MAHAL

16 4 1
                                    

MAHAL

Mahal, naaalala mo pa ba?
Noong araw na una tayong nakatagpo?
Mahal, naririnig mo ba?
Itong malakas na tibok ng aking puso?

Mahal, pasensiya na
Batid kong napakarami kong pagkukulang sa 'yo
Mahal, gusto mo ba?
Iaalay ko ang buong puso ko para lang sa 'yo

Mahal, tandaan mo
Malayo man ang ating agwat ang puso naman nati'y iisa
Mahal, paniwalaan mo
Ipagsisigawan ko sa mundo "MAHAL NA MAHAL KITA"

©zephaniahhhh

BersikuloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon