-Fifty Eight-

2.6K 15 7
                                    

Chapter 58

October 12, Friday

Nathaniel’s Point of View

Takte. Ang init-init naman kasi. Bakit ba dito pa niya naisipan magpulong? Nasira na ata ang napakatalinong utak nitong de Verra na ito pero sa bagay... alangan namang magusap kami ng mga confidential na bagay na exposed na exposed sa madla. Katangahan naman iyon masyado. Sino bang tanga ang mag-iisip ng ganun? Ako? Uy, hindi! Pero kasi... pwede namang maghanap ng aircon. Buset. Labindalawa kami dito!

(hindi na ako maglalagay ng picture o video dahil... bumabagal ang upload ko. My gosh! Hulaan niyo nalang kung sino ang mga iyan o kung gusto niyong malaman kung sino ang mga iyan, PM me. Pero make sure na tamang year ang sinesearch niyo ah kasi ang kadalasang lumalabas sa google ay mga batang-batang pics. Baka di niyo makita ang mga... pics nilang bago na nakakamatay? Nakakabighani? Nakakainis? Bahala kayo.)

Chace...

Nathaniel...

Venedict...

Craig...

Seth...

Charles...

Dominick...

Kenneth...

Senri...

JA...

Ridge...

Dave...

Paano nga ba nakumbinsi ni Nick ang ibang first year na iyan? Siguro nga matagal nang desidido ang mga iyan... matatapang... pero sabi nga... first year palang sila. Si Nick... magiging masikreto siyang tao ngayon. Hindi niya iyon pwedeng sabihin sa ate niya. Pag nagkataon... patay kaming lahat. Masusunog kaming lahat.

Hindi pwedeng mawala si Nick... isa siya sa mga alas namin. Matagal na siyang nakakasama sa amin, hindi lang talaga niya sinasabi sa ate niya. Nagtataka nga ako. Paano siya naging desidido ngayon? Simula kasi noong nangyari ang masamang pangyayari na iyon eh medyo umiiwas na siya sa gulo pero ngayon... dahil ba may bago na siyang kailangang protektahan o dahil lang pinipilit niyang kalimutan ang mga nakaraan niyang mapapait?

Teka. Bakit ganito ako ngayon magsalita? Siguro dahil nagsusulat kami ng sanaysay kanina kaya ganito ako. Natapos ko ba yung sanaysay na iyon? Hindi ata. Pasensya naman.

“Nathaniel!”

“Ah, ano?”

“Lutang ka ata.”

“Ah, hehe. Medyo.”

Ang sama ng tingin nung lima sa akin habang yung mga bata eh nakatingin lang. Sige. Subukan niyo lang na tingnan rin ako ng masama... ibabalibag ko kayong lahat.

“Bakit?”

“May bago bang nakuha yung mga tauhan niyo?”

Napalunok ako. Sa totoo lang, wala na! Hindi na nadagdagan. Ang galing masyado magtago nung mga iyon. Bwiset sila.

“Wa-wala.”

Tumango lang sila. Ano nga ba pinag-uusapan? Ah. Oo. Maghanda daw anytime. Oo. Supresa umaatake yung mga iyon. Bwiset nga kasi sila. Pinadagdagan namin yung security ng eskwelahan. Buti nalang at hindi naman umalma yung matandang headmaster. Sige. Subukan lang niya at lalong gumuho ang paaralan na ito. Syempre kailangan rin ng proteksyon nung mga inosenteng estudyante. Buti nga at hindi pa nagpaparamdam yung gang na iyon simula noong nasunog yung gym.

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon