Chapter 13

113K 2.8K 67
                                    

"Mira pangalawang beses na yan na may nang bato sayo! Wag mo akong iniirap irapan diyan nakuuuu."

Nandito kami ngayon sa isang Cafe at kanina lang ay kausap namin si Jaqie na agad ding umalis dahil may gagawin pa daw siya. I really missed hanging out with the both of them. The last time na nakita ko si Julian ay nung nanganak siya kay Tori. With Jaqie naman it was when she was wasted. Wasted as in ang pangit niya sa sobrang pagka broken hearted. I was broken-hearted din naman that time pero hindi ko naman pinabayaan ang itsura ko kagaya niya na mukhang hindi na naliligo.

"It's just a crumpled paper Julian. Wag ka ngang mag overreact diyan." Alam kong concerned lang si Jules pero hindi ko naman pwedeng ipakita sa kanya na natatakot din ako sa mga death threats na nakukuha ko from haters. Besides, alam kong bibigyan nila ako ng body guards kapag nalaman nila. I hate body guards kaya naman mas lalo kong itinago ang papel na ibinato sa akin.

"Sigurado ka ba na pupunta ka pa ng mall? Baka kung anong mangyari sayo doon. Malilintikan sila sa akin. Kahit may anak na ako gagamitan ko sila ng taekwondo moves ko." Natawa ako kay Julian and she just sighed. I really love her. She really is the big sister that I never had kaya mahal na mahal namin siya ni Kuya.

"Oo na. Sige na umuwi ka na at hinahanap ka na ni Tori. Mabilis lang ako promise may bibilihin lang ako." I gave her a wide smile bago kami naghiwalay and I waved goodbye at her bago sumakay sa kotse ko. I took a deep breath before I opened the crumpled paper. As expected may nakasulat nga doon, just like the last time. Hindi talaga ito ang pangalawang beses, I don't even know kung pang ilang beses na nangyari ito and like the last may mga death threats nga doon.

I really don't get this people. Can't they have a life? They hate me and call me names like malandi and pakawala just because I date men. Hindi naman ako nakikipagtalik kung kani-kanino and I date them for a reason.

At bakit ba sila nakekealam sa buhay ko? Just because I am a celebrity, doesn't mean that I owe them my life.

Stay away from Sage or we'll kill you.

I rolled my eyes. Isa pa itong mga to. Bakit ba iniisip nila na may relasyon kami ni Sage? I've met the guy once. At isa pa, wala akong balak na i-date si Sage kaya tigil-tigilan nila ako. I even turned my comments off on instagram dahil sa mga hate comments na natatanggap ko galing sa mga fans ni Sage.

Pumunta na ako ng mall at naglakad-lakad with my cap, jacket and glasses. The usual disguise. I just want to go shopping para makapag unwind at isa pa bibili din ako ng gift for my pamangkin dahil malapit na ang birthday niya. Sanay na akong mag shopping mag isa pero mas maganda sana kung may kasama but Julian is busy with Tori and Jaqie is busy with her confused heart.

Ako kaya? Kailan kaya ako magkakaroon ng priority na hindi related sa trabaho ko?

Loneliness hit me again like always. Nakakalungkot mag isa. Alam kong marami ang nagmamahal sa akin like my family, pero minsan hindi ko mapigilan maging malungkot.


Napansin ko ang kumpulan ng mga tao sa activity center ng mall at mukhang may event ngayon. Since wala naman akong ginagawa, I went there nalang and to my surprise I saw Sage singin on the stage with his band mates. Tumingin ako sa paligid at siguro sa sobrang pag muni-muni ko, hindi ko napansin na may mga poster ng The Vices dito sa mall. I must say, they are really good. Ang ganda ng boses ni Sage at ang appeal nila tignan.

After one song, tatalikod na sana ako para umalis doon at umuwi nang bigla akong mabunggo ng isang babae dahilan para matanggal ang cap na suot ko.

"Sorry." Th girl said na alam kong nasaktan din sa lakas ng impact ng bungguan namin.

"It's okay." I bent down to get my cap when the girl suddenly shouted.


"Mira! Si Mira Crivelli!" Yung mga tao malapit sa amin ay nag silingunan sa akin. Agad kong isinoot ang cap ko.

"Uy si Mira nga."

"Totoo nga yata na girlfriend siya ni Sage."

"Di sila bagay!"

I was about to walk out when Sage suddenly called me from the stage.

"Hi Mira! Long time no see." Napapikit ako ng mariin bago humarap sa stage. He was smiling from ear to ear kagaya nung una naming magkita. Then he waves his hand at me. I awkwardly wave my hand back at him and he chuckled. "Please don't be so rude to my Mira. She's a nice girl."

The crowd reacted 'awwww' and I just stood there smiling pero deep inside gusto ko nang sugurin si Sage sa stage at sabihing hindi niya ako pag aari para tawagin na 'my Mira'

Tumingin ako sa mga tao. Some are smiling at me while some are glaring. Great, he just made ny haters, hate me more. Then I looked at Sage bago ako naglakad paalis ng lugar. May araw din siya sa akin.

Then something hit my arm. Medyo masakit dahil malakas ang impact kaya napahawak ako sa braso ko. Then I felt something sticky on my hands and when I looked at it.

"Oh come on." Someone threw an ice cream at my arm. Uso pa ba ang mga ganito? Can't they think of something original? I looked at the crowd and some of them are laughing while others look like naaawa sila sa akin. I looked at Sage on the stage and he was shocked as well. Napapikit ako then I sighed before I gave them a smile.

"Thanks." I said before walked away at nang makalayo, I run as fast as I could away from them.

Agad akong sumakay ng kotse at doon nag iiyak. Fuck all of them. Why can't they leave me alone?

Chasing that Billionaire (LOB series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon