Chapter 5: Never Give Up

18 1 0
                                    

Alison POV

          "Alison!..... Alison! Gising na!." nararamdaman kong may gumigising sakin pero parang iba yung boses niya. Pikit ang mga mata ko pero gising ang diwa ko kung baga pinapakiramdaman ko lang yung sinasabi at ginagawa niya.

         "Alison ako ito... Si Lawrence... Ang crush na crush mo since grade school" bulong niya sakin. Dahil sa narinig ko ang pangalang Lawrence ay agad kong dinilat ang mga mata ko at napangiti na parang aso.

hindi ko akalain na nakatapat na pala ang mukha niya sakin.

Hindi ako makakilos dahil sa deretsong tingin nito sakin ng seryoso.

Hindi ko rin mapigilan ang kiligin at ang pagtibok ng puso ko ng malakas.

'Ano ba Lawrence masyado pang maaga'

Totoo ba to o panaginip nanaman ba?. Grabe... Ngayun ko lang nakita ng malapitan ang kaniyang buong mukha. Napakagwapo at napakaamo ng itsura nito.

         "Alison... would you mind you if I ask you a kiss again?" malumanay at sexy nitong pagtatanong.

I cant reject his wants.

Dahil dun hindi ko na rin  mapigilan ang biglang mapakagat sa labi ko. Nakatitig parin siya ng deretso at...

Unti-unti ko nalang ipinikit ang mga mata ko...

Malapit na... Idinilat kong bahagya ang mata ko upang makita siya.

Pero teka? bakit si Greyson na nakikita ko hindi na si Lawrence?

           "WAAAHHHHH!.... A-ANONG... GI-GINA-GAWA MO DITO!... GREYSON!" halo halong galit, gulat, inis, at kaba ang gumunaw at gumising sa diwa ko nung makita ko siya.

At dahil don agad ko siyang itinulak ng malakas dahilan para mapaupo ito sa sahig.

          "AAAHH! ARAY KO!!!" sigaw niya.

BAKIT?... PAANO NIYA NALAMAN!?... AT ANONG GINAGAWA NIYA DITO! WAAAHH!

         "Pasensiya kana kung naistorbo kita. Bakit?. Nag aalala lang naman kasi ako sayo kaya pumunta na ako dito sa bahay niyo." huminto siya sa paliwanag niya ng sandali at inayos ang sarili. Ang sarap mong kalbuhin.

           "Paano ko nalaman?. Syempre matagal na kayung nakatira dito kaya hindi imposibleng lumipat kayo! Saka lagi mo kaya ako pinapapunta dito dati.
Buti nalang nga nakilala pa ako ng mama mo si ate mercy kaya pinapasok niya ko.
At last kung anong ginagawa ko dito?. Syempre gusto ko lang ikaw maka--" no more explanations. I want straight to the point answer not epic story.

Naguguluhan nako sa kaniya pati sa sarili ko.

Patuloy siyang nagpapaliwanag pero iba ang mga naiisip ko...

'SO IBIG SABIHIN PANAGINIP LANG YUN KANINA? Akala ko totoong nanditu si Lawrence at ikikiss ako... pero bigla nalang ako nagkaroon ng kamalayan nung narealize ko na hindi si Lawrence yun dahil ang maharot na Greyson ang gumagawa nun sakin.. Aahh! Nakakapang-gigil!'

'I HATE HIM'

'TAKTE MAMAMATAY AKO KUNG MATUTULOY MAN! WAHHHH!!!'

          "Hindi ko kailangan ng maraming SAT-SAT! Ang gusto ko... LUMABAS KA NA SA KWARTO KO! ALIS!. NGAYUN NA!!...." sobrang galit ko ayan ang mga lumabas.

Ayoko ng mahabang paliwanagan, nahihiya ako sa sarili ko na nagpa-uto at hinayaang bumigay sa kaniya.

'Kailan ba niya ko balak tigilan?!. Lumalabas talaga pagka lalaki ko sa tuwing napapahiya at pinipikon ako.'

I Can Wait 'Till You Say "Yes" (Alison And Jeremy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon