Pakiramdam ko ngayon, Iniiwasan ako ni Merwin. ewan ko kung bakit.
Tinetex ko sya. tinatadtad ko na nga ng mga tex hindi pa din sya nagrereply eh. Nag aalala na nga ako eh. Pero nasasaktan din ako. Nasasaktan ako sa mga oras na binabalewala niya ko.
Kung may problema sya pwede niya naman i'share sakin. Di ba?
Pero bakit ganun? Wala atang sense eh. Wala din atang halaga yung pag aalala ko sa kanya.
*beep*beep*
From: 09*********
merwin 2. kta us s my park. 2pm
"So nagbago na pala ng number si merwin? Kaya pala hindi ma'contact eh"
para kong ewan nu? kinakausap yung sarili. Sama na ng loob ko. ganito pala pakiramdam pag nagmahal ka. sa simula masaya. pero kapag medjo nagtatagal na, dun palang mararamdaman yung sakit, lungkot dahil sa pambabalewala sayo ng taong mahal mo ng sobra sobra.
nagreply ako.
To 09**********
sure y not? BEB?
sarcastic na yan. tsss. ang sakit kaya.
nag ready na ko 1pm pa lang. pero okay lang. Matagal naman ako mag ayos eh. walking distance lang din yung park. kaya mag jeans and shirt na lang ako. hindi na ko magpapahatid sa driver ko.
After 123456789 years, tapus na din ako. bilis noh? HAHAHA.
TC: 1:45pm
okay na. ready to go na. :)
pero syempre papaalam muna ko kay mommy .
"Mom, alis lang po ako. *kiss"
"Hija mag ingat ka. San ba punta mo?"
"Eh Mom jan lang po. Mamamasyal lang. Eh wala po kasing magawa"
hala. at kailan pa ko natutong magsinungaling.?
"Osya sige na. Mag ingat ka ha"
umalis na ko ng bahay. syempre pupunta na ko sa park. hays. kinakabahan ako. parang ito yung first time na kabang naramdaman ko. pero parang may mali. parang hindi maganda yung mangyayari.
PARK .
asan si merwin? 2:50pm na pero bakit wala pa sya?
hanap lang ako ng hanap.
"Hi Ella."
yung voice na yun..
familiar..
si merwin ba yun?
hindi eh.
paglingon ko sa likod ko..
"JC?!"
JC's POV
hay sa wakas. biniyayaan na ko ni Author ng POV . HAHAHA . tagal kong hinintay to wah.
I'm Jc. 19 years old na sa ngayon. Isa lang naman ako sa mga patay na patay kay Cinderella Torres. Na sa kasamaang palad eh girlfriend na nitong si Merwin. Hindi naman ako duda kay Merwin eh. Alam kong mahal niya si Ella. Pero kontrabida daw ako dito eh. HAHAHA. PAYAG AKO!
At eto nga ako ngayon. Kaharap si Ella. ako yung nagtex sa kanya.
"Yah. Buti naman at naaalala mo pa ko. So how are you?"
"I'm fine. Nakita mo ba si Merwin?"
"Bakit mo hahanapin yung taong wala kung nandito naman ako?"
"Ah. Sige ha. Alis na ko."
"Wait. Ako yung nagtex sayo."
After kong sinabi yun parang nakakita ko ng MALAKING QUESTION MARK sa ulo niya.
Planado lahat ng mangyayari ngayon.
"May mahalagang sasabihin kasi ako sayo."
"Ah, anu ba yun?"
mukha syang disappointed.
sasabihin ko na sa kanya...
"pinaglaruan ka lang ni Merwin. Not exactly. Kasi pinagpustahan ka lang namin. Masyado ka kasing pihikan. Di kita mapormahan dati. Kaya i dare him. Dumating na yung girlfriend nya na FIRST LOVE nya. Galing sa ibang bansa. Sorry ha. Ayaw ko kasi na magmukha kang tanga kapag dumating yung point na magkita na kayo. I still care for you. Mahal kita eh . Kung pwede nga lang na ako na lang mahalin mo. Pero alam kong si Merwin naman talaga yung mahal mo kaya hindi ko na ipipilit sarili ko sayo. Pero gusto ko lang talagang malaman mo na ang lahat ng nangyayari eh PUSTAHAN lang."
alam ko masakit para sa kanya yun. tinitignan ko sya ngayon. alam kong nasasaktan sya. but DAMN! tama ba tong ginawa ko?
siguro tama na inamin ko sa kanya na pinagpustahan lang namin sya noon. pero mali., kasi hindi ko kaya makita tong babaeng mahal ko na nasasaktan.
di ko akalain na mamahalin nya si merwin. Shit! Ang swerte ni merwin!
AT ANG MALAS KO!
BINABASA MO ANG
Cinderella meets Her Prince
Teen FictionEveryone deserves a second chance, but trusting them won't be the same.