Siyang hindi na sinikatan ng araw - Ikalawang Bahagi

15 1 0
                                    


Unti-unti na akong nahimasmasan sa aking mga nabasa.

Siguro ay hindi naman ito totoo. Sabi ni Berto, may pagka bungangera daw itong si Marie na sa tuwing nag-aaway sila e kung ano anong pinag sasabi. May pagka sinungaling din daw siya at kung ano-anong kwento ang pinag gagagawa. Marahil isa lang ito sa mga pakulo nya.

May isang pagkakataon na habang nasa labas kami ni Berto at nanunood ng sine bigla siyang tumawag at sinabing may emergency daw at kailangan nang umuwi ni Berto sa bahay. Iyon pala, kaarawan nya lang at gusto nyang makasama si Berto ng buong araw. Sympre dahil sa akala ni Berto kung ano na ang nangyari, dali dali siyang umuwi. Hindi na namin natapos ang pelikula nang araw na iyon na pinamagatang "No Other Woman".

Hinanap ko ang isa pang susi sa aking kwarto, sobrang gulo na ng aking higaan. Lukot ang kobre kama, nagkalat ang basura, kolorete sa mukha at damit. Hindi mo aakalain na ito ay silid ng babae, huling linis yata ni Carlo ay nung isang linggo pa. Yang tamad na iyan, mabuksan ko lang ang kwarto at talagang makakatikim siya ng matinding sermon sa akin.

Binuksan ko ang aking tokador, nandun nakatago ang mga larawan namin ni Carlo, nakita ko ang isang larawan namin noong kasal.

Ang higpit ng yakap niya sa akin, ang kaniyang mga ngiti sobrang ganda. Kumikinang ang kanyang mga mata na wari bang isa siyang batang musmos na binigyan ng kendi.

Bakit ang kisig niyang tignan dito?

Ang kaniyang mga ngiti, ang kaniyang maamong mukha at buo nyang pagkatao ay nagliliwanag sa larawang ito.
Napatigil ako, sa di ko malamang dahilan napatingin ako sa iba pa naming mga larawan. Mga larawan na aking itinago at kinalimutan. Sa bawat larawan na nakikita ko isa lang ang masasabi ko. Lumiliwanag si Carlo sa kaniyang mga ngiti nararamdaman ko ang kaniyang pagmamahal. Kahit sa larawan nakikita ko kung gaano siya kasaya na ako ang nagging misis niya. Kasiyahan na walang kapantay.

Ang luha ay unti-unting tumulo sa aking mga mata, bumabalik sa aking gunita ang lahat na parang kahapon lamang. Minahal ko si Karlo, mahal ko siya at mahal ko parin.

Pero bakit ako may Berto kung mahal ko si Carlo?

Siyang hindi na sinikatan ng arawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon