-Thirty Seven-

2.8K 20 4
                                    

Chapter 37

July 10, Tuesday

Nathalie’s Point of View

“I can’t believe this!!!”

“Sinama mo ako dito?”

“This is divisoria!”

“Hindi ko alam ang lugar na ito!”

“Baka maligaw ako!”

“Hindi na ako makauwi!”

“Baka ma-snatch ang phone ko!”

“Wah! Mommy!”

“Nat!!!”

“Dina, kasama mo naman ako eh.”

Nakapameywang siya habang naglalakad at naka-pout. Day-off ko kasi ngayon sa trabaho... mas okay na yung mas maaga akong mamimili nang mga tela para naman magawa na kaagad yung mga dress naming tatlo na susuotin sa reception party.

Parang bata si Dina na tingin ng tingin sa paligid niya. First time niyang makapunta dito... sa mall lang naman kasi siya naglalagi. Si Sandy ang kasama ko kapag namimili ng mga tela pero ngayon, may family affair sila kaya si Dina ang hinatak ko. Mahirap ang walang kasama... baka kung ano ang mangyari sa akin.

“Ano ba kasi bibilhin mo? Bakit kailangan sa divisoria pa?”

“Mga tela. Mas mura kasi dito at mas maraming pagpipilian.”

“Pshh.”

Hinayaan ko nalang siya na sundan-sundan ako. Okay lang yan... at least ma-experience man lang niya kahit minsan ang mga ganitong lugar. Hindi nga siya kumakain ng street foods eh... kung pakainin ko kaya siya?

Hanap...

Bili...

Hanap...

Bili...

Sa wakas! Natapos rin... ang gaganda nung telang nabili ko. Bukas, dadaan ako sa shop ni mama para maipatahi na doon sa mga nandoon. Tagal ko na ring hindi pumupunta doon. Aagahan ko nalang ang alis sa school para hindi ako ma-late sa trabaho.

Sa jeep kami sumakay at parang bata si Dina ulit. Hindi naman kasi siya nagco-commute... experience na rin ito. Napakasama ko talaga... pero kasi naman nakakatuwa siya. Waha.

“Dina, thank you ah...”

“Fine.”

“Sungit mo naman...”

“Eh, kasi naman... isama mo ulit ako ah...”

“Ha?”

“Ang dami kasing pwedeng bilhin and it’s cheap.”

Napangiti nalang ako. Nagustuhan naman pala niya sa kabila ng mga pagrereklamo niya kanina. Sige, next time ulit... siya ang isasama ko.

Pagpasok na pagpasok ko ng bahay... si Sofia kaagad ang naabutan ko. Nakaupo siya sa sofa at parang ang sama-sama ng tingin sa akin. Ano nanaman kaya ang ginawa ko?

Sinubukan ko nalang siyang lagpasan... kahit nalulusaw ako sa masama niyang titig.

“Saan ka pupunta?”

Napaharap ko sa kanya. Nakatayo na siya pero nakatingin pa rin sa akin.

“Sa kwarto ko. Aakyat na ako.”

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon