Chapter 7

129K 2.8K 269
                                    

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Enrique pero nakaupo lang ako at ipinagpatuloy ang pag basa. Bahala siya sa buhay niya. I've been giving him a cold shoulder for two days ever since makabalik kami galing sa ampunan.


Hindi ko naman siya iniiwasan pero hindi ko din siya pinapansin. Bahala na kung magka panisan kami ng laway. Kami lang naman dalawa dito edi kami lang ang mag aamuyan ng hiningang panis.


I don't know why he acted like that towards me samantalang concerned lang naman ako na baka nasaktan siya. I know naman kasi na kasalanan ko kung bakit kami natumba pero hindi naman yata tama na ganon ang inasal niya sa akin.



It's like this every time I tried to help him, he only makes me feel like I'm a nuisance.


"Lalabas muna ako." Tumango lang ako at hindi nagsalita. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. I heard him sigh. "Mira.."


Inalis ko ang tingin sa libro ko at tinignan siya. I raised both my eyebrows.  "May kailangan ka?"


Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin. "Wala." Tumango ako at ibinalik ulit ang tingin sa libro ko.

"Mira." Pumikit ako at huminga ng malalim bago ulit siya tinignan.


"Yes?"


"Wala."


"Okay." Yumuko na ako ulit at ibinaling ang attention ko sa libro pero hindi naman ako makapag concentrate dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatayo pa rin siya doon at nakatingin sa akin.

"If you want to tell me something, sabihin mo na." I said coldly nang hindi siya tinitignan.


"Do you want to go out to have lunch?" Tinaasan ko siya ng isang kilay and I cocked my head to one side.


"Are you asking me on a date?" Hindi siya nagsalita. I shrugged and looked at my book once again. "If you're not going to answer me then my answer is no."


"Yes. I'm asking you on a date." I pressed my lips together to suppress a smile. "But it's an I'm sorry date."


Pinaseryoso ko ang mukha ko bago siya hinarap. Kumunot ang noo ko at umakto na pinag-iisipan ko pa kung sasama ako kahit na alam ko naman na papayag naman talaga ako.


"Alright. Mag aayos lang ako." Seryosong sabi ko. Inilapag ko ang librong hawak ko sa lamesa at naglakad na papunta sa kwarto nang hindi siya nililingon.


Saka ko lang pinakawalan ang kilig na nararamdaman ko nang makapasok na ako sa kwarto. I fist pumped the air. Gosh, sa wakas matutuloy na din ang date na inaasam-asam ko. Kahit pa sabihin niyang 'I'm sorry' date, nandoon pa rin ang salitang inaasam asam kong mangyari. Date.


I wore a ripped jeans today. Napansin ko kasi na sa isla na ito mas dapat na magsoot ng pants. I partnered it with a white spaghetti strap sando na pinatungan ko ng denim jacket.

"Saan tayo pupunta?" Natigilan naman siya sa paglalakad palabas ng pinto nang tanungin ko. "Wag mong sabihin na niyaya mo ako ng date without even planning where we're going."



"Nawala sa isip ko ang mag plano." Mukhang nag iisip na siya ng mga gagawin. Hindi niya pinahalata pero pansin ko na parang medyo nag panic siya na wala siyang plano.


Chasing that Billionaire (LOB series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon