Chapter 4: Mang-inis ay di biro

15 1 0
                                    

Alison POV         

Nandito kaming apat ngayon sa may malawak na field sa labas kung saan maraming mga puno at dahil doon marami ring mga dahon ang nagsisipag-laglagan kung kayat, kailangan naming walisin ang mga dahon at linisin ang buong field.

Good luck! Kung kakayanin namin yung sikat ng araw. Ang lawak pa naman dito. Sigurado akong sakit ng katawan ang gigising sa amin bukas.

Buti naman walang pina assignment mga teacher namin.

          "ahhh..  Ang init naman! Mangingitim ako neto eh!.. Mawawala yung beauty ko At worst pa dun.. maraming mga boys ang makakakita sakin na ganito. I must treated like a princess not a domestic engineer. Gosh!" pagrereklamo ni Antonneth dahilan para balingan namin siya ng tingin.

Ang arte naman neto akala mo naman maganda eh pa...

Hayy! Tama na nga Alison! Maganda naman kasi siya talaga alangan naman sabihin mong panget siya?.

Iniling-iling ko ang aking ulo.

          "hahahaha..  nagiinarte ka pa eh Kasalanan morin yan kasi tinanggap mo yan.. kaya kung ako sayo tiis tiis nalang. Buti pa ko hindi manlang napapagod..  Alam mo na? " pagmamalaki ni Greyson sabay tingin nito sa akin.

Wag niyang sabihin na may balak nanaman siyang asarin ako. Malilintikan kana talaga sakin!.

Dahil sa naisip ko na agad kung ano ang mga mangyayari sa binabalak niya. Agad akong nag pout at
sinalubong ang dalawang kilay saka tumingin sa kaniya na para bang nagpipigil ng inis..

          "Pake mo ba? Eh gusto kong magreklamo eh!. At bakit mo naman nasabing hindi ka napapagod. Ha!?" biglang tanong ni Antonneth habang  nakataas larin ang isang kilay.

          "Hahaha.. Syempre! obvious ba?.." binigyan namin siya ng tingin na seryoso bago siya nagpatuloy.

I know what his going to say.

Umpisahan mo lang ako Greyson sa kalokohan mo.

           "Eh... makita ko palang si Alison nawawala na agad yung pagod ko..  She's my ENERGY CHARGER that boost my Battery kaya ganito ako kasaya at ginaganahan" pagkatapos niyang sabihin yun ay tumingin ito muli sakin habang panay taas-baba ng dalawang kilay nito.

Sinasadya mo talaga para lalo akong maasar no? Pwes! Oo!

Sasabog na ko.. Hindi ko na kaya.

           "So charger pala si Alison, Grey? Hahaha" ngayon kay Jeremy naman kami nakatingin.

Isa pa siya.. Kala ko matino... May pagka maloko din pala.

          "Hindi sa literal Jer. Syempre tungkol sa LOVE pinupunto ko" ngayon naman ay tumawa na ito ng may halong pang-aasar nakisama narin yung dalawang mga asungot.

Ayun asar-talo ako. Bullyhin ba naman ako.. Grrrhh!...

At dahil sa pang iirita niya sakin lalo. Diko na napigilan sarili ko kaya nagmamadali akong pumunta sa kinaroonan niya. Yung dalawa naman tumigil na sa pagtawa dahil nakita na nila sa itsura ko na galit na ko pero siya tawa parin ng tawa.

Habang papalapit na ako sa kaniya ay napatigil siya sa pagtawa at tuluyan ng  tumakbo. Habulan kaming parang mga immature.

          "HOY! Lintek ka!.. Bumalik ka dito BAKULAW KA! aahhh!! Pikon na pikon nako sayo!" galit kong sigaw habang tumatakbo ng mabilis sa field maabutan lamang siya.

Hindi nanamin napagtuunan ng pansin ang aming paglilinis. Pano, ginalit niya ko. Naririnig ko pa ang pagsigaw samin ni Antonneth na 'tumigil na' pero hindi namin ito pinakinggan.

I Can Wait 'Till You Say "Yes" (Alison And Jeremy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon