Chapter 14

115K 2.9K 182
                                    

"That's it Mira. We're getting you a body guard." I groaned as I looked at Kuya Demitri. Tumingin ako kay Julian para humingi ng tulong at pigilan si Kuya pero pero nginisihan niya lang ako at nagkukunwari na busy kay Tori.

"But Kuya natural lang naman iyon. Of course I'm a celebrity." I still tried to convince him. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Hindi ko na kailangan ng body guard, I can protect myself."

"No you can't." He said sternly.

"Ni hindi ka nga marunong ng self defense." Tinignan ko ng masama si Jules na sumasabat pa sa usapan namin ni kuya. She just gestured a peace sign and I rolled my eyes at her.

"I will hire a body guard for you. Pati si mama pinag aalala mo." Mom is having a vacation with her friends and they are traveling on a cruise. Hindi ko alam na makakarating pa ang balita na iyon sa kanya.

That incident made it to international showbiz news because duh, I'm international. Nalaman ko din na dahil sa nangyari ay hindi natapos ang mall tour nila Sage dahil bigla itong umalis sa stage upang sundan daw ako. In the end, the mall tour was a disaster. Hindi na din ako ang abalang buksan ang mga links ng gossipers dahil stress lang ang makukuha ko. Isang linggo palang ako pero ang laking gulo na agad ang nagawa ko. But hey, I didn't start it.


"Kuya! Ayaw ko nga!" I slightly panicked when I saw him on his phone calling someone on his phone. Isa lang naman ang alam ko na mapagkakatiwalaan niya sa mga ganitong bagay at ayaw kong isipin kahit na pangalan niya.


"Enrique, can you recommend one of your people to guard Mira?" Napapikit ako ng mariin. Of all the people! I can see on my peripheral vision na tumatawa si Julian pero wala akong pakealam dahil nagpapanick na ang katawan ko.


"Konting konsiderasyon naman diyan kuya!" He just glanced at me and continued talking to that guy on the phone na ayaw kong banggitin ang pangalan.


"Alright Enrique." Kakasabi ko lang na ayaw ko ni maalala ang pangalan niya pero itong magaling kong kapatid kanina pa inuulit-ulit ang pangalan niya. Ibinaba na niya ang phone niya. "He's coming."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ano daw? He's coming? "Who's coming?"

"You're bodyguard." Nakahinga ako ng maluwang, akala ko.. Gosh, I almost faint at the thought. Ayaw na ayaw ko siyang makita. Sabihin nang bitter ako pero oo na! Bitter talaga ako! Mabuti nalang tauhan lang niya ang pupunta.

"Anong oras daw siya darating? I need to go na dahil I have rehearsal in an hour baka na-traffic pa ako." Two hours pa naman talaga ang rehearsal ko pero gusto ko nang umalis para hindi ako maabutan ng body guard na pinag-hired ni kuya.


"Don't worry. He's on his way good thing he's just around the corner." Inirapan ko si kuya na lumapit lang kina Julian at Tori. He kissed Julian's head before taking Tori in his arms.

"Are you sure about that guy? Ni hindi mo manlang maisipan mag screen ng bodyguards for me."


"Don't need to." Balewalang sabi niya.

"Pano kung rapist? Or kidnapper?"

"Don't worry. Hindi ka niya type." At binato ko nga ang kuya ko ng unan sa mukha. Bastos eh.

"Sa ganda kong to? Baka kahit hindi yun rapist eh mapilitan siya mang rape sa sobrang pagnanasa sa katawan ko." Napansin kong umiling si Julian.

"I doubt it. Baka ikaw pa ang mang rape sa kanya." Tinignan ko si Kuya pero balewala lang sa kanya kahit pinapatay ko na siya sa tingin. His focus is on teaching Tori how to do her coloring book. Ang cute ni Tori.

"Wala pa ba kayong balak sundan si Tori?" I curiously asked.

