-Seventy Two-

2.5K 14 3
                                    

Chapter 72

December 24, Monday

Nathalie’s Point of View

Christmas Eve ngayon. Ang saya ng Christmas ko sana kasi kasama ko si mommy pero... hindi pa rin kami nagkakausap ni Vene. Hindi na namin nasulit ang Christmas namin. Masaya sana kaso hindi ko man lang narinig ang boses niya kahit simpleng “hi” man lang. Nakakalungkot pero dahil pasko ngayon at kasama ko naman sila mommy, kailangan kong maging masaya. Ang kalungkutan ko ay tinatago ko sa aking pag-ngiti at pagtawa. Kailangan kong ipakita na masaya kahit may parte ng aking kalooban na hindi. Ilang araw ko na itong iniintindi. Hay.

Ngayon ko lang ulit malalasahan ang Christmas special na luto ni mommy kasi dati kapag pasko kasi hindi naman kami nakakauwi ng Paris ni Nick noon. Summer vacation lang kaya ngayon, complete. Nasa Pilipinas kaming lahat. Hindi man namin kasama si daddy, at least alam naming nasa iisang bansa kami at pareho kami ng hangin na hinihingahan. Nasa pareho kaming panahon. Okay na iyon sa akin.

Merry Christmas, Daddy.

Merry Christmas, Vene. Sighs.

DING.DONG.

“Nathalie, can you get the door?”

“Uh, sure.”

Pumunta ako doon sa may pinto at pagbukas ko. Nanlaki nalang ang mata ko. Medyo natimang pa ako kasi kinusot ko pa ng bahagya yung mata ko. Seryoso? Hindi ba imagination ko lang itong nakikita ko ngayon. Baka pinaglalaruan lang ako ng damdamin ko kaya kung anu-anong imahe ang nakikita ko pero hindi eh. Pumikit-pikit pa nga ako pero totoo talaga eh.

“Anak...”

Daddy?! Anong ginagawa niya dito? I mean... hindi ba dapat kasama niya ngayon si tita??

“Princess, who is it?”

Wagas maka-english ngayon si mommy. May nakain siyang tabletas na pang-english speaking. Nung isang araw naman ay French naman. Hay.

“Who is it?” Katabi ko na pala si mommy at mukhang nagulat din siya katulad ko. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na pupunta dito si daddy? Anong nangyayari?

“What the hell are you doing here? Don’t ruin our Christmas!”

“I am not here to ruin your Christmas. I am here to have a good talk and to set things right.”

“What? I have nothing to talk about with you so get your ass out of MY property.”

“Nancy, calm down.”

“By just showing your face here, you’ve already ruined our Christmas. You better go back to your wife and daughter.”

“My family is here. I should be with my family. They’re not my family.”

“What do you want to say?”

“Nancy, I really need to talk to you so could you please give me a chance?”

“Get out!”

“Please.”

Anong meron sa dila ng mga magulang ko at naglalaban sila sa English. Mag-nonosebleed ako ngayon. DOMINICK! Mamaya ka na manlandi sa telepono ng babae! Kailangan ko ng karamay dito. Babaha na ata ang dugo ko dito. Wah!

“Fine. Outside. Princess, can you continue what I’ve started? It’s not yet midnight. We have time.”

“Su-sure.”

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon