13

444 7 0
                                    

Francine POV

Pagkatapos ng ilang linggo na iyon ay hindi nag stay lang ako sa bahay hindi ako lumabas buong araw. Gusto kong umiwas sa lahat dahil alam kong may masasaktan.

Lunes ngayun at balik na naman kami sa eskwelahan kahit na ayukong pumasok ay napipilitan lamang ako dahil malapit na ang exam namin. Lutang ako habang naglalalad sa hall way nag iisip ng paraan kong paano iiwasan ang tatlo.

Malapit na ako sa room ng bigla na lang nay humila sa akin sa patagong lugar. Shit! Sumibol ang kaba sa dibdib ko dahil alam kong si Harold iyon. Isinandal niya ako sa pader at tinitigang mabuti. Sira ang buhok nito at kusot ang damit parang isang bata na bagong gising.

"I miss you francine"bulong nito at niyakap ako ng mahigpit hindi ko alam pero patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib ko.

"Miss na miss na kita"ulit pa nito ngunit hindi ako nakasagot dahil humihigpit ang yakap niya sa akin. Miss na rin kita Harold...gusto kong isatinig ang salitang iyon ngunit natatakot ako.

"Pwede ka bang sumama sa akin?"tanong niya kasabay ng paglayu at paghiwalay niya sa yakap.

"Saan?"yun lamang ang lumabas sa bibig ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ang kamay ko.

"Sa canteen lang gutom na kasi ako"nakangiti nitong sagot kahit na naguguluhan ako ay tumango na lamang ako. Sabay kaming naglakad patungo sa canteen at hindi ko inaasahang makita si Anjo nakumakain mag isa roon.

"Teka order na lang muna tayu tsaka tayu humanap ng mauupuan marami namang bakante"pigil sa akin ni Harold nang mapansin nigang tuloy tuloy lang ako sa paglalakad kaya kinailangan niya pang hilain ang kamay ko. Napatango na lang ako at nanahimik sa tabi niga habang sinasabi niya ang order niya.

Nang matapos niyang sabihin ang order ay humarap ito sa akin at halos manlaki ang mata ko nang halikan ako nito sa labi. Agad itong lumayo sa akin at ngumiti ng napakalapad hindi pa ito nakuntento at hinalikan pa ako nito sa noo.

"ba-bakit mo ginawa yun?"nauutal kong tanong. Pambihira! Hindi naman sana nakita ni Anjo iyon.

"Sorry sa nagawa ko noong nakaraan, hindi ko sinasadya iyon nadala lang talaga ako sa emosyonal ko" ilang beses pa akong napakurap. Hindi ko alam kong anong nangyayari. Hinalikan niya ako tapos humingi siya ng tawad. Ibig bang dabihin peace offering niya yung halik.

"Sir ito na po"napatingin siya sa babae at agad niya itong nginitian at inabit ang tray na may laman ng pagkain.

"Tara"aya niya sa akin kaya tumango ako at sinundan siya hindi ko alam kong nanandya ba ito nang tumigil ito sa harap ni Anjo at inilipag ang tray.

"Pwede bang dito na lang kami?"tanong pa nito agad akong kumapit sa braso niya.

"Sa ibang lamesa na lang tayu"bulong ko rito at napatingin kay Anjo at halos manlaki ang mata ko ng makita kong nakatingin siya sa akin ng hindi normal. Para siyang mangangain ng buhay. Mas lalong napahigpit ang pagkakakapit ko kay Harold at doon naman ibinaling ni Anjo ang tingin niya at nakita kong sumara ang kamao nito. Ano bang problema?

"Sige"maikling tugon nito. Hinawakan ni Harold ang kamay kl na nakahawak sa braso niya at inalalayan niya akong umupo kaya ang kinalabasan ay magkatapat kaming dalawa ni Harold habang nasa tabi ko naman si Anjo.

Tahimik na inilapag ni Harold ang pagkain na binili niya para sa akin. Spaghetti iyon at mukha namang masarap kung hindi lang talaga si Anjo ang nasa harap ko ay gaganahan ako kaso kasi yung titig niya may pinaparating.

"Nga pala nakita mo na ba si Tammy?"tanong ni Anjo kay Harold. Napatigil ako sa pag nguya at napatingin ako sa kanya. Gusto kong ngumuso pero pinigilan ko. Bakit niya hinahanap si Tammy?

"N-no"utal na sagot ni Harold. Baka nauhaw lang. Muli akong sumubo at nanahimik kaming tatlo.

Tuloy tuloy na sana ang pagsubo ko kaso ay tumunog ang cellphone ni Anjo napatingin ako sa kanya ganun din siya sa akin. Agad itong ngumisi sakin at sumanal sa likod ng upuan.

"Hey"bati nito sa kabilang linya habang nakangiti. Gusto kong alisin ang tingin ko sa kanya pero may pumipigil sa akin.

"Yes hon I'll be there"muling sagot nito habang nakatingin sa akin. Buwisit na ngiti yan! Sino yang hon? Pangalan ba yun o endearment?

Napabuntong hininga ako nang bigla itong lumapit sa akin ng kunti.

"I love you"bulong nito sa pagkabigla ay muntik ng lumabas ang puso ko sa kabog nito. Ako ba o yung nasa kabilang linya? Maya maya ay pinatay niya na ang cellphone nito at itinago sa loob ng bulsa. Mabikis itong tumayo at kinuha ang bag.

"Una na ako sa inyo pupuntahan ko lang si honey"paalam niti at agad na tumalikod. Agad akong nabalisa

"Harold alis lang din ako"paalam ko at agad na umalis hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dahan dahan akong sumunod kay anjo hanggang sa makarating kami sa likod ng school at hindi ko alam na may tree house pala rito. Bagong tayu siguro ito dahil hindi ko naman ito nakikita dati. Dahil sa pagmumuni muni ko ay hindi ko nakitang may butas kaya napasok ang isa kong paa doon at nadapa ako.

"Aahhh!!"daing ko sa sakit. Shit!ano to patibong? Hinawakan ko ang paa kong nasa loob ng butas at dahan dahan ko itong iniangat.

"Shit!"bulong ko at napatingin sa likuran ko. Nasan na si Anjo? Tumingin ako ulit sa tree house pero wala rin siya doon. Nasaan na ang mokong na iyon?

Dahan dahan akong tumayo at muntik na akong matumba buti na lang may nahawakan ako at may humawak rin sa braso ko pagtingin ko ay si Anjo. Tila may kuryenteng bumalot sa akin at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanatili ang mata ko sa mata niya na seryusong nakatingin sa akin.

"You okay?"marahang tanong nito at hinawakan ako sa bewang para alalayan ako. Tango lang ang naisagot ko sa kanya nang inilapit niya sa akin ang katawan niya. Ang bango niya.


Until You Love MeWhere stories live. Discover now