"Syempre meron. On the process na nga." I cringed at Julian who just winked at me. "Ikaw wala ka pa bang balak mag asawa?"

"Pano mag aasawa kung walang boyfriend?" She laughed and nakita ko din pati si kuya tumawa. "Wag niyo ako ipressure twenty five palang ako."

"Twenty four ako nung nagpakasal kami ni Demitri."

"Mom married dad when she was twenty two."

"Wala ngang boyfriend. May kilala na ba kayong nagpakasal na walang boyfriend? Wala di ba? Kaya shut up na kayo." Jules chuckled. Alam din siguro ni kuya na naiinis na ako kaya tumahimik na siya.

"Akala ko ba yung singer?" Natatawang tanong ni Julian. I was about to deny it when kuya suddenly stood up and walked behind me papunta sa may pinto.

Lumingon ako and the man I dreaded to see is there standing on our doorstep. My heart started to beat faster than the normal. Walang nagbago sa kanya except he looks bulkier than before. Mas nagka-cut ang muscles niya. Akala ko nakalimutan ko na ang bawat features ng mukha niya pero hindi pa pala. He glanced at me for a second bago tumingin kay kuya.

Lumapit si kuya sa kanya pagkatapos ay nag man-hug sila. Nag-usap muna sila sandali bago lumapit sa akin. Bakit siya nandito? Ihahatid ba niya yung bodyguard ko para ipakilala kay kuya? Ganon yon di ba?

"You two needs introduction?" Nakita ko nalang na may lumipad na piraso ng tinapay sa mukha ni kuya and I'm thankful to Jules for that.

"Mira." Enrique bowed his head a little. A sign of greeting. Napalunok ako sa sobrang kaba. Yung kaninang mabilis na tibok ng puso ko mas lalong bumilis nang banggitin niya ang pangalan ko.

"H-hi! Kumusta?" Itinaas ko pa ang isang kamay ko. Gosh why did I stammer? Gusto kong mag face palm pero mas lalo lang akong magmumukhang tanga.

"Pwede na kayong umalis." Napatingin ako ng mabilis kay kuya.

"Huh?" Nanlaki ang mata ko. Anong aalis? Bakit kami aalis? Hindi naman niya siguro ako dadalahin sa kung saang isla ulit.


"Rehearsal?" Napanganga ako dahil sa sinabi ni kuya. "You should go now. Baka mahuli ka pa."


"Eh nasaan yung bodyguard ko?" Medyo panicky na tanong ko kay Kuya. Please kuya. Wag mo akong ipagkanulo. Marupok ako.


"Nasa harap mo." Tumingin ako sa taong sinabi ni kuya na nasa harap ko. Of course it's Enrique. Kaya hindi na kailangan ng screening at resume. Bakit ba hindi ko naisip yun?

"Jules." I called her. Tumingin siya sa akin pagkatapos kay kuya and then to Enrique.

Julian bruha ka tulungan mo ako. Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko sa kamay ng lalaking to. Mukha namang umepekto ang pagmamakaawa gamit ang tingin ko sa kanya.

"Demitri.." Kuya looked at her then sighed.

"Ngayon lang. Habang wala pa tayong nahahanap na body guard niya." I looked at Julian again. Napahilot naman siya sa sentido niya pagkatapos ay hinila ako palayo sa dalawa.

"Tiis-tiis nalang Mira. Alam mo naman na siya lang ang mapagkakatiwalaan ni Demitri pagdating sa mga ganitong bagay."

"Pero.."

"Para din naman sayo to." Napapikit nalang ako at huminga ng malalim. Mukhang wala talaga akong magagawa. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko.

Lumingon ako at nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Enrique na agad kong iniwas. Oo nga siya ang napagkakatiwalaan ni kuya sa mga ganitong bagay pero gosh.. mabato nalang ako ng maraming hilaw na egg kesa ang makasama siya.

Chasing that Billionaire (LOB series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon