Chapter 9

119K 3.3K 541
                                    

I raised a brow upon seeing Enrique sit. Nakahawak siya sa ulo niya and I know na may hang over siya. At isa pa, hinayaan ko lang siya na matulog sa sahig so baka rin siguro masakit ang katawan niya sa tigas ng sahig, but I doubt it. Baka sing tigas din ng yummy niyang katawan ang marble floor niya.

"So? Are you okay na ba?" Medyo mataray na tanong ko sa kanya. I still can't get over the fact that she called me by her ex's name.


"Mira?" I rolled my eyes at him. Of course it's me Enrique, you idiot. May iba pa ba? Pero imbes na yun ang sabihin ko, umiling ako at tinignan siya ng masama.


"No. I'm Laila." I said with a poker face. His face became pale na para bang nawala lahat ng dugo sa mukha niya. "You called me by that name last night."



"Fuck." I heard him mutter. Yan tama yan magmura ka kapag naririnig ang pangalan ng ex mong sumalangit na.


"Kaya pala ayaw mo sa akin dahil may ibang babae ka." I crossed my arms at tumitig pa sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Syempre I have to pretend na hindi ko pa alam kung sino si Laila kundi lagot ako kay Kuya. "Am I not enough?"


"What?" I made a sad face at him. Parang bigla naman siyang na-kunsensya pagkakita sa itsura ko. "I'm sorry."


"Pangit ba ko? Kapalit palit ba ko?" Bumalik ang kunot sa noo niya ng marinig ang sinabi ko. Mas lalo pa akong nag-emote at ginalingan pa ang acting because—duh, I'm good at this. I was awarded as best actress sa theatre noon sa school namin.

"Are you quoting some line in a movie?" Kung sa ibang pagkakataon tatawanan ko siya dahil sa itsura na ipinapakita niya sa akin ngayon. I kept my serious face. He sighed. "Look Mira, it's not that—"

"Then why?!" Nagpunas ako ng isang luha na tumulo sa mata ko. Hindi lang ako pang Famas, kundi pang Oscars na.


"Kapatid ka ng kaibigan ko. Hindi pwede." Nawala ang composure ko dahil sa sinabi niya at tinitigan siyang mabuti. Ibig sabihin kung hindi ako kapatid ni kuya ay may pag asa ako.


"Is that really the reason?" Hindi siya nagsalita. Ilang segundo pa akong nakatitig sa kanya hanggang sa maisipan kong kunin ang cellphone ko at nagpipindot. Kung yun man ang rason kung bakit ayaw niya sa akin, then I have to make my move.


"What are you doing?" Tanong niya nang nakakunot pa rin ang noo. He called my name when I didn't answer me.


"I'm calling our family attorney." Sabi ko at inilagay ang phone sa tenga ko habang naghihintay na sagutin ni attorney ang tawag ko. Ang tagal niya sumagot, kung hindi lang siya kaibigan ni daddy sisesantehin ko siya eh.



"What for?"

"Sasabihan ko siya na itakwil si kuya bilang Crivelli."


"What?!" Tapos na ang ring pero hindi pa rin sinasagot so I dialled again.


"Di ba yun ang rason mo? Dahil kay kuya? Well ipapatanggal ko siya sa family tree namin para mabigyan mo ako ng chance. Hindi naman pwedeng ako ang mawala sa family tree dahil kung hindi wala akong mamanahin kaya si kuya nalang dahil mayaman naman siya."


"Are you crazy?" He looks at me like I'm an idiot pero hindi ko siya pinansin.

"Halata na ba?" Sagot ko nang hindi siya nililingon pero napansin ko nang tumayo siya sa upuan niya. Napangiti ako nang sagutin ni attorney ang tawag ko. "Hello attorn— ano ba Enrique ibalik mo nga ang phone ko!"

Chasing that Billionaire (LOB series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon