DAHIL MAHAL KITA

28 5 5
                                    

Dahil Mahal Kita

Bulong dito, bulong doon.
Tago rito, tago roon.
Araw-araw na lang ba?
Paulit-ulit na lang ba?
Hanggang kailan pa ba?
Patuloy pa rin ba?
Isa pa rin bang sikreto ang namamagitan sa ating dalawa?

Tiniis ko at patuloy pa ring tinitiis hanggang ngayon.
Bawat sakit at hirap ay ipinagsasawalang bahala makausap ka lang.
Naninikip ang dibdib.
Nasasaktan ako na tila paulit-ulit na sinasaksak ang aking puso.
Gusto kong sumuko pero dahil mahal kita, tinitiis ko.
Dahil mahal kita, kinakaya ko.
Dahil mahal kita patuloy akong magpapakatanga.

Sa tuwing nakikita kita sa piling ng iba, nawawasak ang puso ko.
Sa tuwing nababasa ko ang mga mensahe ninyo sa isa't-isa, gumuguho ang mundo ko.
Napapaisip at napapatanong ako sa aking sarili.
Hindi pa ba ako sapat?
Ano ba ang pagkukulang ko na nakita mo sa kanila?

Sawang-sawa na ako.
Ayaw ko ng maging sikreto.
Ayaw ko ng magpanggap na ayos lang ako kung hindi naman talaga. Sana naman maintindihan mo.
Sana maramdaman mo na heto ako, na nagmamahal ng totoo.


Sa oras na ito, pagbibigyan kita.
Sa oras na ito, palalampasin ko pa.
Sa oras na ito, patatawarin pa kita.
Hanggang ngayon na lang, dahil isang lapit mo pa sa kanila, malaya ka na.

©zephaniahhhh

BersikuloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon