay ang lahat. .

" Ano kaba! Wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Mahirap lang talaga sa iba na tanggapin ang pagka-tao ko. Kaya nga.. salamat sayo, kasi tinanggap mo ako. "

"Wala namang masama sa pagiging Lesbian Alex. May karapatan ka din magmahal, at mahalin.. Tao ka din, nasasaktan .. Wala akong paki sa sasabihin ng iba sakin. Dahil sayo.. sayo ako naging masaya.. "

             Napangiti ako sa sinabi nyang yun.. Inisip ko, sana nga Forever na maging kami.. pero, napaka imposible..

" Naks! Pero... "

" Pero ano Alex? "

" Kapag dumating  yung araw na magka-gusto ka sa iba, sabihin mo lang sakin. Tatanggapin ko. Basta wag lang sa tulad ko.. Gusto ko kung mamahal ka ng iba dun na sa Tama.. "

* * *

                  Yun ang huli naming pag-uusap ni Aliyah. Dahil nung mga sumunod na araw, hindi ko na sya nakikita. Hindi ko na din sya nakaka-txt. Linggo na ang lumipas wala parin akong balita sa kanya.

               Pumunta ako sa bahay nya, kahit na alam ko na pag-tatabuyan lang uli ako ng Mama nya...

" Ano ba Alexandra, sinabi ko nang wag ka ng pupunta dito.. Huwag mo nang hintayin na magalit pa ako sayo.."

" Pero Tita, wala naman po akong ginagawang masama. Gusto ko lang sya makita. "

" Hindi mo na makikita si Aliyah dito. "

" Ano po ibig nyong sabihin ? "

" Noong isang linggo pa sya pumunta sa L.A . Kaya hindi mo na sya makikita dito. "

                Bigla akong nanghina sa nalaman ko mula sa Mama ni Aliyah. Hindi ko napigilan ang pag-tulo ng mga luha ko. Umuwi ako ng bahay na walang naririnig. . 

"  Bakit ganun? Bakit sya umalis ng di nya sinasabi sakin? "

               Yan ang madalas kong tanungin sa sarili ko. Mga tanong na lagi kong inuulit-ulit, at laging nakakapanakip sa dibdib ko.

               Sa pag-alis ni Aliyah, nawalan ako ng gana sa buhay. Napaka-laking parte ni Aliyah sa buhay ko. kaya naman ng iwan nya ako, tila gumuho ang kasiyahan ko..

( ITUTULOY..... )

" Forbidden LOVE "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon